Random Following Fart
Paminsan-minsan talaga, mas napapansin ko ‘yung blog ng followers na hindi ko pina-follow back kapag ina-unfollow na nila ako. Chinecheck ko naman kapag may nagpa-follow sa akin eh kaso minsan sinusumpong ang Tumblr dahil hindi ko nakikita ‘yung notification na “<Tumblr ID> started following you” kaya ayun. Tapos minsan (ulit), ‘yung nag-unfollow na ‘yun eh worth following pala ‘yung blog o kaya *~f4m0u$~* pa yata o kaya cute na babae pa ‘yung may-ari ng blog na ‘yun. Ehe. Naku, baka maraming mag-unfollow ah. LOL. Okay, ang daldal ko.
Random Fact # 8937249372932
Ngayon ko lang napagtanto na sadyang napaka-weird ng mga bagay-bagay sa mundo. (Ano daw?)
Paborito kong pagkain ang hamburger pero hindi ako mahilig sa ham. Ilan na siguro dito sa inyo ang nakakaalam na isa ang hamburger o cheeseburger sa mga paborito kong pagkain bukod pa sa pizza, shawarma at chocolate. Pero kung gaano ko kinasasabikan ang pagkagat sa bawat hamburger ay siya namang pagkasuklam ko sa ham, lalo na ‘yung ham na madalas ipinangreregalo tuwing Christmas Season at merong free honey sa bawat kahon. Kahit siguro tostahin ang pagkakaluto sa ganoong klase ng ham, ayoko pa rin siyang iulam o ipalaman sa tinapay. Pakiramdam ko kasi, puro taba ‘yung ham. Eh hindi pa naman ako kumakain ng taba sa lahat ng uri ng karne. Arte ko sa pagkain, ‘no?
(Additional Random Oink Oink: Akala ko dati, ham ‘yung pinaka-cheese ng cheeseburger. At akala ko din dati, hamburger ‘yung Bunwich na nabibili sa Dunkin’ Donuts. Isang beses pa lang ata akong nakakatikim ng Bunwich sa DD.)
Mahilig akong manood ng basketball sa TV man o live pero hindi ako gaanong naglalaro mismo ng basketball. Basta’t merong palabas na basketball sa kahit anong istasyon ng telebisyon, asahan mong papanoorin ko ‘yan, mapa-PBA man, NBA, PBA D-League, UAAP, NCAA o ABL pa ‘yan. Sa totoo lang, noong medyo hindi pa ganoong ka-laganap ang internet sa ating bansa, paglalaro talaga ng basketball ang numero uno kong pastime. Araw-araw ‘yon. Pero hindi ako sumasali sa intrams o sa mga paliga sa barangay. Hindi ko lang talaga trip sumali, mas gusto ko pa ring manood.
(Additional Random Oink Oink: Parang ako lang yata ang tao sa mundo na mahilig sa basketball at rock music. Kadalasan kasi, kapag sinabing basketball player o mahilig sa basketball at tinanong mo kung ano ang tipo niyang musika, ang isasagot niya ay RNB, Hip Hop o Ballad. Ewan ko kung bakit ganoon, at huwag na nating pakialaman pa ‘yon.)
Mahilig ako sa mga libro pero hindi ako masyadong mahilig sa mga pelikula. Hindi naman kaila sa inyo na ako ay nagpapaka-bookworm kuno (hindi ko matawag ang sarili kong ‘bookworm’, ewan ko kung bakit, LOL arte). Pero kapag pelikula na ang pag-uusapan, hindi ako ganoong aktibo. Hindi kasi ako mahilig manood ng mga pelikula. Medyo liban lang siguro dito ‘yung mga classic na pelikulang Tagalog na ipinalabas noong 70s, 80s at 90s dahil trip ko silang panoorin ng paulit-ulit. Minsan nga, kapag may nag-aaya sa akin na manood ng isang bagong palabas sa sine, tinatanong ko muna kung meron bang libro ang pelikulang ‘yon. Kung meron, babasahin ko na lang kako. Kung wala, hindi pa rin ako sasama. Mas gusto ko pang basahin ang libro kesa sa panoorin ang pelikula.
(Additional Random Oink Oink: Bagamat mas gusto ko ang libro kesa sa pelikula, hindi pa ako nakakapanood ng isang buong episode ng mga sikat na pelikulang hango sa librong banyaga tulad ng Harry Potter, Lord of the Rings, Twilight, The Hunger Games, Percy Jackson and the Olympians, at iba pa. At sa dami ng mga pelikulang nabanggit ko, isa lang dito ang nabasa ko ang book version at ‘yon ay ang Book One ng Harry Potter o “Harry Potter and the Sorcerer’s Stone”. Ngek!)
