Alden. Filipino blogger. Book lover. PBA freak. Murakami fan. Cheeseburger and chocolate junkie. Rock music enthusiast. Romina Ann Santos Doria's.

Popular tags:

basketball | bob ong | books | coldplay | edgar calabia samar | eraserheads | eros atalia | foods | franco | kikomachine komix | haruki murakami | nostalgia | one liners | pba | pinoy | pugad baboy | pupil | random facts | random music | random photos | random things i fancy | random thoughts | relevant lines | song typos | taken by cars | typecast | urbandub

Read the Printed Word!

Free Hit Counter

Naaalala mo pa ba ang matinee idol na si Rico Yan?

Meron siyang pares ng dimples na hanep sa lalim. Simple lang kung pumorma. Pinagpapantasyahan ng mga kababaihan, tinutularan ng mga kalalakihan, at iniidolo ng mga kabataan. Nagtataglay ng matatamis na ngiti na malamang kahit ang mga lola ay mahuhumaling (at maaaring iwanan ang kanilang sinasambang si Willie Revillame). At itsura na lumalamang lang ng mga tatlong paligo sa akin, at siyempre nagbibiro lang ako. Ilan lamang ‘yan sa mga katangian ng sikat na artista ng kanyang henerasyon na si Rico Yan.

Siya si Ricardo Carlos Castro Yan na nakilala sa mundo ng showbiz bilang si Rico Yan. Ipinanganak noong March 14, 1975 sa Maynila, itinuring siyang isa sa matinee idols ng Star Magic (na kilala pa noon bilang “Talent Center”) noong kalagitnaan ng dekada nobenta. Isa rin siyang matagumpay na negosyante dahil sa kanyang mga negosyong tulad ng Orbitz Pearl Shake, Java Hut, at iba pa, at endorser ng iba’t ibang mga produkto tulad ng Greenwich Pizza, Talk ‘N Text, Master Facial Cleanser, Eggnog Cookies, at iba pa.

Nakita rin ang pagka-versatile ni Rico Yan dahil sa paglabas niya sa iba’t ibang mga programa ng ABS CBN. Umusbong ang angking talento niya sa acting sa mga programang tulad ng Mara Clara (original), Gimik, Mula Sa Puso (original), Saan Ka Man Naroroon, at mangilan-ngilang pagganap sa Maalaala Mo Kaya. Kinakitaan din siya ng talento sa pagpapatawa dahil sa programang Whattamen, at nagkaroon ng potensiyal bilang isang magaling na host sa programang Magandang Tanghali Bayan (MTB).

Nakasama din siya sa mga pelikulang pinagtambalan nila ni Claudine Barretto tulad ng Dahil Mahal Na Mahal Kita, Mula Sa Puso The Movie, at Got 2 Believe, at sa mga pelikulang pinagsamahan nila ni Judy Ann Santos (na monay ang mga pisngi noon) tulad ng Paano Ang Puso Ko, Flames The Movie, Kay Tagal Kang Hinintay, at Gimik The Reunion.

Isang nakakatuwang eksena sa pelikulang Kay Tagal Kang Hinintay ang tumatak sa isip ko at nais kong ikuwento sa blog na ito. Pinakapaborito ko kasi itong eksena sa lahat ng mga naging pelikula ni Rico Yan. (Sa puntong ito, pinapayuhan kitang i-skip ang mga susunod na talata kung inaantok ka na, pero kung nais mong makisabay sa kasabawan at kababawan ng aking kaligayahan, ituloy mo lang ang pagbabasa hanggang sa himatayin ka sa kakornihan.)

Isang gabi, nagbabasa ng diyaryo si Alex (Rico Yan) sa kusina ng isang hotel sa Ilocos nang biglang pumasok sa eksena si Anna (Judy Ann Santos) na that time ay asar kay Alex. Dumampot ng diyaryo si Anna, naupo at nagbasa din pero malayo sa kinauupuan ni Alex. Ang suot ni Anna ay isang bulaklakin at mahabang bestida na lampas tuhod, si Alex naman ay naka-puting t-shirt at pajama, nakasalamin at mukhang bao ang style ng buhok na wet look, nerd na nerd ang dating. Narito ang usapan nila (hindi ito ‘yung eksaktong dialogue nila dahil hindi naman ako ‘yung gumawa ng script nila):

Alex: Miss… Ano’ng pangalan mo?
Anna: (Tumingin kay Alex, pagkatapos ay umirap at nagpatuloy sa pagbabasa)
Alex: Miss… May pangalan ka ba?
Anna: (Nagpipigil)
Alex: Ang pangalan mo ba ay Liiiiiii… Yona? (Leona)
Anna: (Hindi nakatiis, humarap kay Alex at sinigawan siya) Nang-iinsulto ka ba?!
Alex: (Walang reaction ang mukha, nakatingin lang kay Anna, sabay sagot ng…) Oo!
Anna: (Nanggigil ulit at umirap, itinuloy ang pagbabasa)

Maya-maya pa ay biglang may umalulong na aso. Awooooooo!!!

Alex: Miss… Natatakot ka ba? Sabi kasi ng mga matatanda dito, kapag meron daw umaalulong na aso kung dis oras ng gabi, meron daw itong nakikitang… Multo.
Anna: (Kinakabahan pero hindi pinahahalata)
Alex: Sige. Una na ako. (Sabay tayo at alis sa kusina, wala pa ring reaction ang mukha)
Anna: (Pagkaalis ni Alex, dahan-dahang tumayo, pasimpleng tinitiklop ang diyaryo) Hmm… Hmm… Hmm… Dam-didam didam didam didam…….

Muling umalulong ang aso. Awooooooo!!!

Anna: (Biglang kumaripas ng takbo paakyat sa kuwarto n’ya, nagsisigaw ng…) Nyaaaaaaay! Nyaaay!!!

Halos himatayin na lamang sa gulat si Anna pagpanhik sa hagdanan nang makita n’yang nakatayo at nakatingin lamang sa kanya si Alex, then sabay lumayo rin sa kanya, um-exit ng eksena, wala pa ring reaksiyon ang mukha. (Insert piano background music here, ‘yung parang pang-comedy ang tunog)

Tawang-tawa ako sa eksenang ito. Pasensiya na pero alam kong mahirap talagang intindihin kapag nababasa lang. Panoorin n’yo na lang ang pelikulang ‘yun. Kung hindi ninyo napanood o kung nakalimutan n’yo na ang eksenang ‘yun, eh problema n’yo na ‘yun. Biro lang.

(Okay, maaari ka nang magbasa ulit kung nais mo…)

Dumating ang hindi inaasahang pangyayari noong March 29, 2002. Nagulat ang buong bayan sa balitang sumakabilang-buhay na si Rico Yan labinlimang araw matapos ang kanyang ika-27 taong kaarawan dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis. Ewan ko kung ito ba ‘yung bangungot. Ang sabi kasi ng ilan, binangungot daw si Rico Yan habang natutulog sa kanilang pagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan. Biyernes Santo o Good Friday nang bawian siya ng buhay, kasabay ng paggunita sa pagkamatay ni Jesus. Hinding hindi ko makakalimutan ‘yun dahil nagbabakasyon kami sa Tagaytay noon at may trangkaso pa ako. Nagtext ang kakilala ni inay na namatay na nga daw ang artistang si Rico Yan, at siyempre ay nabigla kami.

Hindi inaasahan ng kanyang mga nakatrabaho at ng mga taong nagmamahal sa kanya ang maagang pagpanaw ni Rico Yan. Binigyan pa siya noon one week special tribute sa Magandang Tanghali Bayan (MTB), maging sa sitcom n’ya na Whattamen eh nagkaroon ng special tribute episode. Meron ding special coverage ang libing n’ya sa ABS CBN noon. Ibinalita nila ang lahat ng mga nangyari kay Rico Yan. Naikuwento pa doon na noong time na dinala sa ospital si Rico Yan sakay ng ambulansiya, hindi daw ito iniwanan ng kapatid niyang si Bobby Yan na tahimik lang noong mga oras na ‘yon, hindi umiiyak. Waring pinapatatag ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kapatid niyang si Rico Yan. Pero huli na ang lahat.

Naaalala ko rin noon (ang dami ko talagang naaalala hanep) doon sa special tribute nila sa MTB, napag-usapan nila ‘yung mga huling araw na nakatrabaho nila si Rico Yan. Meron daw eksena noong isang linggo kung saan nagsasalita ang host na sina Dominic Ochoa at Rico Yan sa isang game portion ng MTB. Karaniwang spiel o dialogue ng host kapag magko-commercial break o kapag matatapos na ang isang programa ay “Magbabalik po ang <titulo ng programa> after some reminders!” o kaya “See you tomorrow! Thanks for watching <titulo ng programa>!” Pero ayon sa kanila, ang binanggit daw ni Rico Yan ay “Magpapaalam na po kami! Thanks for watching MTB!” Hindi nila akalaing namamaalam na pala noon si Rico Yan sa kanila. Literal siyang nagpaalam. Ang sakit!

Isa lamang si Rico Yan sa mga biglaang pumanaw na teen stars. Bukod sa kanya ay kasama din sa listahan sina Marky Cielo (namatay noong December 7, 2008 sa edad na 20, hanggang ngayon ay nananatiling misteryo ang kanyang pagkamatay), Julie Vega (namatay noong May 6, 1985 sa edad na 16 dahil sa cardiac arrest, pinalabas pa ang life story n’ya noon sa Maalaala Mo Kaya na pinamagatang “Unan” at si Angelica Panganiban ang gumanap na hawig na hawig ni Julie Vega), Miko Sotto (namatay noong December 29, 2003 sa edad na 21 dahil sa pagkakahulog n’ya mula sa ika-siyam na palapag ng isang condominium building), at noong isang taon lamang ay ginimbal tayo ng masamang balita tungkol sa pagkamatay ng Kapamilya star na si AJ Perez sa edad na 18 dahil sa isang car accident.

