Burlesk Bangus

Ito ang lugar kung saan ang lahat ng bagay na bumibisita sa aking kaisipan ay inilalapat sa pamamagitan ng pagsusulat.

Ako si Alden, mula sa siyudad ng Valenzuela. Paborito ko ang mga bandang Eraserheads, Franco, Pupil, Sugarfree, Taken By Cars, Typecast, Urbandub, at mga libro na tulad ng Kikomachine Komix, Pugad Baboy, Beerkada, mga libro nina Bob Ong. Eros S. Atalia, Haruki Murakami, Paulo Coelho, Dan Brown, at marami pang iba. Mahilig ako sa cheeseburger, pizza, shawarma, chocolate at iced coffee.

Ikinagagalak kitang makilala. Bisitahin mo ako dito:

HOME | FACEBOOK | TWITTER | GOODREADS | BLOGSPOT | TUMBLR ASK | SUBMIT

Magbasa. Matuto. Maglibang.

| balik tanaw | books | conversations | GPOYW | kawirduhan facts noong bata pa ako | random facts about me | random photos | random thoughts | relevant lines | soundtrip muna tayo | thinking aloud | typographies |

Read the Printed Word!

Free Hit Counter

Nakisabay ka din ba sa mga matatamis na awitin ng Sugarfree?

Sigurado akong lahat naman tayong mga Pilipino eh pamilyar sa bandang ito. Pero una na sa lahat, kung tutuusin eh medyo hindi pang-‘balik-tanaw’ ang post na ito dahil nitong 2011 lang sila nagdisband. Pero siguro dahil na rin sa sobrang pagkamiss ko o ng iba pang Sugarfree fanatics ek-ek d’yan eh nararapat lang na magkwento ako tungkol sa kanila. After all (naks after all daw oh), sila ang isa sa mga bandang Pinoy na kumumpleto ng ating kayanig-yanig na dekada 2000, ang dekada kung saan maraming banda ang sumibol at nagbigay ng ingay sa musikang Pilipino.

Aminin na nating masarap din kasing alalahanin paminsan-minsan ang mga panahong ang lupon ng bandang Pinoy na maririnig mo sa talapihitan ng iyong radyo eh masasabing astig talaga. Kung maaalala, nagsunud-sunod ang pagdisband at paghihiwa-hiwalay ng ilang sikat na Pinoy bands nitong mga huling taon ng dekada 2000 tulad nitong Sugarfree. Kasama din sa mga mahuhusay na bandang Pinoy na nagdisband sa dekadang ‘yan ang Bamboo, Hale, Orange And Lemons, Mojofly, Barbie’s Cradle, at ang Piolo Pascual-KC Concepcion love team (‘de biro lang). Napabalitaan pang magdidisband na din ang Pupil noon pero salamat naman at chismax lang ‘yon.

Para sa kapakanan ng mga taong nakatira sa Jupiter, ang Sugarfree ay isang three-piece band na binubuo nina Ebe Dancel, Jal Taguibao, Mitch Singson, at Kaka Quisimbing na pinalitan si Mitch simula noong taong 2006. Nagkaroon din sila ng apat na studio albums – Sa Wakas (2003), Dramachine (2004), Tala-Arawan (2006), at Mornings And Airports (2009), bukod pa d’yan ang repackaged album ng Dramachine at isang live album kasama ang Manila Symphony Orchestra (2008). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa humble beginnings at kung anu-ano pang detalye sa bandang ito, pindutin na lamang ang link na ito para hindi na ako magpapaka-feeling henyong sabaw sa kakasaliksik at kaka-copy paste nito mula sa iba’t ibang websites.

Sugarfree. Kay tamis na pangalan ng isang banda, ‘di ba? Pero saan nga ba nagmula ang pangalang “sugarfree”? Sa totoo lang, naitanong ko na dati ito sa radio program ni John Hendrix sa Campus Radio 97.1 LS FM. Ang pagkakaalala kong sagot eh ‘yung nanay o lola o tita ng isang myembro ng Sugarfree eh merong diabetes. Alam naman nating ang isang taong may diabetes, bawal kumain ng masyadong matatamis na pagkain o kahit anong maraming asukal o sweets. Kumbaga, kailangan ay sugar free lahat ng kainin. Kaya naman naisip nilang gawing inspirasyon ang nanay/lola/tita nilang may diabetes at mula dito, nabuo ang isang bandang kagila-gilalas – Sugarfree! <*tunog ng kidlat!*> (Okay. Medyo hindi kapani-paniwala ang kwento ko pero kung tutuusin eh may kaunting katotohanan ‘yan. Parang ganyan ‘yung istorya na sinabi ni DJ John Hendrix noon on air sa kanyang Info Pop segment (kung nasusubaybayan mo ang Campus Radio noon, makakarelate ka sa pinagdadakdak ko. Hehehe).

