I’ll siomai love for you and I hopia love me too. ❤
Ako si Alden, mula sa siyudad ng Valenzuela. Paborito ko ang mga bandang Eraserheads, Franco, Pupil, Sugarfree, Taken By Cars, Typecast, Urbandub, at mga libro na tulad ng Kikomachine Komix, Pugad Baboy, Beerkada, mga libro nina Bob Ong. Eros S. Atalia, Haruki Murakami, Paulo Coelho, Dan Brown, at marami pang iba. Mahilig ako sa cheeseburger, pizza, shawarma, chocolate at iced coffee.

I’ll siomai love for you and I hopia love me too. ❤
Ngayon ko lang nalaman na meron na palang Pugad Baboy 23. Buti na lang dumaan ako sa National Bookstore. Yehey!
Naninilaw na sa kalumaan ‘yung iba kong Pugad Baboy. Suportado pa ng masking tape ang ilan. Opo, isa akong dakilang PB collector since 1995.
Sa wakas at nakabili na ako ng Pugad Baboy 22! Potek, sa Cubao ko lang pala matatagpuan ‘to. Walang available sa Marilao, Valenzuela at North Edsa. Isusunod ko namang bilhin ang Kikomachine Komix Blg. 6 (na hindi pa available sa ngayon). And look! may pinamimigay na libreng Reese’s chocolate sa loob ng Araneta Coliseum kanina. Halloween treat nila. :D
Bibilhin ko sana ‘yung libro n’yang ABNKKBSNPLAko at Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? noong minsang magpunta ako sa SM North pero hindi ko itinuloy kasi nakakita ako ng Pugad Baboy Sunday Comics kaya ‘yon ang binili ko. Mas fan kasi ako ni Pol Medina Jr. :p
Pampaantok: Beerkada o kaya Pugad Baboy.
Suntukan na lang! Hehehe.
Senyorito: Para kang tuod! Para kang ugat ng acacia!
Maid: Para kang baliktad na trumpo! Para kang bumbilya!
Senyorita: Aba! Nawawalan ka na ng respeto sa senyorito mo ah!
Maid: Ay, sorry po… Para po kayong bumbilya po.
Politics-related Pugad Baboy comic strip. :)
Reblog dahil napapanahon ‘to. Sana nga tama ang naging desisyon ng taong bayan. Huwag mo kaming bibiguin, President Noynoy! :)
Okay, back to regular programming achuchu. \:D/
❝ Ang tunay na beer drinker eh umiinom istreyt prom di batol! ❞
Benigno “Igno” Ramos, Pugad Baboy
Isa pang nabili ko kanina: Pugad Baboy Sunday Comics 2. \:D/ sa wakas at magkakaroon na ako ng libangan maliban sa Tumblr at telebisyon. Dadahan-dahanin ko ang pagbasa nito para masaya. Bwahaha. :p