Napakarami pang iniwang magagandang alaala si Rico Yan, sindami ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya. Alam kong meron dito sa inyo na paboritong artista si Rico Yan. At sa mga alaalang ito ay nagkaroon tayo ng pagkakataong sariwain ang kanyang mga kontribusyon sa showbiz. Nakakalungkot subalit talagang ganyan ang buhay. At ang lahat ng ito ay mananatiling alaala na lamang ng masayang kahapon. Sabi nga sa isang kanta ni Piolo Pascual na pinamagatang “Sana Ikaw” na tiyempong sumikat noong mamatay si Rico Yan:

“Kaya’t ikaw ay mananatili na lang sa damdamin at aking isipan. Iguguhit kita sa alaala… Pagka’t tayo ay hanggang panaginip lamang.”

Pasensiya na at bigla akong napaawit. Paborito ko kasi dati ang kantang ‘to eh. Ni-record ko pa nga sa cassette tape ko ‘to.

Saturday, 18 February 2012

Naranasan mo bang manood ng mga ‘katakam-takam’ na bold movies noong dekada nobenta?

(<*tung-tung-ting-tung-tung!*> Ang susunod na sanaysay ay Rated SPG. Ito ay nangangailangan ng istriktong patnubay at gabay ng magulang dahil sa mga sensitibong temang hindi angkop sa mga bata.)

Meron akong bagong tuklas na channel sa YouTube nitong mga nakaraang linggo – ang Cinemasuerte. Isa itong channel na naglalaman ng iba’t ibang videos ng mga lumang programang Pinoy sa telebisyon tulad ng ilang drama anthologies, sitcoms, concerts, variety shows, showbiz talk shows at iba pa. Maski ang mga video clips ng ilang awards night (tulad ng Star Awards, Gawad Urian, Famas, at iba pa) at movie trailers na ipinalabas noong dekada nobenta ay naka-upload sa channel na ito. Astig! Kaya to turn back the hands of time oink oink ay nag-subcribe agad ako sa channel na ito.

Bago ako matulog kagabi, nanood muna ako ng isang episode ng programa ng yumaong host na si Inday Badiday sa channel na ito. Sa naturang video ay pinakita ang premiere night ng “Dobol Dribol”, isang pelikula noong early 90s na pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Aiza Seguerra (noong cute pa s’yang babae), at Alvin Patrimonio. Oo, ‘yung dating basketbolista. Usong uso ang mga basketbolistang suma-sideline bilang artista sa pelikula noong dekada nobenta kahit ang angking talento lang talaga nila ay ang mag-shoot ng bola sa ring. Kailan kaya natin mapapanood sina James Yap, Jayjay Helterbrand at Arwind Santos sa pinilakang tabing, ‘no?

Kaso, iba talaga kapag mahilig kang magbalik-tanaw o mag-reminisce sa nakaraan. Masyado akong nag-enjoy sa panonood kaya bago ko isara ang PC, sumubok pa akong manood ng isang movie trailer. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagkalibog sa mga oras na ‘yon pero sinubukan ko lamang panoorin ang trailer ng pelikulang “Patikim Ng Pinya” na pinagbibidahan ng sex goddess noong dekada nobenta na si Rosanna Roces. Habang nanonood ako, napaisip ako. Nakakaaliw nga naman pala ang mga ganitong klaseng pelikula na usong uso noong 90s. Bakit nga kaya wala nang mga pelikulang Pilipinong hubuan ngayon? Oo, alam kong uso na kasi ang porn sa internet ngayon, pero ipagpalagay nating hindi pa uso, dahil kung hindi, aba eh baka wala na akong maikuwento na maaari nating balik-balikan! Ano daw? Wasak!

Majority na yata ng mga taong lulong sa internet na tulad ko ay tinuturing na 90s Kid. Ang dekadang ‘yan ang nagsilbing transition period ng panahon ng karamihan sa atin dahil maraming nagbago sa mga kulturang Pilipino, sa libangan man o kahit sa totoong buhay. At sa larangan ng pelikula, maraming artista ang umusbong at nalaos, at iba’t ibang klase ng pelikula ang biglang naging sentro ng atensyon hindi lang ng mga Pilipinong manonood kundi pati na rin ng ilang mga kritiko.

Kabilang sa ilang mga kontrobersyal na klase ng pelikula ay may mga pamagat na “Bakat”, “Itlog”, “Talong”, at iba pang one-word titles. Hindi, hindi dahil sa sobrang iksi ng mga pamagat na ito kaya naging mainit sila sa kritiko. Kung isa kang Pinoy na naninirahan doon sa malayong planetang Jupiter, para sa iyong kaalaman, ang ganitong mga pelikula ay tinatawag na bold movies, titillating films, ST o Sex Trip, pelikulang hubuan, tirahan, kadyutan, kantutan – sa madaling salita, porn, porn at umaatikabong porn!

Kung ikukuwento ko ang pinagmulan ng ganitong klaseng mga pelikula eh aabutin tayo ng alas-tres ng umaga dahil simula pa noong dekada sitenta ay meron nang bold movies. Isa sa pinaka-sikat na pelikulang hubuan noong dekadang ‘yan ay ang “Burlesk Queen” kung saan bida ang tinaguriang “Star for All Seasons” na si Vilma Santos. Oo, itinabi pansamantala ni Ate Vi ang kanyang good girl image at nagpaka-wild para sa pelikulang ito, which is worth it naman dahil humakot ito ng siyam na awards noong 1977 Metro Manila Film Festival. O, ‘di ba? Hubad muna bago award!

Hindi ko alam kung ano ang pelikulang hubuan na nagsilbing trendsetter sa pagpasok ng dekada nobenta. Ang naaalala ko lang, patok na patok ang ganitong mga pelikula sa mga sinehan na parang itinayo lamang upang magbigay ng aliw lalo na sa mga tigang na kalalakihan, tulad ng mga sinehan sa Recto, Quiapo, at Aliw Complex sa Meicauayan. Ang poster ng mga pelikulang ito rin ang madalas na pinagpipiyestahan nila sa labas ng sinehan, kuntento na sa pagmamasid ng mga litrato ng maiinit na eksena sa naturang bold movie hanggang sa maglaway sila.

Hindi maitatangging malaki ang parte ng mga pelikulang hubuan sa kasaysayan ng movie industry noong dekada nobenta (sumunod na pinaka-patok sa aking opinyon ay ‘yung massacre movies na merong tagline sa dulo ng pamagat ng pelikula tulad ng “So Help Me God!” “God Bless Your Children”, “Jesus Pray For Us”, at iba pang tagline na para bang naglalabag sa Ikalawang Utos ng Diyos). Naging patok na movie outfit ang Seiko Films na pag-aari ni Robbie Tan at itinatag noong taong 1984. Kung tutuusin, kaya lang sila pumasok sa pelikulang bold ay dahil nawala ang kanilang ningning sa pagpasok ng dekada nobenta. Desperate move, ika nga siguro. Sa madaling salita, sikat na sila noon pang dekada otsenta. Sa bakuran nila umusbong ang mga “Regal Babies” na tulad ng tambalang Sheryl Cruz (Mr. Dreamboy! Aaaay LOL) at Romnick Sarmienta, Jestoni Alarcon, Gretchen Barretto, Cesar Montano, at iba pang artista. Sila rin ang nagproduce ng pelikulang “Blusang Itim” starring Snooky Serna and Richard Gomez (na ewan ko lang kung may nakapanood nito o mukhang ako lang hehe). Subalit sa palagay ko, naubos na ang kanilang creative juices chuchu sa paggawa ng magagandang pelikula pagpasok ng 90s. May kaunting pressure na rin siguro. Sabi kasi sa slogan ng Seiko Films, “If it’s from Seiko, it must be good!”.

Bukod pa sa mga artistang nabanggit noong dekada otsenta, kabi-kabilang ta-artits din ang sumikat at pinasikat ng Seiko Films sa kanilang “Bold Movie era”. Ang kinahinatnan ng mga artistang ito ngayon ay alin lamang sa tatlo: Meron na silang pamilya, aktibo pa rin sa showbiz, o tuluyan nang naghirap. Kung noong dekada sitenta ay sumikat ang tinaguriang “Softdrink Beauties” (hindi, hindi sila mga tindera ng softdrinks noong Martial Law okay?) na sina Sarsi Emmanuelle, Pepsi Paloma at Coca Nicholas, noong dekada nobenta ay matutunog ang mga pangalang tila ba mababangong bulaklak at sa unang dinig ay aakalain mong maaamong nilalang sa lupa tulad nina Rosanna Roces, Klaudia Koronel, Diana Zubiri, Ana Capri, Nini Jacinto, Priscilla Almeda, Natasha Ledesma, Sofia Valdez at iba pa. Huwag kang palilinlang sa kanila sapagkat sa likod ng misteryosa nilang mga pangalan ay nakatago ang kanilang wild side ika nga na tiyak na magpapainit sa lamang loob ng mga kalalakihan. Oooh-la-laaah!