Pero paano ko nga ba nakilala ang Sugarfree? Dahil noon pa man ay mahilig na akong manood ng music channels sa cable, halos buong araw akong nakatutok noon sa telebisyon namin, lalo pa noong magkaroon kami ng cable noong taong 1998. Bukod pa sa MTV, ilan pang patok na channels sa telebisyon na walang ginawa ang mga programa kundi kumanta nang kumanta ang mga tao 24/7 ay ang Channel [V] at MCM (German music channel yata ito na hindi gaanong sumikat dito sa atin noong late 90s). Ang MYX na kilala ngayon eh nagpapatugtog lamang noon ng mga awiting pam-videoke at kilala bilang Vid-OK Channel (Araw-gabi, sing-along party!). As in videoke talaga dahil minus one ang mga kanta, ang mga lyrics eh pam-videoke din na may umaandar na ilaw sa bawat letra, at ang video ay ‘yung mga pangkaraniwang nakikita sa mga videoke tulad ng mga magsyotang naglalampungan sa ilalim ng puno, babaeng naka-swimsuit habang tumatakbo sa dalampasigan, mga paru-parong masayang nagliliparan sa gitna ng luntiang parang, at iba pang classic na eksena.

Paminsan-minsan kapag inaatake ako ng matinding pagkabagot noon eh naghahanap ako ng mga palabas na merong music video. Uso kasi dati ‘yon sa cable. Maraming nakakalat na hindi kilalang music channels noon. May mga palabas din kasi sa ordinaryong estasyon na puro tugtugan sa loob ng isang oras lang, lalo na sa mga UHF channels tulad ng RJTV 29, SBN 21 at Net25.

Minsan kong nailipat sa Pinoy Central TV ang aming telebisyon. Ito ‘yung channel sa cable na merong chatroom sa telebisyon mismo. Kung hindi man tambak ng sangkatutak na advertisements na walang kinalaman sa buhay nating lahat, puro music videos ang pinapakita sa tabi ng screen ng chatroom na ito. Nagustuhan ko ang Pinoy Central TV dahil ang gaganda ng playlist na pinapatugtog nila kaya tuwing hapon ay nakatutok ako sa chatroom na ‘to na kung tutuusin eh puno ng “Jejemons” noon (pero syempre hindi pa ako aware doon hehehe). Nakaprogram din kasi ang kanilang programa. Kumbaga, matapos ipalabas ang music videos ni April Boy Regino eh music videos naman ni Madam Auring ang kasunod, parang ganoon ba. Naaalala ko pa ang mga kanta noon. May mga kanta ni Andrew E (dito ko unang napanood ang music video ng “Banyo Queen” at “Jinompet”), The Corrs, Red Hot Chili Peppers, at ang mga classic old songs ng Chicago, Village People, Cindy Lauper, Toto, George Michael, at iba pang musicians na halos hindi na inabot ng ating kasalukuyang henerasyon.

Naitanong ninyo siguro kung paano ko nadiskubre doon ang Sugarfree? Dahil mukhang sawa na rin kayong magbasa ng sanaysay na ito na halata namang pinapahaba ko na lang kahit halos wala nang kinalaman sa topic ang mga sinasabi ko, ganito kasi ‘yon… Merong “Tunog Kalye” segment sa Pinoy Central TV kung saan naka-line up ang paboritong videos ng mga bandang Pinoy tulad ng Parokya Ni Edgar, Barbie’s Cradle, Chicosci (dito ko talaga unang napanood ang music video ng “Paris” at “Shallow Graves”, at oo, hindi pa bampira si Miggy Chavez d’yan), at Mongols (‘yung banda ni Ely Buendia matapos magdisband ang Eraserheads at bago mabuo ang Pupil). Kasama din d’yan sa line-up ang Sugarfree, at doon ko sila unang napakinggan. Now you know. Whew!

