Burlesk Bangus

Ito ang lugar kung saan ang lahat ng bagay na bumibisita sa aking kaisipan ay inilalapat sa pamamagitan ng pagsusulat.

Ako si Alden, mula sa siyudad ng Valenzuela. Paborito ko ang mga bandang Eraserheads, Franco, Pupil, Sugarfree, Taken By Cars, Typecast, Urbandub, at mga libro na tulad ng Kikomachine Komix, Pugad Baboy, Beerkada, mga libro nina Bob Ong. Eros S. Atalia, Haruki Murakami, Paulo Coelho, Dan Brown, at marami pang iba. Mahilig ako sa cheeseburger, pizza, shawarma, chocolate at iced coffee.

Ikinagagalak kitang makilala. Bisitahin mo ako dito:

HOME | FACEBOOK | TWITTER | GOODREADS | BLOGSPOT | TUMBLR ASK | SUBMIT

Magbasa. Matuto. Maglibang.

| balik tanaw | books | conversations | GPOYW | kawirduhan facts noong bata pa ako | random facts about me | random photos | random thoughts | relevant lines | soundtrip muna tayo | thinking aloud | typographies |

Read the Printed Word!

Free Hit Counter

Random Fact # 123789-Ǝ

Apat ang blogs ko dito sa Tumblr: Itong main blog ko, isang blog na walang laman dahil para lang ma-save ‘yung dati kong gamit na Tumblr ID, isang blog na puro reblogs, at isang blog na puro reblogs ng porn (LOL). Nagbabalak akong gumawa pa ng isang blog na puro reblogs naman ng mga libro. O ‘di ba ang arte ko?

Random Following Fart

Paminsan-minsan talaga, mas napapansin ko ‘yung blog ng followers na hindi ko pina-follow back kapag ina-unfollow na nila ako. Chinecheck ko naman kapag may nagpa-follow sa akin eh kaso minsan sinusumpong ang Tumblr dahil hindi ko nakikita ‘yung notification na “<Tumblr ID> started following you” kaya ayun. Tapos minsan (ulit), ‘yung nag-unfollow na ‘yun eh worth following pala ‘yung blog o kaya *~f4m0u$~* pa yata o kaya cute na babae pa ‘yung may-ari ng blog na ‘yun. Ehe. Naku, baka maraming mag-unfollow ah. LOL. Okay, ang daldal ko.

Random Fact # 8937249372932

Ngayon ko lang napagtanto na sadyang napaka-weird ng mga bagay-bagay sa mundo. (Ano daw?)

Paborito kong pagkain ang hamburger pero hindi ako mahilig sa ham. Ilan na siguro dito sa inyo ang nakakaalam na isa ang hamburger o cheeseburger sa mga paborito kong pagkain bukod pa sa pizza, shawarma at chocolate. Pero kung gaano ko kinasasabikan ang pagkagat sa bawat hamburger ay siya namang pagkasuklam ko sa ham, lalo na ‘yung ham na madalas ipinangreregalo tuwing Christmas Season at merong free honey sa bawat kahon. Kahit siguro tostahin ang pagkakaluto sa ganoong klase ng ham, ayoko pa rin siyang iulam o ipalaman sa tinapay. Pakiramdam ko kasi, puro taba ‘yung ham. Eh hindi pa naman ako kumakain ng taba sa lahat ng uri ng karne. Arte ko sa pagkain, ‘no?

(Additional Random Oink Oink: Akala ko dati, ham ‘yung pinaka-cheese ng cheeseburger. At akala ko din dati, hamburger ‘yung Bunwich na nabibili sa Dunkin’ Donuts. Isang beses pa lang ata akong nakakatikim ng Bunwich sa DD.)

Mahilig akong manood ng basketball sa TV man o live pero hindi ako gaanong naglalaro mismo ng basketball. Basta’t merong palabas na basketball sa kahit anong istasyon ng telebisyon, asahan mong papanoorin ko ‘yan, mapa-PBA man, NBA, PBA D-League, UAAP, NCAA o ABL pa ‘yan. Sa totoo lang, noong medyo hindi pa ganoong ka-laganap ang internet sa ating bansa, paglalaro talaga ng basketball ang numero uno kong pastime. Araw-araw ‘yon. Pero hindi ako sumasali sa intrams o sa mga paliga sa barangay. Hindi ko lang talaga trip sumali, mas gusto ko pa ring manood.