Pero syempre, paano nga naman ang tawag ng laman ng mga kababaihan? Tao lang din naman silang tulad ng mga lalake at kahit hindi nila tahasang aminin, kahit paano’y may libog pa rin silang nararamdaman sa kanilang katawan. Kaya naman para sa kanila ay tinupad ng Seiko Films ang pantasya ng mga kolehiyala sa pagningning ng bituin ng mga artistang tulad nina Gardo Verzosa, Leandro Baldemor, Leonardo Litton, Anton Bernardo, Rodel Velayo at iba pang mga pangalang mukhang good boy ang imahe subalit makalaglag-panty ang performance sa pelikula. Yun nga lang, dahil karamihan sa mga nanonood ng pelikulang kantutan ay ang mga kalalakihan, babae ang laging bida sa ganitong klase ng mga pelikula at ang mga lalake ay nagsisilbing extra o props lamang. Hindi pa kasi uso noon sa pelikulang hubuan ang himurang babae sa babae, maski ang tirahang lalake sa lalake.

Pagdating naman sa titulo ng mga bold movies noong dekada nobenta, wala na yatang mas hahanep pa sa creative minds ng Seiko Films kapag ganitong genre ng pelikula ang pag-uusapan. Pangkaraniwan nang may dobleng kahulugan o double meaning ang mga titulo ng mga pelikula, pampainit at pampa-curious ek-ek na rin sa mga manonood. Halimbawa na lang, ang pelikulang “Anakan Mo Ako” ay maaaring tungkol sa isang babaeng mahilig makipag-iyutan sa kung sinu-sino, magkaroon lamang ng anak. Subalit ito ay maaaring may mas malalim at mas seryosong kahulugan. Maaaring ito tungkol sa isang tribo ng mga Amazonang naghahangad na magkaanak upang maialay nila ito sa kanilang mahal na reyna at maputol ang sumpa. (Napaka-creative kong magpaliwanag)

Ilan pa sa mga halimbawa ay ang “Itlog”. Unang maglalaro sa isipan mo ang babaeng mahilig sa yagbadoodles. Subalit sa mas matinong obserbasyon, maaaring ito rin ay tungkol sa tindera ng itlog na nakabihag ng matipunong binata (wasak na wasak pa ang poster nila dahil kung mapapansin sa larawan, meron pa silang quotable quote na nalalaman: “Heart has it reasons which mind cannot understand.” Hanep!).

Meron ding mga titulong kapag iba ang paraan ng pagkakabasa o eh magkakaroon ng panibagong kahulugan, tulad na lang ng “Patikim Ng Pinya”. Maaaring ang prutas na pinya ang gustong tikman ng kung sinong bida, ngunit pwede ring ibang “P” ang nais n’yang malasap. Maaaring pekpek, pwet, o paa ang mga ito. Nariyan din ang ibang mga titulong pamatay tulad ng “Kangkong”, “Kesong Puti”, “Sariwa”, “Aray”, “Kandungan”, “Pisil”, at iba pa.

Isa namang kapansin-pansin sa mga pelikulang puno ng mainit na eksena ay ang theme song ng trailer nito. Ewan ko kung meron ditong nakakaalala o nakapanood ng trailer noon ng pelikulang “Anakan Mo Ako”. Wagas sila kung makapili ng kanta dahil sa tuwing mapapanood mo ang kanilang trailer eh maririnig mo ang boses nina Ronan Keating at ng kanyang boyband na Boyzone, dahil na rin sikat noong mga panahong ‘yon ang kantang “No Matter What”. (Imagine-in mo, bumibirada si Stephen Gately ng “No matter what they judge us, no matter what they say…” habang naliligo sa batis si Klaudia Koronel habang libog na libog namang nanonood sa kanya si Leonardo Litton at ang buong kalalakihan. Wagas talaga!)

Naaalala ko din ‘yung trailer ng pelikulang “Sariwa” ni Priscilla Almeda. Maririnig ang awiting “That’s Why (You Go)” ng Michael Learns To Rock na sinasabayan ng mala-romantikong boses ng isang lalakeng taga-Seiko Films“Priscilla Almeda… Sariwaaaaaaaah…”. Kung tutuusin, nakakahatak din ng manonood ang may pagka-senswal na voice over ng isang pelikulang hubuan. Yun bang parang mala-Don Romantiko ang boses gayong parang puro hangin lang naman ang lumalabas sa bunganga ng nagsasalita. Oooh-la-laaah (ulit)!

Sa pagkakaalala ko, nangyari ang unang engkwentro ko sa isang bold movie nang hindi sinasadya. Ganito kasi ang eksena… Maliit pa kasi ako noon (natural, bata pa eh. Alangan namang paatras). Gabi na noon at pinapatulog na ako ng nanay ko. Sinarado nila ang pinto nila sa kanilang kwarto. Noong una eh wala akong paki doon. Pero dahil hindi pa ako inaantok, naisipan kong pumasok sa kwarto nila (wala lang, gusto ko lang pumasok, bahay ko rin naman ‘yun ‘di ba). Hindi nila napansin na nakasilip ako sa siwang ng pinto nila. Pagkakita ko sa pinapanood nilang betamax eh nagulat ako dahil kitang-kita ko ang isang mainit na eksena – walang damit pang-itaas ‘yung babae at walang pakundangang nilalamas ng lalake ang dede ng babae! At hindi pa nakuntento, dinilaan pa n’ya ang cute na utong ni babae! Hindi ko na maalala kung ano ang titulo ng pelikulang ‘yon pero alam ko, Pinoy bold movie ang pinapanood nila. Matapos kong masaksihan ang maiinit na eksena, hindi na ako tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto. Ewan ko ba, para bang hindi mag-sink in sa utak ko ‘yung mga eksenang nakita ko. Alam kong mababaw na eksena lang ‘yon dahil dede lang ang nakita ko at wala pang pinapakitang ari pero gulat na gulat ako eh! First time ko lang makakita ng ganoon. Doon ko unang nalaman na nakakain pala ang utong. ‘De, biro lang. (Para sa ikatatahimik kuno ng lahat, hindi po ako nag-jakol matapos kong sumilip sa pinapanood nila dahil wala pa akong kamuwang-muwang sa mga bagay na ‘yon noon, okay?)

Kahit na maraming tutol sa pagpapalabas ng ganitong klase ng mga pelikula eh hindi pa rin napigilan ang Seiko Films at ilang movie outfit sa paggawa ng mga pelikulang pumupukaw sa libido ng mga kalalakihan. Nakakabilib din ang mga artistang gumaganap sa mga pelikulang ito. Handa silang mag-alis ng saplot para lang sa ikasasaya ng mga manonood at sa ikasisigla ng pelikulang Pilipino. For art’s sake, sabi nga nila.

Sa ngayon, alam nating hindi na uso ang mga pelikulang hubuan sa sinehan. Marami dahilan kung bakit nangyari ito pero nangunguna na marahil ay ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ang dating panonood ng bold movie sa sinehan ay napalitan ng panonood ng porn sa internet, at ang pagrerenta ng mga VHS/betamax ay napalitan ng pagbu-bluetooth ng sex scandal sa cellphone (alam kong alam mo ito! Usong uso ito sa eskwelahan namin dati. Kapag sinabing “bluetooth”, nagkakaintindihan na kaming mga lalake para sa isang hangarin – ang magkaroon ng kopya ng pinakamainit na sex scandal ng sikat na artista. Magkakaalaman na kung sino ang malilibog sa klase namin! Woot!). Subalit ilang bagay pa rin ang hindi nagbabago. Ito ay ang patuloy na pagbibigay ng aliw sa mga manonood ng mga pelikulang may maiinit na eksena, at habang may mga taong naghahanap ng init sa katawan ay hindi mawawala ang bold o porn sa sistema nating lahat. Mabuhay ang porn! <*yikes.*>

Saturday, 11 February 2012

Iningatan mo ba ang iyong katawan noon habang nanonood ng “Palibhasa Lalake”?

(Sa totoo lang, nakagawa na ako ng kuwento tungkol dito noong taong 2010. Medyo bagu-bago pa lamang ako dito sa Tumblr noong mga panahong ‘yon. Kaso, isa o dalawang paragraph lang ‘yon, kaya ini-revise ko ngayon. Gagawin kong mas detalyado ang istorya, as always. Welcome to the world of blogging, Memorykill style. <*ngisi!*>)

Ang Palibhasa Lalake ay isang sikat na sitcom na ipinalabas sa ABS-CBN noong late 80s hanggang mid-90s. Isa ito sa pinakapaborito kong sitcom noong dekada nobenta. Lagi akong nanonood nito kahit madalas ay hindi ko maintindihan ang istorya ng ilang episode dahil bukod sa masyado pa akong bata noon ay “Rated PG” ang istilo ng kanilang pagpapatawa. Tumatak sa isip ko ang lahat ng pangunahing mga tauhan sa sitcom na ito tulad ng pagiging babaero nina Ricardo/Ricky (Richard Gomez) at Joselito/Joey (Joey Marquez), ang mga palpak na imbensyon ni Juanito/Johnny (John Estrada), at ang isip-bata, ang “Banana Man” at “Power Ranger Six” ni Tikboy (Anjo Yllana) na best friend ni Juanito/Johnny.

Kasama din sa kwelang cast ang kapatid ni Ricardo/Ricky na si Cathy (Carmina Villarroel), ang tomboyish na si Amelia (Amy Perez), ang babaeng mukhang may topak at laging may hawak na stuffed toy na si Cynthia (Cynthia Patag), at si Lola Minerva (Gloria Romero) na lasinggera. Nang maglaon ay nakigulo na din sa cast ang tinaguriang crushes ng bayan noong dekada nobenta na “The Gwapings” na sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, Eric Fructuoso (na ultimate crush ng pinsan ko noon), at Jao Mapa (tinaguriang ika-apat na Gwaping bagamat hindi talaga s’ya opisyal na kabilang sa grupo dahil hindi n’ya nairehistro ang kanyang pangalan sa National Statistics Office, ‘de biro lang).