+++++++
Gusto ko pa sanang dagdagan dahil parang nakukulangan ako sa tatlo (Oo, parang bitin pa sa akin itong ganito kahabang satsat. Hanep!) kaso wala na akong maisip atsaka wala namang magbabasa. LOL. Next time na lang ulit siguro. Hehehe!
“Nakakabulaga naman! Female TV Host, nagpa-checkup dahil masakit daw ang lalamunan, puno pala ng sperm”
Gusto kong malaman kung sino ang tinutukoy dito dahil interesante ang isang ito. Hmm… Sino kaya itong nasa blind item ng Bulgar Tabloid na ‘di umano’y puno ng sperm o tamod ang lalamunan? Halina at mag-imbestiga tayo (katuwaan lang po).
- “Nakakabulaga naman!”. Yan pa lang, matinding clue na. Nakakabulaga. Posibleng host siya ng Eat Bulaga dahil wala namang ibang programa ngayon na may salitang ‘bulaga’ sa titulo kundi ang Eat Bulaga lang.
- Female TV Host. Isa pang matinding clue. Alisin na natin ang mga lalake at bakla sa programa. Sinu-sino ba ang mga babaeng host ng Eat Bulaga? Nandiyan sina Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Pauleen Luna, Daiana Menezes, Julia Clarete, Toni Rose Gayda, Isabelle Daza at ang EB Babes.
- Female TV Host. Wala nang iba. Hindi sinabing “actress-TV host”, “singer-TV host”, “dancer-TV host” at iba pa. Sinu-sino nga ba ang mga actresses sa listahan? Ang alam ko, lumabas si Pauleen Luna sa teleserye ng GMA. Si Julia Clarete naman, umakting din ‘yan noong nasa ABS-CBN pa. Ito ring si Daiana Menezes eh nagkaroon ng sitcom with Vic Sotto na “My Darling Aswang” sa TV 5. Si Isabelle Daza naman, lumabas sa Futbolilits (ayon kay Wikipedia). Eh sinu-sino naman ang mga kumakanta sa listahan? Isama ulit natin si Julia Clarete dahil sa pagkakaalam ko, nagka-album ‘yan (ewan ko kung bumenta). Sinu-sino naman ang mga mananayaw sa listahan? Nariyan ang buong pulutong ng EB Babes. Pwede rin si Daiana Menezes.
- Ang natitira sa listahan: Pia Guanio, Ruby Rodriguez at Toni Rose Gayda. Tatlo ang natirang suspek. One, two, three, go! Pili na kayo…!

(Sa mga fans ng Eat Bulaga at ng mga nabanggit na artista, huwag po kayong magagalit. Napagkatuwaan ko lamang po sila. Hindi naman kaila sa blog ko na isa rin akong fan ng nangungunang noontime show sa buong Pilipinas (http://memorykill.tumblr.com/tagged/eat%20bulaga). Napag-tripan ko lang talaga ‘yung dyaskeng diyaryong nakakalat dito sa aming bahay. Peace tayong lahat!)
3=~7)|#\}’^{>;.$!*7<%)”[
Sa tinatagal-tagal ng panahong nabubuhay ako sa mundong ito, ngayon lang ulit ako nagising ng ganito kaaga. Teka, mali pala… Hindi naman kasi ako natulog ngayon. Dahil medyo hapon na rin ako nagising kanina (kahapon na ‘yon!), hindi ako dinalaw ng antok. Nagbasa-basa lang ako ng libro, ng kung kani-kaninong blogs, nanood ng kung anu-ano sa YouTube (s’yempre kasama na ang Porn), nakipagdaldalan sa Plurk at kung anu-ano pa. Sarap pumatay ng oras. Kaso lintik na PC ‘to, tatlong beses nag-automatic shut down! Hindi ko tuloy nagawa ‘yung book review ko tungkol sa Kafka on the Shore. Bukas ko na lang ipagpapatuloy ‘yon, o kung kailan ako sipagin magsulat.