(Additional Random Oink Oink: Parang ako lang yata ang tao sa mundo na mahilig sa basketball at rock music. Kadalasan kasi, kapag sinabing basketball player o mahilig sa basketball at tinanong mo kung ano ang tipo niyang musika, ang isasagot niya ay RNB, Hip Hop o Ballad. Ewan ko kung bakit ganoon, at huwag na nating pakialaman pa ‘yon.)

Mahilig ako sa mga libro pero hindi ako masyadong mahilig sa mga pelikula. Hindi naman kaila sa inyo na ako ay nagpapaka-bookworm kuno (hindi ko matawag ang sarili kong ‘bookworm’, ewan ko kung bakit, LOL arte). Pero kapag pelikula na ang pag-uusapan, hindi ako ganoong aktibo. Hindi kasi ako mahilig manood ng mga pelikula. Medyo liban lang siguro dito ‘yung mga classic na pelikulang Tagalog na ipinalabas noong 70s, 80s at 90s dahil trip ko silang panoorin ng paulit-ulit. Minsan nga, kapag may nag-aaya sa akin na manood ng isang bagong palabas sa sine, tinatanong ko muna kung meron bang libro ang pelikulang ‘yon. Kung meron, babasahin ko na lang kako. Kung wala, hindi pa rin ako sasama. Mas gusto ko pang basahin ang libro kesa sa panoorin ang pelikula.

(Additional Random Oink Oink: Bagamat mas gusto ko ang libro kesa sa pelikula, hindi pa ako nakakapanood ng isang buong episode ng mga sikat na pelikulang hango sa librong banyaga tulad ng Harry Potter, Lord of the Rings, Twilight, The Hunger Games, Percy Jackson and the Olympians, at iba pa. At sa dami ng mga pelikulang nabanggit ko, isa lang dito ang nabasa ko ang book version at ‘yon ay ang Book One ng Harry Potter o “Harry Potter and the Sorcerer’s Stone”. Ngek!)

+++++++

Gusto ko pa sanang dagdagan dahil parang nakukulangan ako sa tatlo (Oo, parang bitin pa sa akin itong ganito kahabang satsat. Hanep!) kaso wala na akong maisip atsaka wala namang magbabasa. LOL. Next time na lang ulit siguro. Hehehe!

Random Fact: Lagi kong kinukuhanan ng litrato ‘yung mga libro kapag nagpupunta ako sa isang bookstore.

Nakasanayan ko nang kuhanan ng litrato gamit ang malabo kong cellphone camera ang mga libro in random positions (halata naman sa mga litrato sa taas). Kahit hindi ako pamilyar sa librong ‘yon, okay lang. Ang mahalaga, nakuhanan ko sila ng litrato kahit malabo at magulo. Nakakaengganyo kasing basahin para sa akin ang mga librong nakahilera (nasabi ko na ‘yon sa post na ito). Parang remembrance na rin siguro sa pagpunta ko sa bookstore na ‘yon. LOL

Oreo Cookies!

Random Fact: Hindi ko sinusunod ang pamosong alituntunin sa pagkain ng Oreo na “twist, lick, dunk”. Ang sarili kong rule ay “twist, collect, eat and eat” — twist all the biscuits, collect all fillings, eat the biscuit, eat the fillings. Bwahahahahahahaha. Yeah, right. Putarages, bakit ba lahat ng gawain eh may rules pang kaakibat? Isu-shoot mo na lang sa bibig, kailangan pa eh alinsunod sa panukalang batas ng mga surot.

Tara, kain na lang tayo ng Oreo.

Bookfession No. 657: &#8220;When I get home from the mall, I hide the books I just bought from my parents as if they were porn because my parents are convinced I don&#8217;t need more books.&#8221;
Random Fact: Tinatago ko sa kasuluk-sulukang bahagi ng aparador ko &#8216;yung mga librong binibili ko. Excited na akong basahin sila. Toinks. Tsaka ko na lang sila inilalagay sa bookshelf kapag natapos ko nang basahin. Wala, trip ko lang &#8216;yung ganoong sistema. Tsaka trip ko lang din ilagay &#8216;yung bookfession chuchu na &#8216;yan sa simula kasi parang ganyan ako. Hahaha! K
Makikita nga pala sa litrato ang ilang librong nakatago sa aparador ko. In-edit ko &#8216;yan dahil madilim ang pagkakakuha ko tsaka kaya ganyan ang pagkaka-edit para mysterious at artistic kuno. LOL
Meron ka din bang Goodreads account? Kung meron, i-add mo ako. Kung wala, ano pang hinihintay mo? Gumawa ka na din at damhin ang halimuyak ng bawat pahina ng mga libro! LOL

Bookfession No. 657: “When I get home from the mall, I hide the books I just bought from my parents as if they were porn because my parents are convinced I don’t need more books.”