Kung may mga gwapong kelot, aba s’yempre dapat eh meron din silang partners na cute na mga bebot na tinagurian namang “The Kutings” na kinabibilangan nina Tracey (Claudine Barretto), Ashley (Rica Peralejo), KC (G. Toengi), Regine (Regine Tolentino), at Sydney (Lindsay Custodio). Sa totoo lang, hindi gaanong pansinin ang mga kuting na ito dahil panay pa-tweetums lang sila noong mga panahong ‘yon at hindi sila makasabay kahit man lang sa Gwapings. Kung tutuusin, kung hindi pa ako napadpad sa Wikipedia eh makakalimutan kong kasama nga pala sa cast ng Palibhasa Lalake ang dyaskeng mga kuting na ito!

Siguro naman eh naaalala mo na ang programang ito (liban na nga lang kung hindi ka pa tao noong dekada nobenta). Halos lahat ng cast eh inisa-isa ko na. Kulang na lang, pati ang isa sa mga direktor na si Boyong Baytion na laging umi-extra at nakikisali sa pakikipagbatuhan ng punchline eh ikwento ko (oops, naikwento ko na nga. Hehehe). Naabutan mo ba ang programang ito sa channel 2 na kadalasang pinapalabas tuwing Martes ng gabi pagkatapos ng TV Patrol (na trenta minutos lang ang itinatagal noon)?

Sa pagkakaalam ko, dito unang lumabas sa telebisyon ang tinaguriang jinks ng noontime shows ng ABS-CBN na si Bentong. Nang lumabas ang life story ni Bentong sa MMK (na ginanapan ni Roderick Paulate) ay nalaman kong isa pala siya sa mga umi-extra noon sa mga sitcom ng Dos. Siya ‘yung tipong laging binubuhusan ng tubig maliban pa sa mga guest ng programa.

O, nabigla siguro kayo dahil paano nagkaroon ng buhusan ng tubig sa isang sitcom. Kung ako ang tatanungin, ang pinaka-memorable sa sitcom na ito ay ang pagbabasaan ng mga cast sa pagtatapos ng programa (o kahit sa kalagitnaan ng show). Kasunod na nito ang pagpapatugtog nila ng kanilang theme song na “Katawan” ng Hagibis. Kung hindi ako nagkakamali, ang Palibhasa Lalake ang sitcom na nagsimula ng ganitong estilo ng pagpapatawa, ‘yun bang may kasamang basaan mode sa set. Pamilyar din ang programang ito sa mga antics na talaga namang below the belt nang maituturing. Yun bang may mga pang-asar na dialogue ang mga artista sa kapwa artista na wala naman talaga sa script. Halimbawa, mga blind item na sinisingit sa gitna ng spiel bilang pang-asar sa naturang artista. Mabuti na lang at wala naman akong nabalitaang nagkapikunan sa kanila dahil ika nga ni Bossing Vic Sotto, pawang mga propesyonal lamang ang gumagawa ng ganitong mga kabulastugan. Kung magkakapikunan nga naman eh idaan na lang sa basaan!

Haay.. Nakakamiss ‘yung may basaan ng tubig sa isang sitcom. Animo’y Pista ng San Juan tuwing Martes ng gabi sa programang ito. Hindi matatapos ang episode hangga’t walang nabibiktima ng isang baldeng tubig. Ang lagi nilang pinagdidiskitahang basain ay ang kanilang mga special guest sa bawat episode, tila ba senyales na rin ito ng pasasalamat dahil nag-guest sila sa Palibhasa Lalake. Suwerte na lang ng mga panauhin nila kung magdadala sila ng sabong panligo sa free shower na ito. Astig!

Isa pa sa mga bagay na makakapag-paalala sa Palibhasa Lalake ay ang simula ng kanilang programa. Habang pinapakita ang mga pangalan ng cast ay nagsisimulang marinig ang “lala-lala-lala-lala-la-hooooo” bilang hudyat ng panimula ng kanilang theme song at sa background ay maririnig ang audience na tila ba’y na-overwhelmed – “aaawwwww!” – sabay palakpak. Naaalala ko noon, kapag naririnig ng bunso kong kapatid ang theme song ng Palibhasa Lalake, kumekembot siya sa harap ng telebisyon! Nakakatawa!

Sa totoo lang, hindi pa ako gaanong aware sa sitcom na ito noong una. Naging interesado lang ako nang minsan sa isang episode ay nasunog ang bahay na tinitirahan nina Lola Minerva. Bale two parts ‘yung episode na ‘yon. Bihira sa isang tipikal na sitcom noong dekada nobenta na magkaroon ng two-part episode. Kaya naman inabangan ko noong sumunod na Martes ang ikalawang bahagi ng episode. At nagulat ako dahil nag-iba na sila ng set! Meron nang kalsada at mga tindahan at barbekyuhan sa mga gilid-gilid. Dito na rin pumasok ang bagong cast tulad nina Anjo Yllana, ng Gwapings at ng Kutings. Dito na rin ako nagsimulang manood gabi-gabi ng Palibhasa Lalake.

Hindi man lantarang sinabi pero noong taong 2003 ay parang sinubukang ibalik ang Palibhasa Lalake sa GMA 7. Bagamat mag-isa na lang si John Estrada sa ABS-CBN noon at lahat ng nakasama n’ya sa Palibhasa Lalake ay nasa GMA 7 na (Richard Gomez, Joey Marquez, Anjo Yllana), ini-launch pa rin ng Kapuso Network ang programang dahilan ng muling pagsasama-sama ng ilang cast ng Palibhasa Lalake. Ang programa ay tinawag na “Lagot Ka… Isusumbong Kita!” na hango sa isang awitin ng grupong Masculados, isang all-male group na nagpapaka-Hagibis, at nagpauso ng novelty song na “Jumbo hotdog kaya mo ba ‘to? Hindi kami bato, para magpatalo! Jumbo hotdog kaya mo ba ‘tooo?!” (sorry, na-carried away lang) Sinubukan pa nilang kuhanin si John Estrada subalit loyal s’ya sa Kapamilya Network kaya nabigyan pa s’ya ng teleserye katambal si Lorna Tolentino, ang “Kay Tagal Kang Hinintay”. Dahil hindi nakuha si John Estrada sa bagong programa ng GMA 7, parang lumabas na si Raymart Santiago ang nagsilbing equivalent ni John. Loyal din naman kasi sa Kapuso Network si Raymart Santiago noon at nabigyan din ng sitcom na “Kool Ka Lang” na tinigbak din bago ang “Lagot Ka… Isusumbong Kita!”. Loyal din sa ABS-CBN si Ms. Gloria Romero noon kaya hindi rin nila nakuha. Sa halip ay nakuha nila si Ms. Pilita “bumabaluktot ang bewang habang umaawit” Corrales.

Noong taong 2003 (yata) din ay ipinalabas sa Cinema One ang mga re-run o past episodes ng iba’t ibang sitcoms ng ABS-CBN tulad ng Goin’ Bananas at itong Palibhasa Lalake. Pero sandali lang ‘yon, siguro eh mga isang buwan lang ang itinagal. Pero sa maikling panahong ito, nagbalik sa alaala ng mga manonood, lalo na ng mga Palibhasa Lalake fanatics chuchu na tulad ko, ang programang minsan ay sumubok ng bago at kakaibang rekado sa pagpapatawa. May palagay ako na ang Palibhasa Lalake ay nabuo dahil sa programang ”Chicks To Chicks” noong dekada otsenta na pinagbidahan nina Nova Villa at Freddie Webb. Halos pareho kasi sila ng tema – tungkol sa mga lalakeng naghahanap ng magaganda at seksing chick. <*pito ng manyakis!*>

Sa ngayon, alam naman natin na lumipat si Joey Marquez sa kanyang dating home studio, ang ABS-CBN. Meron pang ginagawang project si Richard Gomez sa ABS-CBN bagamat meron din s’yang ilang commitments sa TV 5. Freelancer si Goma, kumbaga. Dahil sa mga pangyayaring ito, nagkaroon ng bulung-bulungan na ibabalik daw ang Palibhasa Lalake. Pero nabasa ko sa isang tabloid na may nilulutong programa sina Richard Gomez at Joey Marquez sa Kapamilya Network at ang titulo ay “Palibhasa Tanghali”. Hindi ko alam kung totoo ‘yon pero malamang sa alamang ay tsismis lamang ‘yon (tabloid kasi ang source ko. Sa X-Files ko pa nabasa, isang tabloid na puro utong ng babae ang nakabalandra sa likurang bahagi nito at hindi balitang sports na karaniwang nakalagay sa likod ng tabloid). Kung magkakatotoo man ang chismax, malinaw kung anong oras ilalabas ang “Palibhasa Tanghali” – tuwing alas nuebe ng gabi. ‘De joke lang. Kaso, sa takbo ng mga pangyayari ngayon, malamang hindi na matuloy ito. “It’s Showtime” na kasi ang opisyal na noontime show ng ABS-CBN. (At habang tumatagal, nagiging showbiz talk show na ang sanaysay na ito.)

Isa ako sa mga gustong magbalik ang ilang sitcoms na sumikat sa ABS-CBN, partikular na ang Palibhasa Lalake. Kapag sinabing sitcom na gawang ABS-CBN, the best talaga at tipong hahagalpak ka sa katatawa! Nasa kanila kasi ang halos lahat ng magagaling na komedyante noong panahong ‘yon. Hindi tulad ng mga sitcom ngayon na basta makagawa lang ng programang magpapakabag sa tiyan mo at kung sinu-sino pang artista ang inilalagay na ni sa panaginip ay hindi naisipang magpatawa. Kung matuloy man ang napapabalitang reunion project ng “Palibhasa Boys”, sana eh sitcom ito ulit. Makapag-request nga kay Tita Charo Santos. ‘De biro lang.