At para naman magkaroon ako ng espirituwal na aura (naks ano daw?), naisip kong magsimba ng alas sais ng umaga. Sa totoo lang, ngayon lang ulit ako makakapagsimba ng ganito kaaga. Siguro eh high school pa ako nang huli akong magsimba ng alas singko o alas sais ng umaga. At sapilitan pa ‘yon dahil sakristan ako noong high school. So ‘yung huling beses ng boluntaryo kong pagsisimba ng ganito kaaga eh hindi ko na talaga maalala kung kailan. Sanggol pa siguro ako noon. Ewan ko. Minsan lang naman kasi ito at nasimulan ko nang hindi matulog kaya seize the moment na. LOL
Kaso, ilang beses na rin akong humihikab ngayon. Mabuti na lang at nalabanan ko ang antok ko. Dumating na ang antok ko kaso ngayong alas kwatro na, kung kailan malapit na akong maligo at magbihis para magsimba. Iinom sana ako ng kape pang-alis ng antok kaso bwisit! Ubos na pala ang kape namin! (Na ako din ang nakaubos. Hihi)
Sarap palang magliwaliw sa internet kapag ganitong oras. Tahimik at maaliwalas ang lahat ng nakikita mo sa screen.
Araw ngayon ng Palaspas. Kung gusto ninyong makatanggap ng magandang biyaya, start your day by hearing the Holy Mass. Tara, simba tayo! :D
Ang gulo pala ng kwento ko. Halatang inaantok na ako. Pag-uwing pag-uwi ko, matutulog agad ako.
Gusto kong malaman kung sino ang mga gising na o ang mga hindi pa natutulog sa ganitong oras. Online Check? :”> LULS
Currently watching “Oh! Tokyo” episodes on YouTube

Ewan ko kung may nakakaalam sa inyo ng travel show na ito. Isa itong programa sa cable noong early 2000 hosted by kung sinu-sinong mga Pilipinang may dugong Hapon o ‘Japinay’, pero isa lang ‘yung naaalala kong host at ‘yon ay ang kengkoy at may pagka-slapstick na si Eleanor Nishiumi. Sa programang ito mapapanood ang pamamasyal ng host sa iba’t ibang attractions at favorite places sa siyudad ng Tokyo, Japan. Sadyang ginawa ang Oh! Tokyo para sa mga kababayan nating Pilipino dahil Tagalog ang lengguwahe ng hosts nito (liban na lang kung makikipag-usap sila sa mga Hapones. Alangan namang mag-Bisaya sila).
Lagi ko itong pinapanood sa cable dati. Naaalala ko, channel 50 pa nga ‘yung programang ito—WINS—isang channel na puro tungkol sa Japan ang mapapanood hosted by Filipinos. At speaking of Eleanor Nishiumi, nai-feature pala ang kanyang talambuhay noon sa MMK portrayed by Toni Gonzaga. Sabagay, sa unang tingin eh may kaunting resemblance nga naman si Eleanor at si Toni (mas malaki lang ang mata ni Eleanor).
Kung trip mo ding manood ng ilang episodes, bisitahin ang links sa ibaba (kung trip mo lang naman):
December 22, 2011. Sinipag akong mag-general cleaning ng aking kwarto. Huli ko itong nalinis noon pang August 2011. O ‘di ba ang tagal ng pagitan? So malamang ang susunod kong general cleaning nito eh mga bandang July pa. Hanep! At oo, last year pa ang litratong ito at ngayon ko lang ipinaskil dahil nakatambak na sa hard disk ko. (May kaugnayang post sa link na ito)
Unang Litrato: Before General Cleaning. Berdeng kurtina, puti at gray na pillowcase, pink na bulaklaking kumot, asul na bedsheet. Ganda ng color combination ano? Sa totoo lang, kahit anong pagmamatch ang gawin ko sa mga kulay na ‘yan eh hindi talaga umuubra. Minsan kasi, may gumagamit nung isang kulay na kailangan ko kaya napipilitan akong maghanap ng ibang kulay ng punda/kurtina/kumot/bedsheet. Pero ang pinakagusto kong furniture sa kwarto ko (bagamat tatlo lang naman lahat ng furniture d’yan — kama, bookshelf at mesa) ay ang aking <*tunog ng trumpeta!*> bookshelf! Yehey! At halatang mahal na mahal ko ang bookshelf ko dahil may mga nakasiksik pang basahan sa gilid-gilid.
Ikalawang Litrato: During General Cleaning. Dito makikita kung gaano lamang kaliit ang kwarto ko. At kung naaalala n’yo ‘yung kwento ko dati, tinakpan ko ng poster ng Typecast ‘yung lagayan ng aircon d’yan dahil… (pakibasa na lang sa link na ito).