Random Fact: Tinatago ko sa kasuluk-sulukang bahagi ng aparador ko ‘yung mga librong binibili ko. Excited na akong basahin sila. Toinks. Tsaka ko na lang sila inilalagay sa bookshelf kapag natapos ko nang basahin. Wala, trip ko lang ‘yung ganoong sistema. Tsaka trip ko lang din ilagay ‘yung bookfession chuchu na ‘yan sa simula kasi parang ganyan ako. Hahaha! K

Makikita nga pala sa litrato ang ilang librong nakatago sa aparador ko. In-edit ko ‘yan dahil madilim ang pagkakakuha ko tsaka kaya ganyan ang pagkaka-edit para mysterious at artistic kuno. LOL

Meron ka din bang Goodreads account? Kung meron, i-add mo ako. Kung wala, ano pang hinihintay mo? Gumawa ka na din at damhin ang halimuyak ng bawat pahina ng mga libro! LOL

Cereals ko (Clusters) vs. cereals ng kapatid ko (Froot Loops). Sino ang mas angat? Sino ang mas sikat? ~*Aj3jEJej3j3jEhX5sxZz*~

Random fact: Kaunti lang ako kung maglagay ng gatas sa cereals. Marami akong maglagay ng cereals sa bowl pero kaunti lang ‘yung gatas. Basta’t mabasa lang ng gatas ‘yung cereals, okay na sa akin. Kabaliktaran naman ako ng kapatid ko na kaunti lang maglagay ng cereals sa bowl pero umaapaw naman sa dami ng gatas. (May kaugnay na post sa link na ito.)

Random Fact

Ito ‘yung sinabi ko sa food post ko kagabi. Kung die-hard follower ka ng blog ko (naks feeling sikat ang punyemas), siguro eh mapapansin mo na gabi-gabi (mga 8PM hanggang 10PM kadalasan), magkakaiba ang mga klase ng pinopost ko. Malabo? Kumbaga, dito sa Tumblr ‘di ba merong ganito:

May sarili din kasi akong ganyan. Medyo nito ko lang talaga s’ya ginagawa, siguro nitong mga November o December lang ako nagsimula. Ganito ‘yung sa akin:

Random post. Kung anu-anong kabulastugan. Madalas ‘yung librong kasalukuyan kong binabasa ang natatapat sa araw na ito. Pero minsan, nagpopost din ako ng kung anu-anong picture, video, one liner, at walang kwentang Random Facts tulad nito.

Nagrereblog ako ng text post ko na may tag na ‘balik tanaw’ na original post ko isang taon na ang nakakaraan.

No further explanation. LOL

Audio post ito ng kasalukuyan kong LSS o kaya isa sa mga paborito kong kanta. Pero hindi ako nagpopost ng audio post ko mismo (‘yung ako mismo ang kumakanta o nagsasalita) kasi wala akong karapatang mag-record ng boses ko. Hehehe

Litrato ng mga libro ko o kaya naman eh cover/s ng librong gusto kong bilhin, o kahit anong bagay na may kinalaman sa libro (liban na lang sa kasalukuyan kong binabasang libro).

Tuwing Sabado ng gabi ka makakabasa ng napakahabang text post sa blog ko na minsan eh pinapaikut-ikot ko na lang kasi gusto kong magkwento ng mahaba para kunyari eh feeling manunulat ako. Ang mga post ko dito malamang ang irereblog ko next year. Nga pala, kadalasan eh queued post lagi ang balik tanaw post ko tuwing Sabado (kahit na hindi naman ako away from keyboard nun. LOL)

Tulad ng post ko kagabi, puro pagkaing kinuhanan ko ng litrato ang makikita mong paskil ko tuwing Linggo ng gabi.

Hindi ko naman talaga sinasadyang maging ganyan ang pinopost ko gabi-gabi. Sa tingin ko, nagsimula ito noong masira ang hard disk ng PC namin. Akala ko kasi, hindi na marerecover ‘yung files doon at baka wala na akong maipost na kung anu-anong picture at music kaya paisa-isa na lang ang post ko.

Gusto ko kasi na lagi akong may pinopost kahit isa man lang. Ayoko din naman maubusan ng ipopost kaya paisa-isa ang ginagawa kong pagpapaskil. Kaya ang daming post na nakalagay sa drafts ko kasi isa-isa lang ang pagpopost ko nun. Tapos paikut-ikot na lang itong mga sinasabi ko kasi hindi ko talaga maintindihan kung ano itong mga pinagsasabi ko at kung ano ba talaga ang punto ko dito sa Random Fact na ito tapos ang arte-arte ko pala pagdating sa pagpopost. Hehehe!