Isa ang Palibhasa Lalake sa mga itinuturing na mahalagang kayamanan ng ABS-CBN noong dekada nobenta, ang dekada kung kailan namayagpag ang Channel 2 (na tinaguriang “Star Network” at “Sarimanok Network”). Kapag napanood mo ang programang ito eh tila ba mahu-hook ka at kapag sinabing Palibhasa Lalake, para bang synonymous na ito sa mga pilyong antics nina Joey, Richard, John, Anjo, and the rest of the gang. Ang kanilang mga kalokohan, chicks hunting, basaan sa set, at pambubully sa kanilang mga guest tuwing Martes ng gabi ay talaga namang nakaka-lalake!

_______

[“Iningatan mo ba ang iyong katawan noon habang nanonood ng Palibhasa Lalake?” Nagtataka siguro kayo kung bakit ganyan ang titulo ng sanaysay na ito. Sa bandang huli kasi ng kanilang theme song, maririnig ang Hagibis na nagpapaalala sa lahat na ingatang mabuti ang ating mga katawan. Para mas maintindihan, pindutin ang link na ito nang ma-LSS din kayong tulad ko sa pamosong awitin ng Hagibis. Matapos gumiling ang inyong mga katawan, pindutin naman ang link na ito upang makapanood ng isang episode ng Palibhasa Lalake. Paalala lang – sobrang gulo ng video at delayed ang tunog. Taong 1990 ba naman nang ipalabas ito eh. Mag-enjoy sa panonood at pakikinig ng Palibhasa Lalake at sa awiting “Katawan” ng Masculados at Village People look-a-like na Hagibis! (Naglagay na din ako ng lyrics sa ibaba para pwede kayong maki-sing along habang masigasig na kumekembot! Yikes.)]

Lala-lala-lala-lala-la-hooooo… Lingon agad ‘pag may babaeng dumaan, lalo na ‘pag maganda ang katawan atsaka nakakalokong tingnan. Kaming lahat ay binata pa naman. Wala kaming mga asawa’t nobya. Hindi pa rin naman kami pumapalya.

Mahilig kami sa magaganda. Katawan ang aming nakikita lalo na ‘yung kaakit-akit pa.

Lala-lala-lala-lala-la-hooooo… Lumalabas ang aming pagkalalake ‘pag mayroong magagandang mga babae, lalo na ‘pag ang katawan ay gumigiling. Kaming lahat ay binata pa naman. Wala kaming mga asawa’t nobya. Hindi pa rin naman kami pumapalya.

Mahilig kami sa magaganda. Katawan ang aming nakikita lalo na ‘yung kaakit-akit pa.

Katawan… Katawan… Katawan… Oh, katawan! Lala-lala-lala-lala-la-hooooo…

Katawan, katawan… ingatan ang inyong katawan, katawan!

Saturday, 19 November 2011

Natawa at naiyak ka ba sa kabaklaan at kadramahan ni Roderick Paulate?

Isa sa mga patok na pasyalan sa Kalakhang Maynila ang Luneta Park. Ilang henerasyon na ng mga mag-aaral na may taunang educational trip ang laging nagpupunta sa makasaysayang lugar na ito. Hindi kasi mawawala sa listahan ng mga pupuntahan ang atraksyong ito dahil napakaraming matututunan ng mga bata dito. Alam kong minsan sa buhay ninyo eh naranasan ninyong makapunta dito o malanghap man lamang ang simoy ng hangin ng Luneta Park. Nakakamiss, ‘di ba?

Pero sa titulo pa lang eh halata namang hindi tungkol kay Jose Rizal ang sanaysay na ito. Bakit ko nga ba nabanggit ang Luneta Park? Noong bata pa kasi ako (as in bata pa talaga, siguro mga tatlo o apat na taong gulang pa lang ako noon), makailang beses kaming namasyal dito kasama ng yumao kong lolo at ng paborito kong tita. Wala pa akong kalaro na kasing-edad ko noon. Ang pinakapaborito kong atraksyon dito ay ‘yung fountain na nakatayo malapit sa Manila Bay. Ewan ko na lang kung meron pa nito ngayon, malamang wala na.

Kung ako ang tatanungin tungkol sa kung ano ang pinaka-hindi ko makakalimutang karanasan sa pamamasyal sa makasaysayang pook na ito, masasabi kong ito ay ‘yung ginabi kami sa Luneta noon. Sa tingin ko, mga alas dose na ng hatinggabi na ‘yun nang mapagpasyahan naming umuwi. At habang naglalakad kami patungo sa kotse namin na naka-park sa tabi, meron kaming nakitang van sa may ‘di kalayuan. Maliwanag sa paligid ng van na ito at maraming tao na waring pinagkakaguluhan. Bilang mga usiserong totoo, nilapitan namin ang van na ito at nakita namin ang isang lalakeng tila nilalagyan ng make-up habang nakaupo sa gitna ng van. Paglapit namin mabuti, nabigla kami sa aming natuklasan – si Roderick Paulate pala ‘yon at meron palang magaganap na shooting sa lugar na ‘yon!

Dahil sa insidenteng ito, si Roderick Paulate ang naging pinakaunang artista na nakita ko sa personal. Manghang mangha ako noon nang makita ko si Roderick Paulate! Para s’yang poon na pinaliligiran ng mga deboto n’ya. At dahil din sa nakita namin sa loob ng van, nakumpirma ko sa sarili kong myembro talaga s’ya ng federasyon dahil sino nga ba ang matinong lalake na magpapalagay ng make-up, ‘di ba? (So malinaw na wala pa akong kamuwang-muwang noon tungkol sa pagreretouch ng mga artista sa shooting mapa-lalake man o babae).

Unang nakilala si Roderick Paulate bilang child wonder (alangan namang beteranong aktor agad) noong taong 1968 nang magwagi s’ya bilang Best Child Actor para sa pelikulang “Kasalanan Kaya” at noong taong 1970 para sa pelikulang “Anghel Na Walang Langit”. Unang beses naman n’yang gumanap bilang bakla noon sa pelikulang “High School Circa ‘65” sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes. (At inuutusan ko kayong pindutin na lamang ang link na ito dahil tinatamad na akong magkuwento ng dakilang talambuhay ni Roderick Paulate na nasa Wikipedia lang naman kaya ewan ko ba sa sarili ko kung bakit nakaugalian ko nang magkuwento ng mga bagay na mababasa naman sa ibang website pero huwag na nating pakialaman ‘yan.)

Kahit na wala naman talaga akong hilig pagdating sa Philippine Showbiz mula noon hanggang ngayon, masasabi kong isa sa mga naging paborito kong artista itong si Roderick Paulate o mas kilala sa palayaw na Kuya Dick. Bagamat hindi ko nasimulan ang pagkinang ng kanyang bituin sa showbiz at malaki na ako nang mag-umpisa akong manood ng kanyang mga klasik na pelikula, na-appreciate ko pa rin ang husay n’ya sa pag-arte lalo na sa pagganap bilang bakla. Noon pa man, sa role na iyan s’ya talaga umusbong bilang sikat na komedyante. At para bang wala nang ibang artistang maaaring gumanap na bakla noon sa mga pelikula kundi si Kuya Dick lamang, sa parehong paraan na wala nang papalit pa sa trono ni Michael Jordan sa basketball at ni David Karp sa Tumblr (sipsip!).

Ilang pelikula na nga ba ang nagawa ni Roderick Paulate na gumaganap sa papel na bakla? Una na sa listahan at pinaka-patok ang orihinal na version ng “Petrang Kabayo” katambal ang child wonder noong panahong ‘yon at cute na babae pa na si Aiza Seguerra. Nasundan pa ang kanilang tandem sa pelikulang “Me And Ninja Liit”. Sa parehong pelikulang ‘yan ay nakuha ng Paulate-Seguerra tandem (naks parang mga kakandidato sa eleksyon) ang kiliti ng masang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang formula na pagsasama ng isang baklang antipatika at batang pilya. Riot talaga! Nakatambal din ni Roderick Paulate ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa mga pelikulang “Inday Bote” at “Inday Sa Balitaw”. Lahat ng ‘yan ay naganap noong dekada otsenta at s’yempre, napanood ko na lang nitong mga huling taon ng dekada nobenta.

Bagamat laging bakla ang role n’ya sa mga pelikula noon, maniniwala ba kayong meron pa rin s’yang pelikula na hindi s’ya gumaganap na bakla (bukod pa ‘yun sa mga latest n’yang pelikula tulad ng “Pa-Siyam” at “Pera O Bayong The Movie”)? Gumanap si Roderick Paulate bilang head coach (na walang pilantik ang daliri) ng mga basketbolistang sina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera at Paul Alvarez sa pelikulang “Last Two Minutes”. Oo, pinasok ng professional basketball players na ‘yan ang magulong mundo ng pag-aartista noon at sinasabi ko sa inyo, mas mahusay pang umarte si Bentong. Hehehe! Nga pala, kasama din sa pelikulang ‘yan si Mahal na gumaganap bilang naghihimalang bola ng basketball. (Ehem… Totoo lahat ng sinasabi ko kahit na parang tunog kuwentong barbero lang ang mga ito.) At bagamat hindi s’ya gumaganap na bakla sa pelikulang ‘yan eh kwela pa rin dahil naroon pa rin ang trademark na Roderick Paulate antics (kung ano man ang antic na ‘yon eh alamin n’yo na lang. Sabagay, kung avid fan ka ng mga pelikula ni Kuya Dick eh maiintindihan mo ang mga sinasabi ko).