Ikatlong Litrato: After General Cleaning. Medyo mas tumino ang color combination nito — asul na kumot at unan, at berdeng bedsheet at kurtina. Pinakintab ko rin ang sahig (na hindi halata sa picture) at s’yempre, bagong linis din ang pinakamamahal kong bookshelf. Yehey! At oo, inabot ako ng gabi kakalinis sa ganyan kaliit na kwarto! (Nga pala, hindi kita d’yan ‘yung mesa ko dahil hindi na kasya sa picture.)
Sa totoo lang, halos walang pinagbago ang kwarto ko. Nawala lang ‘yung mga alikabok. Malinis naman kasi ako sa kwarto ko at hindi ako masyadong nagkakalat, liban lang sa mga alikabok na hindi ko regular na napupunasan. Kabaliktaran ko naman ang utol ko — puro kalat sa kwarto n’ya pero walang kaali-alikabok.
Alden, ang daldal mo. LOL
TwimeMachine
Matagal-tagal na rin akong nag-iisip ng paraan para mapadali ang pagbabackread ko sa mga Tweets ko sa Twitter (na ginagawa ko lang kapag bagot na bagot na talaga ako). Mahirap nga naman kasi kapag scroll ka nang scroll sa Twitter mo hanggang sa makita mo na ang ganito:

Kagabi, bunsod ng muli kong pagkabagot habang online ay naisipan kong konsultahin ang Google para magtanong kung paano makikita ang lumang Tweets sa Twitter. Sinubukan ko ang ilang websites tulad ng Snap Bird, Topsy, at Tweet Dumpr pero hindi ako nasiyahan sa kanilang resulta. Mahirap silang gamitin. Hindi sila ‘user-friendly’ kumbaga (ewan ko kung tama itong term na pinagsasabi ko).
Sinubukan ko ang iba pang resulta ng Google hanggang sa makapunta ako sa site na TwimeMachine. Ewan ko kung nasubukan n’yo na rin ito pero ako, first time ko lang itong nadiskubre.

Sa website na ito, maaari mong ma-browse ang luma mong Tweets na hindi lalagpas sa 3,200. Bawat isang page ay merong 25 Tweets. Bale 128 pages lahat dahil 3,200 Tweets “dibaydibay” 25 is equals to 128 pages (3,200 / 25 = 128).
Sa kasalukuyan ay meron akong total na 5,422 Tweets at tulad nga ng nasabi ko, 3,200 Tweets lamang ang maaaring makita sa website na ito. Bale 2,222 out of 5,422 Tweets ang hindi ko makikita (5,422 - 3,200 = 2,222). Hindi na rin masama, bagamat marami-raming Tweets din ang hindi ko mababasa.
Pero ang maganda sa website na ito, hindi lang sa sarili mong Twitter ka pwedeng mag-backread. Maaari mong mabasa ang Tweets ng kung sinu-sinong Twitter users, liban na lang kung naka-private ang Twitter ng taong ‘yon at hindi ka n’ya follower. Kailangan mo lamang punan ang mga ito na makikita sa ibaba ng website:

Kung medyo nalilito ka, pwede namang ibahin ang nakalagay sa address bar sa itaas ng inyong web browser. Halimbawa, kung nais mong silipin ang page 21 ng Twitter ng ultimate crush mo na may username na “Kurdapya”, i-type lamang sa address bar ang:
www.twimemachine.com/user/Kurdapya/21/
…at voila! Maaari mo nang balik-balikan sa Twitter ang landian moments ninyo ng crush mo!
Tuwang tuwa ako nang madiskubre ko ito kagabi. Yun nga lang, hindi ko pa rin masilip ang Twitter ng isa kong crush dahil bukod sa naka-private ang Twitter n’ya ay hindi ko pa rin s’ya follower. Huhuhu! Ang saklap ng buhay!
Pasens’ya na dahil kagabi ko lang ito natuklasan kaya napa-kwento ako. Bwahahaha.