Unang dinig ko pa lang sa ilang music videos ng Sugarfree (dalawa o tatlo pa lang yata ang music videos nila dahil bagito pa lang sila noon sa music industry – “Mariposa”, “Telepono” at “Burnout”, na nakuha sa kanilang debut album na “Sa Wakas”) eh nagandahan na ako sa mga awitin nila. Love at first sight hear, ika nga. Ilang linggo pa ang nakalipas, nagpabili ako ng “Sa Wakas” cassette tape nila. Isa ito sa pinakahuli kong naging cassette tape, bukod pa sa “Dramachine” at isang album ng foreign band na Keane.

Natatawa naman ako sa kapatid ko noong kasagsagan ng pagkahumaling ko sa mga awitin ng Sugarfree (nangyari ito noong kakalabas lang ng kanilang “Dramachine” album). Kasagsagan din ‘yon ng unang major heartbreak ni utol. At Pasko pa kamo noon! Gusto kasi n’yang i-text ang babaeng nambasted sa kanya. Wala naman, gusto lang n’yang batiin ng “Merry Christmas”. Nagreply naman ‘yung babae. Ang sabi, “Hu u?” Tawa ako nang tawa! Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa sa kapatid ko. Nagpasend pa s’ya sa akin ng mga sad quotes, tipong mga patama sa babae. Suggestion ko, mga lyrics na lang ng kanta ang isend n’ya. At ibinigay ko ‘yung malulungkot na linya sa mga kanta ng Sugarfree, tulad ng:

 “Tinatawag kita. Sinusuyo kita. ‘Di mo man marinig, ‘di mo man madama.” (Burnout)

“Hindi na kita naiintindihan. Malabo na ba ang linya sa ating dalawa?” (Telepono)

“Huwag mo akong sisihin kung minsan ako’y iyakin. Ito ang unang araw na wala ka na.” (Unang Araw)

“Nagsisising gigising sa katotohanang hindi ka naman talaga akin.” (Mariposa)

“Kahit na ilang ulit mo pa akong saktan, basta’t sa susunod, hindi mo na ako iiwan.” (Martir)

“Hindi makapag-isip. Hindi mapakali ‘pag wala ka. At parang kay tagal-tagal, mundo’y bumabagal kung wala ka.” (Limbo)

…at iba pang mga linyang pamatay! Ang galing daw ng Sugarfree, sabi ni kapatid. Saktong sakto sa pagiging broken hearted n’ya. Pero sad to say, hanggang doon lang talaga ang paghanga n’ya sa bandang ‘yon. Broken hearted lang kasi noon kaya napa-soundtrip ng Sugarfree. Hindi talaga pamilyar sa mga bandang Pinoy ang kapatid ko, liban na lang noon sa Cueshe at Hale. LOL

Ewan ko kung bakit madalas kong napapanaginipan ang Sugarfree dati. Mga apat o limang beses din yata ‘yon. Minsan may concert daw sila sa tapat mismo ng gate ng bahay namin. Minsan naman makikitulog daw si Ebe dito sa bahay namin. Mga random na panaginip talaga na walang sustansya. Totoo siguro ‘yung kasabihan na kabaligtaran ng mangyayari ang bawat napapanaginipan mo kasi hindi ko pa sila nakikita sa personal, ni dumalo sa kanilang gig ni minsan ay wala akong pagkakataon. Sana pala, hindi ko na lang sila napapanaginipan. Wasak!

Minsan ay nakakabasa ako ng ilang forum discussions sa internet at nagtatanong sila tungkol sa kung sino ang maituturing na makabagong Eraserheads sa panahong ito, o kung sino ang maaaring sumunod sa kanilang yapak. May mga nagsasabing Itchyworms, pero meron ding nagsasabing Sugarfree, at marahil isa na ako doon. Hindi ito dahil sa personal kong paborito ang mga bandang ‘yan, pero dahil sa pagbuo ng lyrics, sa aking opinyon ay halos magkahalintulad sina Ebe Dancel at Ely Buendia. Inirerelate nila ang kanilang mga awitin sa pang-araw-araw na buhay. Kaya naman hindi kataka-takang tulad ng Eraserheads ay naging tanyag din ang Sugarfree.