Pagdating naman sa ibang larangan katulad ng drama, magaling din umarte itong si Roderick Paulate. Aaminin ko sa inyo na kapag lumalabas s’ya sa mga episode ng MMK eh nata-touch at napapaluha talaga ako (hindi naman ‘yung atungal kundi ‘yung may pagka-teary eyed effect chenes lang nang kaunti hehehe). Tatlo sa pinaka-memorable at award-winning performance n’ya sa programa ni Ma’am Charo Santos ay ang mga pinakapaborito kong episodes sa MMK: Una, ang “Abo” episode kung saan gumanap s’ya bilang Aeta kasama ang beteranang aktres na si Caridad Sanchez; Pangalawa, ang episode kung saan inilahad ang life story ni Bentong (nakakaawa s’ya doon and at the same time ay nakakaiyak *punas ng luha!*); At ang ikatlo ay ang “Juice” episode kung saan muli n’yang nakasama ang “Pilyang Kuting” at lalake na noon na si Aiza Seguerra. Ang episode na ‘yan ang pinakapaborito ko sa tatlo dahil makatotohanan ang eksena. Gumanap sila bilang bakla at tomboy na nagkatuluyan, as in nagsama at nagka-anak pa! Paborito kong eksena doon ‘yung magbibigti si Kuya Dick gamit ang kurdon (inakala tuloy namin na “Kurdon” ang titulo ng episode na ‘yon) at pinigilan s’ya ni Aiza Seguerra at sinabing mahal na mahal n’ya si Kuya Dick. ‘Yan ang pinaka-climax ng episode na ‘yon at d’yan sa puntong ‘yan bumaha ng dugo at luha sa buong bahay namin (biro lang).

Dahil sa pagiging versatile nitong si Kuya Dick, hindi nakakagulat na pati hosting ay pinatulan n’ya at nakilala rin s’ya sa larangan na ito. Sino nga ba ang hindi makakaalala sa tandem nila ni Amy Perez sa noontime show na Magandang Tanghali Bayan (MTB) lalo na sa mga portion na tulad ng Pera O Bayong, Winner Take All at MTBGO? Nitong early 2000 ay nagbalik-tambalan ang dalawa sa pamamagitan ng isang request show na “Most Requested Show (MRS)” na kinalaunan ay naging “Madaling na-Remove na Show” (pilit na pilit ang paga-abbreviate) dahil hindi ito nakatagal sa ere due to poor ratings.

Sa ngayon, ang buhay ni Roderick Paulate ay nasa ibang dimensyon na (OA). Nasa isang daigdig s’ya na malayo sa kinagisnan n’yang kinang sa showbiz at ito ay ang public service. Konsehal s’ya ngayon sa Quezon City (ewan ko lang kung hanggang ngayon eh konsehal pa rin s’ya doon dahil hindi naman ako pamilyar sa pulitika). Subalit hindi maitatanggi na malaki pa rin ang puwang ng showbiz para sa kanya. Napapanood s’ya ngayon sa teleseryeng “Munting Heredera” ng GMA 7. Ewan ko lang ulit kung buhay pa ang role n’ya doon. Madalas kasing pinapatay ang role ng mga artistang may katungkulan sa gobyerno dahil masyadong maraming commitment ek-ek. O kaya dahil lilipat na ng kabilang istasyon sapagkat mas malaki ang offer, kaya tinitigbak na sa serye. O kaya naging pasaway sa set ang artista kaya inalis na sa kuwento ang role n’ya. Puwede ring may panibagong project na ipapalit sa kanya at hindi puwedeng dala-dalawa ang serye na lalabasan n’ya dahil bukod sa malilito ang mga manonood eh malulugi ang nagpapasweldo sa artistang ‘yon… At kung anu-ano pang mga rason (ang daldal ko na tapos napapalayo pa ako sa topic).

Hindi ko lang alam kung nagkaroon ba ng asawa itong si Roderick Paulate. Sabi ng nanay ko dati, naging sila daw ni Maricel Soriano noon, ewan ko kung totoo ‘yon. O ‘di nga kaya biglang hinipan ng hangin si Kuya Dick at nagkatotoo ‘yung madalas na pagganap n’ya bilang bakla sa mga pelikula? Posible nga kayang bakla talaga s’ya kaya hindi s’ya nag-aasawa? (Biglang papasok ang usong statement ngayon: Porke’t walang asawa eh bakla na agad? Hindi ba puwedeng takot muna sa commitment? Okay, nakisali na ako sa punyemas na ‘to)

Hindi natin masasagot ang mga ‘yan hangga’t hindi natin nakakapanayam nang diretsahan si Kuya Dick. Hindi rin natin masasabi ‘yon. Ang mahalaga ay ang katotohanan na si Roderick Paulate ay isa sa maipagmamalaking kayamanan ng showbiz. Magaling umarte, mapa-drama, komedya, o hosting ay patok na patok, maski sa paglilingkod sa bayan. Curious lang ako – kailan kaya s’ya magkakaroon ng pelikulang action? <*ngisi!*>

Tuesday, 6 September 2011

Kilala mo ba ang “bombshell” noong dekada nobenta na si Anjanette Abayari?

Gandang kaakit-akit. Mapulang labi na tila nagpapahiwatig ng isang matamis na halik. Mga matang nakakatunaw ang tingin. Kahali-halinang pangangatawan. At uhmm… Sige na nga, isang ubod ng liwanag na hinaharap. ‘Yan ang ilan lamang sa mga katangian ng itinuturing na isa sa pinaka-popular na artistang Pilipino na gumanap sa papel na isa sa pinaka-popular na Pinoy superhero. Siya ay walang iba kundi si Anjanette Palencia Abayari, mas kilala bilang si Anjanette Abayari o AJ noong dekada nobenta. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa 90s bombshell na ito? Kung hindi ka pamilyar sa kanya, malamang alinman sa dalawa: Isa kang batang 2000, o kaya naman eh sampung taon kang nanirahan sa Jupiter.

Sumikat si Anjanette Abayari nang makoronahan s’ya bilang Binibining Pilipinas-Universe dalawampung taon na ang nakakaraan (1991). Naging kontrobersiyal s’ya makaraang bawiin ang kanyang korona dahil napag-alamang isa s’yang American citizen. Alam naman natin ang patakaran sa isang beauty contest, kailangan eh at least 50% natural born citizen ka ng bansang nire-represent mo. (Pero hindi ako sigurado kung ito ba talaga ‘yung mismong patakaran, imbento ko lang ‘yan. Hanapin n’yo na lang sa internet ‘yung totoo at kung hindi n’yo mahanap, magreklamo tayong lahat sa barangay.) At dahil dito, pinalitan siya ng noo’y Binibining Pilipinas-Maja International, isang titulo na walang kinalaman sa artistang si Maja Salvador at sa kakanin na maja blanca, na si Alou Gonzales bilang representative ng Pilipinas sa Miss Universe Pageant na ginanap sa Las Vegas, Nevada.

Kahanga-hanga ang katatagan ng babaeng ito dahil imbis na mawalan ng pag-asa at magmaktol dahil sa kinasangkutang kontrobersiya, naging daan pa ito upang lalo siyang magsumikap sa buhay, na naging dahilan ng biglaang pagpasok n’ya sa magulong mundo ng showbiz na buong puso namang tinanggap ng sambayanan. Naging isa siyang tinitingaang sex goddess at nakatambal sa pelikula ang ilan sa mga mga pinaka-sikat na leading men ng showbiz tulad nina Fernando Poe Jr, Bong Revilla Jr, Andrew E, Raymart Santiago, Alden Francisco (biro lang), at marami pang iba. Lalo pa s’yang sumikat nang gampanan n’ya ang papel na Narda/Darna sa pelikulang Darna: Ang Pagbabalik, sa direksiyon ni Peque Gallaga, kahanay ng ilang bigating mga artista tulad nina Nanette Medved, Angel Locsin at Vilma Santos na nagsipag-ganap din bilang isa sa pinaka-paboritong Pinay superhero. Kung napanood o nakita n’yo ang pelikulang ‘yon, malamang eh mapapa-“tugs-tugs” ang mga mata lalo na naming mga kalalakihan habang tumatakbo si Darna sa ilang eksena dahil merong nakabitin sa kanya na umaalug-alog habang hinahabul-habol kunyari ng mga masasamang loob o ng mga kalaban. Hindi ko na ie-eksplika pa ito dahil alam kong alam n’yo na ang “malaking bagay” na tinutukoy ko.

Pero kung tutuusin, sumikat din si Anjanette Abayari dahil sa ubod ng laki n’yang hinaharap. Marahil karamihan ng mga lalake noon ay pinagpapantasyahan ang artistang ito. May isang patawang kalbo pa nga tungkol dito:

Dalawang magkumpare nag-uusap.
Pare 1: Pare ang ganda ng panaginip ko kagabi! Dinidilaan ko daw ang boobs ni Anjanette Abayari!
Pare 2: Putaragis! Kaya pala basa ang pwet ko!
<*Bad-dum… Tsss!*>

Subalit sabi nga ng iba, ang punong hitik sa bunga ay pinupukol, at ang buhay ay parang gulong na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa ilalim o nasa ibabaw ka, at ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay may stiff neck. Nang manamlay ang career ni Anjanette Abayari, nagdesisyon itong manirahan na lamang sa Guam. Pero dahil mapagbiro ang pasaway na tadhana, siya ay nabilanggo sa bansang ‘yon dahil sa isyu ng ipinagbabawal na gamot. Tama ang iniisip mo, ibang “bato” ang nailunok ni Darna kaya naman nagkanda-gulo gulo ang buhay n’ya. Sa ngayon, malaya at tahimik na s’yang naninirahan kasama ng kanyang asawa at mga anak sa US.