Mag-followan na rin tayo sa Twitter kung gusto mo. LOL
“Babaeng madalas magka-migraine, may problema ang sex life”
Hindi ko alam kung totoo ba ito dahil unang-una, hindi naman ako babae. Ayoko namang mag-interview ng babae dahil nakakahiya. Pero siguro nga, may kaunting katotohanan ito. Yung tita ko kasi na madalas atakihin ng migraine, kung hindi ako nagkakamali eh 30+ na noong magka-baby — 36 yata o 38. Hindi sila makabuo ng naging asawa n’ya. Pero at least, meron na s’yang anak ngayon kahit na may pagka-late bloomer ang drama n’ya pagdating sa sex life. Yun nga lang, hanggang ngayon e napapadalas pa rin ang kanyang migraine. Tapos minsan tinutukso pa s’ya ng isa kong tita (bale kapatid n’ya) na may pagka-baduy manamit kaya daw hindi s’ya active sa sex life (teka, may kinalaman ba ang pananamit sa sex life? LOL)
Maaaring totoo ito, o maaari ding isa na naman sa mga kwentong barbero ng Bulgar, tulad ng nai-post ko dito noon tungkol sa pagmumura sa Twitter at Facebook. Alam n’yo naman ang tabloid na ‘yan, mas mukhang kapani-paniwala pa ‘yung mga balita nila tungkol sa mga naghihimalang surot sa ibang bansa at mga balitang showbiz dito sa atin kahit na minsan eh may pagka-exaggerate lang ang mga ‘yon para makaakit ng mga mambabasa.
Punyemas, sana hindi ito mabasa ng tita ko. Bwahaha!
Ano ang tamang spelling ng “Efic Pale”?
Para sa kaalaman ng lahat, bago ako matulog kaninang umaga ay naibalita ko na dito sa lugar namin susugod ang “Juan For All, All For Juan” ng Eat Bulaga ngayon. Para sa karagdagang detalye, pindutin ang link na ito. Pero dahil alam kong malaking porsyento ng mga taga-sunod ko sa blog na ito ay hindi naman talaga pipindutin ang link na ‘yan, hayaan ninyong i-printscreen ko ito:

Sa mga ganitong pagkakataon, hindi maaaring hindi ka ma-excite. Kaya naman gumising ako ng maaga at pagdating ng alas dose ng tanghali ay kaagad ko nang binuksan ang aming telebisyon, at nasasabik na inabangan ang portion na ito ng Eat Bulaga. Subalit laking gulat ko nang makita ko sa screen ang nakalagay na lugar kung saan naroon sina Jose, Wally, Paolo at ang buong Sugod-Bahay Gang:
Live @ Brgy. Tagalag, Valenzuela
Para ulit sa kaalaman ng lahat, alam ko ang lugar na ‘yan dito sa Valenzuela pero malayo kami d’yan. Sa madaling salita, hindi pala dito sa amin sa Brgy. Balangkas, Valenzuela ang live coverage ngayon ng “Juan For All, All For Juan”! At sa mas madaling salita, hindi live na ipapalabas ang episode dito! At sa mas pinakamadaling salita, ang magaganap na “Juan For All, All For Juan” dito ngayon sa amin ay isang recorded episode at mapapanood sa Eat Bulaga sa iba pang araw! Wasak!
Noong una, kumbaga eh nasa ‘denial stage’ pa lang ako. Nang makita kong sa Brgy. Tagalag nagaganap ang “Pambato Ng Videoke” portion nila, ang hula ko eh pagkatapos ng kantahan portion na ito tsaka lang didiretso sina Jose dito. Kaso pagdating ng “Juan For All, All For Juan”, laking gulat ko dahil Brgy. Tagalag pa rin ang nakalagay sa screen! Tapos nabasa ko pa ngayon ang reply na ito sa post ko kaninang umaga:

D’yan ko nakumpirmang talagang recorded ang Brgy. Balangkas episode ng Eat Bulaga. Ang husay, excited pa naman kami ditong makita ang oily naming mga pagmumukha sa screen. Tapos naligo pa naman ako. Bwahahaha!
Nakakahiya ang excitement ko sa post ko kaninang umaga. Makapagbasa na nga lang ulit. Talaga nga namang this is a crazy planets! Le puta por pabor!

Hi guys! Manood kayo mamaya ng Eat Bulaga. Dito kasi sa barangay namin pupunta ang “Juan For All, All For Juan”. Kanina nakita kong pinaghahandaan na nila ang pagdating ng Sugod Bahay Gang. Nagkakabit pa sila ng cute na mga banderitas sa poste. Bongga! ‘De, actually ‘yung kabilang street lang dito ang sakop nun. Pero malapit sa amin ‘yon, siguro mga limampung kembot lang, naroon na ako sa Jasmin Street. Pinapasali nga ako sa takbuhan kaso tinatamad ako. Malamang ipapaubaya ko na lang sa tito kong bakla ‘yung mga plastic bottles namin dito, tutal s’ya naman itong nagpupumilit na sumali. Wala naman kasi akong planong sumali at makipagsiksikan sa ilalim ng sikat ng araw. Ang gusto ko lang eh makita ko sa TV ang itsura ng barangay namin. Hahahaha!