Parang kailan lang pala ‘di ba? Kung tutuusin, wala pang isang taon nang opisyal na magdisband ang Sugarfree (February 2011). Bagamat hindi pa ganoong katagal, para sa mga die-hard Sugarfree fans eh katumbas na ‘yan ng lima o sampung taon ng pangungulila sa banda na minsang nagbigay buhay sa ating mga radyo. Sino nga ba ang hindi napakanta sa kanilang mga awitin? Nakakamiss talaga ang Sugarfree. Sana magkaroon na sila ng reunion album. O kaya sana, maglabas na sila ng Sugarfree Greatest Hits. Masyado pa bang maaga para doon? Eh bakit ba? I   Sugarfree forever eh.

Mabuhay ang Sugarfree! Mabuhay ang “Sugarfreaks”! (Yaiks.)

[Flash 9 is required to listen to audio.]

Ikaw Pala - Sugarfree

Kung saan-saan na napadpad. Naglakad, lumangoy at lumipad. Tuwing akala ko, pag-ibig ay tunay na, hindi pala. Hindi pala. Noong hindi na nakatingin at saka ka dumating. Nand’yan ka lamang pala. Hindi ka lang nagsasalita.

Ikaw pala ang aking hinahanap — ang bahaghari ko sa likod ng ulap. Ikaw ang hulog ng langit sa puso kong napunit dahil sa dramang paulit-ulit. Kanina ka pa ba nariyan?

Ikaw pala ang aking hinahanap-hanap. Ikaw pala, awit na hindi matanggal sa aking isipan. Hindi na mahalaga kung saan ako dalhin ng hangin, basta’t nandito ka sa aking piling. Noong hindi na nakatingin at saka ka dumating. Nand’yan ka lamang pala. Hindi ka lang nagsasalita.

Ikaw pala ang aking hinahanap — ang bahaghari ko sa likod ng ulap. Ikaw ang hulog ng langit sa puso kong napunit dahil sa dramang paulit-ulit. Kanina ka pa ba nariyan?

Ikaw pala.

SUGARFREE

Last week, naisip kong ipost ‘yung mga kabulastugan ko noong baguhan pa lang ako dito sa Tumblr, Eraserheads Style. Ito naman ‘yung ilan sa Sugarfree Style ng mga typography/wordart/kung-ano-ang-tawag-dyan na ginawa ko noon. Wala, nakikiuso lang ako noong mga panahong ‘yon. Hehehe. :p

Next week, Typecast Style naman! Harharhar! (Yikes.)

Kapansin-pansin ang ‘yong ganda ngayong gabi at ang lungkot sa ‘yong mga ngiti. Ang kislap sa iyong mga mata’y wala na. Kita sa ‘yong tingin, nagsasabing tapos na ang lahat sa atin.

Ito na ang ating huling gabi. Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi ng gabing kailanma’y hindi malilimutan. Habang mata’y nakapikit, yakap mo akong mahigpit. Hanggang lumuhang kay pait. Hanggang sa kahuli-hulihang saglit.

Kumapit tayong tunay na pagkahigpit-higpit hanggang may kumalas, hanggang hindi na kaya. Sino ang unang bumitaw? Sino ang unang bumigay?

Ito na ang ating huling gabi. Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi ng gabing kailanma’y hindi malilimutan. Habang mata’y nakapikit, yakap mo akong mahigpit. Hanggang lumuhang kay pait. Hanggang sa kahuli-hulihang saglit.

[Flash 9 is required to listen to audio.]

Heto Na Naman Tayo - Sugarfree

Heto na naman tayo. Ilang ulit pa bang magkakamali bago tayo matuto? Heto na naman tayo. Ba’t ‘di magkasundo ang sigaw ng isip at ang bulong ng puso?

Heto na naman tayo. Ano ang ating gagawin ‘pag sinabi na ng damdamin, ‘di sapat ang pag-ibig upang buhayin at paikutin ang ating mundo? Ilang sugat pa bago sumuko? Ilan pa ba bago tayo gumuho?

Heto na naman tayo. Nangangapa sa dilim. May hinahanap — isang bagay na wala na. Nananaginip tayo sa tamis ng kahapon para lang gumising sa bangungot ng ngayon.