Kikomachine Komix. Asteeg! Rakenrol :D

Random Fact: Una kong nadiskubre ang Kikomachine Komix habang nagbabasa ako ng Philippine Daily Inquirer. Merong isang comics strip si Manix Abrera noon na “Garapata Blood” at naastigan ako doon kaya’t naisipan kong gupitin at ipunin ang “Garapata Blood” comics strip. Kaso, nung maka-sampung comics strip na ako eh biglang nawala ‘yung “Garapata Blood” sa Philippine Daily Inquirer at napalitan nga nitong “Kikomachine Komix” na gawa pa rin ni Manix. At simula nga noon, nailipat ko sa “Kikomachine Komix” ang pagkahumaling ko sa “Garapata Blood”. Dahil kung tutuusin, halos pareho lang ang dating para sa akin ng dalawang comics strips na ‘yan. Pareho silang makukulit at may mga tauhan na walang pangalan. Hehehe!

Wala, nag-share lang ako tungkol sa pagkahilig ko sa Kikomachine Komix. Atsaka sana, ‘yung susunod na compilation eh mahaba ulit ‘yung titulo. Para cute kapag bibili ka na sa bookstore: “Ate, meron na kayo nung <*insert sobrang habang titulo tapos hindi pala na-gets ni ateng saleslady kaya ipapaulit sa ‘yo hanggang sa abutin kayo ng walang hanggan*>?” LOL

Random Fact: Tuwing Martes at Sabado ako nagkukuwento ng ‘balik-tanaw’ posts ko.

O, ‘di ba ang arte ko? Tuwing Sabado ako nagpopost ng isang bagong ‘balik-tanaw’ na kuwento, at kapag Martes naman eh nirereblog ko ‘yung mga luma kong ‘balik-tanaw’ posts. Wala lang naman, para mas organized, ika nga. Minsan kasi gusto ko rin na merong at least isang ‘balik-tanaw’ post sa unang pahina ng blog ko. Ang OA ko. Huhu. Sorry na. Hehe!

Nga pala, ngayong pumasok na ang buwan ng Disyembre, ang lahat ng ‘balik-tanaw’ posts ko ay may kinalaman sa Pasko at Bagong Taon. Yehey! K

Random Fact: Mas naipapahayag ko ang gusto kong sabihin kapag sinusulat o tinatype ko ito.

Kaya kapag may nakakausap ako sa text o chat o kahit saan sa internet eh mapapansing ang haba kong magreply. Kahit naman kapag nagbo-blog ako, ang haba-haba kong magkuwento, kahit na ‘yung iba eh parang wala namang patutunguhan.

Kaso, baliktad naman ang sitwasyon ko sa tunay na buhay. Hindi ko masyadong maipahayag ang sarili ko kapag ganoon. Sa katunayan, hindi mo ako mapagsasalita hangga’t hindi mo ako kinakausap. Hindi kasi ako approachable. Kung sa internet world eh para akong memory card, sa tunay na buhay eh para lang akong posteng dinadaan-daanan. Hay nako. Kaya tuloy walang magkagusto sa akin eh. Natural, sino nga ba naman ang magkakagusto sa mabait na pangit at tatanga-tangang hindi approachable, ‘di ba? Emongoloid 2011.

Maski itong random fact na ito, parang walang patutunguhan. Pati ang nananahimik na memory card at poste eh dinamay ko. Putaragis. Ito siguro ‘yung epekto ng pagkaka-miss ko sa iyo.

Punyemas. Ang daldal ko na.

Random Fact: Kapag meron akong madalas na ka-text o ka-chat, madalas akong mahawa sa paraan ng pagte-text o pagcha-chat ng taong ‘yon.

Madalas akong ganyan. ‘Yun bang halimbawa mo, kapag ‘yung kausap ko sa text o sa chat eh madalas magsabi ng ‘hahahaha’, mag-emoticon ng ‘:p’, o kaya magbanggit ng ‘sorry’, eh napapa-‘hahahaha’, ‘:p’, at ‘sorry’ din ako kapag s’ya ‘yung ka-text o ka-chat ko.

Sigurado akong kayo din eh ganito minsan. Hehehe! Wala lang.

Page 1 of 6
Alternative Theme by maggie. Powered by Tumblr.