Random share. Good night! :D
Ang Tatlong Utot
Unang Random Utot. Ka-date ko ang nanay ko bukas. Manonood kami ng PBA sa Smart-Araneta Coliseum. Meron kasi s’yang kakilala sa Araneta Coliseum at nakakahingi s’ya ng libreng ticket doon. Pero ewan lang namin kung may libreng ticket kaming makuha bukas. Basta’t ang sabi ni Aleng Ticketera, magtetext na lang daw s’ya. Kaso hanggang ngayon, hindi pa s’ya nagtetext sa amin. Kaya kung tutuusin, hindi pa talaga sigurado kung makakapanood kami. Pero matuloy man o hindi, aalis kami bukas. Sabi ko sa nanay ko, sa hapon na lang ako aalis dahil mga bandang alas-sigko pa naman ang simula ng basketball (Sayang nga pala, walang laban ang Alaska Aces at Ginebra Gin Kings bukas. Pero okay na rin ‘yun, at least libre). Kaso gusto na n’ya akong isama sa umaga (sa isang restaurant s’ya nagtatrabaho bilang branch supervisor) dahil baka daw mahirapan akong bumiyahe kapag sa hapon na ako umalis.
Aalis kami ng mga alas-nuebe dito sa bahay tapos ang dating namin doon eh mga 10:30. So bale ang haba ng oras ng bakante ko. Ano kaya ang magandang gawin habang pumapatay ng oras sa Cubao? Hindi pa naman ako madalas gumala doon. As usual, baka magliwaliw na lang ako sa kung saan-saan. Balita ko, merong Booksale doon sa may Shopwise. Tapos maglalamyerda na rin ako sa Gateway o kaya sa malaking gusali ng National Bookstore. Tsaka na lang kami magkikita ni mother dear kapag nakumpirma na naming may libre kaming ticket, o kaya kapag uuwi na kami.
Kung sakaling makita ninyo akong pagala-gala sa Cubao, kalabitin ninyo ako. Kung hindi ninyo ako kilala, bahala kayo sa buhay ninyo. Hehehe!
Ikalawang Random Utot. Napag-alaman kong dito pala mismo sa lugar namin makikipag-bayanihan ang “All For Juan, Juan For All” ng Eat Bulaga sa darating na Lunes. Ayon ‘yan sa tito kong tanod sa aming barangay. Actually, ayon sa kanya, sa may kahabaan daw ng Jasmine Street ang sakop ng bayanihang ito. Medyo malapit kami sa street na ito pero hindi kami sakop ng Jasmine Street. Kaya hindi talaga kami sigurado kung mabibigyan kami ng pagkakataon para pasukin nina Jose, Wally at Paolo ang bahay namin sa araw na ‘yon.
Kung hindi kasali ang eskinita namin, siguro naman eh pwedeng makitakbo pagdating sa finale, ‘yun bang tatapak ka sa mga numero habang may dalang sampung plastic bottles at kung anu-ano pang ipapadala sa iyo. Mabuti na rin ‘yon para mabawas-bawasan na ang basyo ng mga bote namin dito sa bahay. Effort din kasing magpunta sa Junk Shop.
Kung sakaling mabunot ako, kokonyatan ko si Wally at makiki-“Happy Birthday Bossing mwah mwah tsup tsup” ako. ‘De joke lang. Kailangan ding makapag-ensayo ng takbuhan para hindi ako maagawan ng numero. Hoo-hah!

Ikatlong Random Utot. Ito ang pinaka-random sa lahat. Ibubugaw ko lang ang sarili ko. Mag-followan tayo sa Twitter kong walang ka-kwenta kwenta. Kung bookworm kuno ka ding tulad ko at may Goodreads account ka, add mo ako sa Goodreads. Bakit Twitter at Goodreads? Nang maiba naman. Okay ba?

Good evening! Wala nga pala akong balik-tanaw post ngayon dahil tinatamad akong magkwento. Ewan ko kung kailan ako ulit sisipagin. Sana sa susunod na Sabado, magbalik na ang dati kong kadaldalan sa blog kong ito. Hehehehe!
Tara, kain na lang tayo ng maruya at pizza.
Page 1 of 86
Alternative Theme by
maggie. Powered by
Tumblr.