Kung isa ka ring Pugad Baboy reader na gaya ko, malalaman mong isa si Anjanette Abayari sa mga pinagpapantasyahan ng bidang asong si Polgas at ng kanyang amo na si Adagulfo “Dagul” Sungcal Jr. May eksena pa doon kung saan nagkanda-trapik trapik na sa kalsada dahil sa kakapanood ng mga usisero’t usisera (kabilang sina Dagul at Polgas na nakasakay sa kotse) sa shooting ni Anjanette Abayari. Hindi ako sigurado kung sa book 6 o book 7 ba ito mababasa. Paki-check na lang.

At maniniwala ba kayong isa si Anjanette Abayari sa pinaka-unang showbiz crush ng kapatid ko noon? Hanep! Mantakin n’yo, apat na taong gulang pa lamang si utol noon eh marunong nang pumili ng ka-crush-in. Oks ang taste! At bakit ko naikwento ang mga ‘to? Wala lang, naisingit lang dahil napag-uusapan na rin lang si Anjanette.

Sa aking paglilibot sa internet, nalaman kong may ilang nagsasabing kahawig ni Anjanette Abayari ang artistang si Erich Gonzales sa larawan. Mukha nga, ‘di ba? Kayo, nakikita n’yo ba ang resemblance nilang dalawa? Subalit marami mang kahawig o nag-iisa lang si Anjanette Abayari at kahit anong role pa ang ginampanan n’ya sa pelikula, mananatili pa rin ang katotohanang isa s’ya sa mga maipagmamalaki ng industriyang ito at hindi maitatangging isa s’ya sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

Isang katanungan lang ang gumugulo sa aking isipan. Isang katanungang nais hanapan ng tamang kasagutan. Isang katanungan mula sa isang taong nahihiwagaan at nagugulumihanan lamang. Isang katanungang marahil karamihan sa inyo ay nais ring malaman ang mahiwagang sagot.

Ano nga kaya ang cup size ni Anjanette Abayari? <*ngisi!*>

Monday, 18 April 2011

Naaalala mo pa ba ang matinee idol na si Rico Yan?

Meron siyang pares ng dimples na hanep sa lalim. Simple lang kung pumorma. Pinagpapantasyahan ng mga kababaihan, tinutularan ng mga kalalakihan, at iniidolo ng mga kabataan. Nagtataglay ng matatamis na ngiti na malamang kahit ang mga lola ay mahuhumaling (at maaaring iwanan ang kanilang sinasambang si Willie Revillame). At itsura na lumalamang lang ng mga tatlong paligo sa akin, at siyempre nagbibiro lang ako. Ilan lamang ‘yan sa mga katangian ng sikat na artista ng kanyang henerasyon na si Rico Yan.

Siya si Ricardo Carlos Castro Yan na nakilala sa mundo ng showbiz bilang si Rico Yan. Ipinanganak noong March 14, 1975 sa Maynila, itinuring siyang isa sa matinee idols ng Star Magic (na kilala pa noon bilang “Talent Center”) noong kalagitnaan ng dekada nobenta. Isa rin siyang matagumpay na negosyante dahil sa kanyang mga negosyong tulad ng Orbitz Pearl Shake, Java Hut, at iba pa, at endorser ng iba’t ibang mga produkto tulad ng Greenwich Pizza, Talk ‘N Text, Master Facial Cleanser, Eggnog Cookies, at iba pa.

Nakita rin ang pagka-versatile ni Rico Yan dahil sa paglabas n’ya sa iba’t ibang mga programa ng ABS CBN. Umusbong ang angking talento n’ya sa acting sa mga programang tulad ng Mara Clara (original), Gimik, Mula Sa Puso (original), Saan Ka Man Naroroon, at mangilan-ngilang pagganap sa Maalaala Mo Kaya. Kinakitaan din siya ng talento sa pagpapatawa dahil sa programang Whattamen, at nagkaroon ng potensiyal bilang isang magaling na host sa programang Magandang Tanghali Bayan (MTB).

Nakasama din siya sa mga pelikulang pinagtambalan nila ni Claudine Barretto tulad ng Dahil Mahal Na Mahal Kita, Mula Sa Puso The Movie, at Got 2 Believe, at sa mga pelikulang pinagsamahan nila ni Judy Ann Santos (na monay ang mga pisngi noon) tulad ng Paano Ang Puso Ko, Flames The Movie, Kay Tagal Kang Hinintay, at Gimik The Reunion.

Isang nakakatuwang eksena sa pelikulang Kay Tagal Kang Hinintay ang tumatak sa isip ko at nais kong ikuwento sa blog na ito. Pinakapaborito ko kasi itong eksena sa lahat ng mga naging pelikula ni Rico Yan. (Sa puntong ito, pinapayuhan kitang i-skip ang mga susunod na talata kung inaantok ka na, pero kung nais mong makisabay sa kasabawan at kababawan ng aking kaligayahan, ituloy mo lang ang pagbabasa hanggang sa himatayin ka sa kakornihan.)

Isang gabi, nagbabasa ng diyaryo si Alex (Rico Yan) sa kusina ng isang hotel sa Ilocos nang biglang pumasok sa eksena si Anna (Judy Ann Santos) na that time ay asar kay Alex. Dumampot ng diyaryo si Anna, naupo at nagbasa din pero malayo sa kinauupuan ni Alex. Ang suot ni Anna ay isang bulaklakin at mahabang bestida na lampas tuhod, si Alex naman ay naka-puting t-shirt at pajama, nakasalamin at mukhang bao ang style ng buhok na wet look, nerd na nerd ang dating. Narito ang usapan nila (hindi ito ‘yung eksaktong dialogue nila dahil hindi naman ako ‘yung gumawa ng script nila):

Alex: Miss… Ano’ng pangalan mo?
Anna: (Tumingin kay Alex, pagkatapos ay umirap at nagpatuloy sa pagbabasa)
Alex: Miss… May pangalan ka ba?
Anna: (Nagpipigil)
Alex: Ang pangalan mo ba ay Liiiiiii… Yona? (Leona)
Anna: (Hindi nakatiis, humarap kay Alex at sinigawan siya) Nang-iinsulto ka ba?!
Alex: (Walang reaction ang mukha, nakatingin lang kay Anna, sabay sagot ng…) Oo!
Anna: (Nanggigil ulit at umirap, itinuloy ang pagbabasa)

Maya-maya pa ay biglang may umalulong na aso. Awooooooo!!!

Alex: Miss… Natatakot ka ba? Sabi kasi ng mga matatanda dito, kapag meron daw umaalulong na aso kung dis oras ng gabi, meron daw itong nakikitang… Multo.
Anna: (Kinakabahan pero hindi pinahahalata)
Alex: Sige. Una na ako. (Sabay tayo at alis sa kusina, wala pa ring reaction ang mukha)
Anna: (Pagkaalis ni Alex, dahan-dahang tumayo, pasimpleng tinitiklop ang diyaryo) Hmm… Hmm… Hmm… Dam-didam didam didam didam…….

Muling umalulong ang aso. Awooooooo!!!

Anna: (Biglang kumaripas ng takbo paakyat sa kuwarto n’ya, nagsisigaw ng…) Nyaaaaaaay! Nyaaay!!!

Halos himatayin na lamang sa gulat si Anna pagpanhik sa hagdanan nang makita n’yang nakatayo at nakatingin lamang sa kanya si Alex, then sabay lumayo rin sa kanya, um-exit ng eksena, wala pa ring reaksiyon ang mukha. (Insert piano background music here, ‘yung parang pang-comedy ang tunog)

Tawang-tawa ako sa eksenang ito. Pasensiya na pero alam kong mahirap talagang intindihin kapag nababasa lang. Panoorin n’yo na lang ang pelikulang ‘yun. Kung hindi ninyo napanood o kung nakalimutan n’yo na ang eksenang ‘yun, eh problema n’yo na ‘yun. Biro lang.

(Okay, maaari ka nang magbasa ulit kung nais mo…)

Dumating ang hindi inaasahang pangyayari noong March 29, 2002. Nagulat ang buong bayan sa balitang sumakabilang-buhay na si Rico Yan labinlimang araw matapos ang kanyang ika-27 taong kaarawan dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis. Ewan ko kung ito ba ‘yung bangungot. Ang sabi kasi ng ilan, binangungot daw si Rico Yan habang natutulog sa kanilang pagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan. Biyernes Santo o Good Friday nang bawian s’ya ng buhay, kasabay ng paggunita sa pagkamatay ni Jesus. Hinding hindi ko makakalimutan ‘yun dahil nagbabakasyon kami sa Tagaytay noon at may trangkaso pa ako. Nagtext ang kakilala ni inay na namatay na nga daw ang artistang si Rico Yan, at siyempre ay nabigla kami.

Hindi inaasahan ng kanyang mga nakatrabaho at ng mga taong nagmamahal sa kanya ang maagang pagpanaw ni Rico Yan. Binigyan pa s’ya noon one week special tribute sa Magandang Tanghali Bayan (MTB), maging sa sitcom n’ya na Whattamen eh nagkaroon ng special tribute episode. Meron ding special coverage ang libing n’ya sa ABS CBN noon. Ibinalita nila ang lahat ng mga nangyari kay Rico Yan. Naikuwento pa doon na noong time na dinala sa ospital si Rico Yan sakay ng ambulansiya, hindi daw ito iniwanan ng kapatid n’yang si Bobby Yan na tahimik lang noong mga oras na ‘yon, hindi umiiyak. Waring pinapatatag ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kapatid n’yang si Rico Yan. Pero huli na ang lahat.