Heto na naman tayo. Ano ang ating gagawin ‘pag sinabi na ng damdamin na ‘di sapat ang pag-ibig upang buhayin at paikutin ang ating mundo? Ilang sugat pa bago sumuko? Ilan pa ba bago tayo gumuho?

Played 30 times / Sugarfree - Heto Na Naman Tayo / 9 months ago / 14 notes / soundtrip  sugarfree  heto na naman tayo  favorite  \m/ 

Kung pag-aari ko lang ang lumbay, itatago ko siya habang buhay. Wala nang inggit, wala nang galit. Paliligayahin kita bawat saglit.

Napansin kong nitong mga nakaraang araw ay panay ang download ko ng MP3 music. Kapag na-LSS ako sa kanta, download kaagad, tulad ng ginawa ko sa &#8220;Firework&#8221; ni Katy Perry at &#8220;We R Who We R&#8221; ni Ke$ha (Oo, napa-download ako ng mga kantang &#8216;yan nang &#8216;di oras!). Kaya naisipan kong pakainin naman ngayon ng orihinal na musikang Pinoy ang aming computer. \m/

Napansin kong nitong mga nakaraang araw ay panay ang download ko ng MP3 music. Kapag na-LSS ako sa kanta, download kaagad, tulad ng ginawa ko sa “Firework” ni Katy Perry at “We R Who We R” ni Ke$ha (Oo, napa-download ako ng mga kantang ‘yan nang ‘di oras!). Kaya naisipan kong pakainin naman ngayon ng orihinal na musikang Pinoy ang aming computer. \m/

[Flash 9 is required to listen to audio.]

Huling Gabi - Sugarfree

Ang kislap sa iyong mga mata’y wala na. Kita sa ‘yong tinging nagsasabing tapos na ang lahat sa atin.”

Played 10 times / 1 year ago / soundtrip  sugarfree  huling gabi  asteeg 
&#8220;Hindi na mahalaga kung saan ako dalhin ng hangin basta&#8217;t nandito ka sa aking piling.&#8221;

“Hindi na mahalaga kung saan ako dalhin ng hangin basta’t nandito ka sa aking piling.”

“Nananaginip tayo sa tamis ng kahapon para lang gumising sa bangungot ng ngayon.”
Heto Na Naman Tayo by Sugarfree

“Nananaginip tayo sa tamis ng kahapon para lang gumising sa bangungot ng ngayon.”

Heto Na Naman Tayo by Sugarfree

[Flash 9 is required to listen to audio.]

“Ayoko nang mag-isa.”

Mariposa by Sugarfree

Played 22 times / 1 year ago / reblog  soundtrip  sugarfree 

Mornings And Airports (Sugarfree)

rotaaire:

HAY BUHAY

Dahil nakita mo na akong sumablay. Narinig mo na ang puso kong bumigay.

FEELS LIKE

There’s something about tonight. Something and it feels so right.

MORNINGS AND AIRPORTS

And this shirt I have on is too big for me. But your arms, they fit me perfectly.

WALA NANG HIHILINGIN

Kung maaari lang kumutan ka sa ano mang bagyong nagbabadya. Walang laban ang lamig sa init ng ating pag-ibig.

HANGOVER

Sa dinami-dami ba naman ng gustong malimutan, ikaw pa ang naiiwan sa puso’t isipan.

PATAWAD

Sino ba’ng mag-aakala na ito ang simula ng pag-ibig na tinadhana?

GET OVER IT

The world is not a dream, it bites you.

PAGKATAPOS NG LAHAT

Ibalik ang kahapon, bago maging huli ang lahat.

WALA

Wala nang love sa ating team.

MAMANG DRIVER

Minsan ay okay lang maging steady dahil ang buhay ay ‘di nadadaan sa pagmamadali.

HETO NA NAMAN TAYO

Nananaginip tayo sa tamis ng kahapon para lang gumising sa bangungot ng ngayon.

WHERE DO WE GO?

Now I finally know why everything fades out. All I ever wanted is right here with me.

FORM FACTOR

Pain and I were never really strangers.

WALANG PAALAM

Bukas paggising ko nand’yan ka na muli sa aking tabi at iku-kwento mo’ng mga nakita mo habang tayo’y magkalayo.

The lyrics, man. The lyrics! :p

photo source

Page 1 of 5
Alternative Theme by maggie. Powered by Tumblr.