Naaalala ko rin noon (ang dami ko talagang naaalala hanep) doon sa special tribute nila sa MTB, napag-usapan nila ‘yung mga huling araw na nakatrabaho nila si Rico Yan. Meron daw eksena noong isang linggo kung saan nagsasalita ang host na sina Dominic Ochoa at Rico Yan sa isang game portion ng MTB. Karaniwang spiel o dialogue ng host kapag magko-commercial break o kapag matatapos na ang isang programa ay “Magbabalik po ang <titulo ng programa> after some reminders!” o kaya “See you tomorrow! Thanks for watching <titulo ng programa>!” Pero ayon sa kanila, ang binanggit daw ni Rico Yan ay “Magpapaalam na po kami! Thanks for watching MTB!” Hindi nila akalaing namamaalam na pala noon si Rico Yan sa kanila. Literal s’yang nagpaalam. Ang sakit!

Isa lamang si Rico Yan sa mga biglaang pumanaw na teen stars. Bukod sa kanya ay kasama din sa listahan sina Marky Cielo (namatay noong December 7, 2008 sa edad na 20, hanggang ngayon ay nananatiling misteryo ang kanyang pagkamatay), Julie Vega (namatay noong May 6, 1985 sa edad na 16 dahil sa cardiac arrest, pinalabas pa ang life story n’ya noon sa Maalaala Mo Kaya na pinamagatang “Unan” at si Angelica Panganiban ang gumanap na hawig na hawig ni Julie Vega), Miko Sotto (namatay noong December 29, 2003 sa edad na 21 dahil sa pagkakahulong n’ya mula sa ika-siyam na palapag ng isang condominium building), at kahapon lamang ay ginimbal tayo ng masamang balita tungkol sa pagkamatay ng Kapamilya star na si AJ Perez sa edad na 18 dahil sa isang car accident.

Napakarami pang iniwang magagandang alaala si Rico Yan, sindami ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya. Alam kong meron dito sa inyo na paboritong artista si Rico Yan. At sa mga alaalang ito ay nagkaroon tayo ng pagkakataong sariwain ang kanyang mga kontribusyon sa showbiz. Nakakalungkot subalit talagang ganyan ang buhay. At ang lahat ng ito ay mananatiling alaala na lamang ng masayang kahapon. Sabi nga sa isang kanta ni Piolo Pascual na pinamagatang “Sana Ikaw” na tyempong sumikat noong mamatay si Rico Yan:

“Kaya’t ikaw ay mananatili na lang sa damdamin at aking isipan. Iguguhit kita sa alaala… Pagka’t tayo ay hanggang panaginip lamang.”

Pasensiya na at bigla akong napaawit. Paborito ko kasi dati ang kantang ‘to eh. Ni-record ko pa nga sa cassette tape ko ‘to.

Wednesday, 9 February 2011

Anjanette Abayari: Ang “bombshell” noong dekada nobenta

Gandang kaakit-akit. Mapulang labi na tila nagpapahiwatig ng isang matamis na halik. Mga matang nakakatunaw ang tingin. Kahali-halinang pangangatawan. At uhmm… Sige na nga, isang ubod ng liwanag na hinaharap. ‘Yan ang ilan lamang sa mga katangian ng itinuturing na isa sa pinaka-popular na artistang Pilipino na gumanap sa papel na isa sa pinaka-popular na Pinoy superhero. Siya ay walang iba kundi si Anjanette Palencia Abayari, mas kilala bilang si Anjanette Abayari o AJ noong dekada nobenta. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa 90s bombshell na ito? Kung hindi ka pamilyar sa kanya, malamang alinman sa dalawa: Isa kang batang 2000, o kaya naman eh sampung taon kang nanirahan sa Jupiter.

Sumikat si Anjanette Abayari nang makoronahan s’ya bilang Binibining Pilipinas-Universe dalawampung taon na ang nakakaraan (1991). Naging kontrobersiyal s’ya makaraang bawiin ang kanyang korona dahil napag-alamang isa s’yang American citizen. Alam naman natin ang patakaran sa isang beauty contest, kailangan eh 100% natural born citizen ka ng bansang nire-represent mo. (Pero hindi ako sigurado kung ito ba talaga ‘yung mismong patakaran, imbento ko lang ‘yan. Hanapin n’yo na lang sa internet ‘yung totoo at kung hindi n’yo mahanap, magreklamo tayong lahat sa barangay.) At dahil dito, pinalitan siya ng noo’y Binibining Pilipinas-Maja International, isang titulo na walang kinalaman sa artistang si Maja Salvador at sa kakanin na maja blanca, na si Alou Gonzales bilang representative ng Pilipinas sa Miss Universe Pageant na ginanap sa Las Vegas, Nevada.

Kahanga-hanga ang katatagan ng babaeng ito dahil imbis na mawalan ng pag-asa at magmaktol dahil sa kinasangkutang kontrobersiya, naging daan pa ito upang lalo siyang magsumikap sa buhay, na naging dahilan ng biglaang pagpasok n’ya sa magulong mundo ng showbiz na buong puso namang tinanggap ng sambayanan. Naging isa siyang tinitingaang sex goddess at nakatambal sa pelikula ang ilan sa mga mga pinaka-sikat na leading men ng showbiz tulad nina Fernando Poe Jr, Bong Revilla Jr, Andrew E, Raymart Santiago, Alden Francisco (biro lang), at marami pang iba. Lalo pa s’yang sumikat nang gampanan n’ya ang papel na Narda/Darna sa pelikulang Darna: Ang Pagbabalik, sa direksiyon ni Peque Gallaga, kahanay ng ilang bigating mga artista tulad nina Nanette Medved, Angel Locsin at Vilma Santos na nagsipag-ganap din bilang isa sa pinaka-paboritong Pinay superhero. Kung napanood o nakita n’yo ang pelikulang ‘yon, malamang eh mapapa-"tugs-tugs" ang mga mata lalo na naming mga kalalakihan habang tumatakbo si Darna sa ilang eksena dahil merong nakabitin sa kanya na umaalug-alog habang hinahabul-habol kunyari ng mga masasamang loob o ng mga kalaban. Hindi ko na ie-eksplika pa ito dahil alam kong alam n’yo na ang "malaking bagay" na tinutukoy ko. Pero kung tutuusin, sumikat din si Anjanette Abayari dahil sa ubod ng laki n’yang hinaharap. Marahil karamihan ng mga lalake noon ay pinagpapantasyahan ang artistang ito. May isang patawang kalbo pa nga tungkol dito:

Dalawang magkumpare nag-uusap.
Pare 1: Pare ang ganda ng panaginip ko kagabi! Dinidilaan ko daw ang boobs ni Anjanette Abayari!
Pare 2: Putaragis! Kaya pala basa ang pwet ko!
<*Bad-dum… Tsss!*>

Subalit sabi nga ng iba, ang punong hitik sa bunga ay pinupukol, at ang buhay ay parang gulong na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa ilalim o nasa ibabaw ka, at ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay may stiff neck. Nang manamlay ang career ni Anjanette Abayari, nagdesisyon itong manirahan na lamang sa Guam. Pero dahil mapagbiro ang pasaway na tadhana, siya ay nabilanggo sa bansang ‘yon dahil sa isyu ng ipinagbabawal na gamot. Tama ang iniisip mo, ibang "bato" ang nailunok ni Darna kaya naman nagkanda-gulo gulo ang buhay n’ya. Sa ngayon, malaya at tahimik na s’yang naninirahan kasama ng kanyang asawa at mga anak sa US.

Kung isa ka ring Pugad Baboy reader na gaya ko, malalaman mong isa si Anjanette Abayari sa mga pinagpapantasyahan ng bidang asong si Polgas at ng kanyang amo na si Adagulfo “Dagul” Sungcal Jr. May eksena pa doon kung saan nagkanda-trapik trapik na sa kalsada dahil sa kakapanood ng mga usisero’t usisera (kabilang sina Dagul at Polgas na nakasakay sa kotse) sa shooting ni Anjanette Abayari. Hindi ako sigurado kung sa book 6 o book 7 ba ito mababasa. Paki-check na lang. At maniniwala ba kayong isa si Anjanette sa pinaka-unang showbiz crush ng kapatid ko noon? Hanep! Mantakin n’yo, apat na taong gulang pa lamang si utol noon eh marunong nang pumili ng ka-crush-in. Oks ang taste! At bakit ko naikwento ang mga ‘to? Wala lang, naisingit lang dahil napag-uusapan na rin lang si Anjanette.

Sa aking paglilibot sa internet, nalaman kong may ilang nagsasabing kahawig ni Anjanette Abayari ang artistang si Erich Gonzales sa larawan. Mukha nga, ‘di ba? Kayo, nakikita n’yo ba ang resemblance nilang dalawa? Subalit marami mang kahawig o nag-iisa lang si Anjanette at kahit anong role pa ang ginampanan n’ya sa pelikula, mananatili pa rin ang katotohanang isa s’ya sa mga maipagmamalaki ng industriyang ito at hindi maitatangging isa s’ya sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

Isang katanungan lang ang gumugulo sa aking isipan. Isang katanungang nais hanapan ng tamang kasagutan. Isang katanungan mula sa isang taong nahihiwagaan at nagugulumihanan lamang. Isang katanungang marahil karamihan sa inyo ay nais ring malaman ang mahiwagang sagot.

Ano nga kaya ang cup size ni Anjanette Abayari? <*ngisi!*>

 
1 of 2
Next page