I’ll siomai love for you and I hopia love me too. ❤
Ako si Alden, mula sa siyudad ng Valenzuela. Paborito ko ang mga bandang Eraserheads, Franco, Pupil, Sugarfree, Taken By Cars, Typecast, Urbandub, at mga libro na tulad ng Kikomachine Komix, Pugad Baboy, Beerkada, mga libro nina Bob Ong. Eros S. Atalia, Haruki Murakami, Paulo Coelho, Dan Brown, at marami pang iba. Mahilig ako sa cheeseburger, pizza, shawarma, chocolate at iced coffee.

I’ll siomai love for you and I hopia love me too. ❤
GPOYWNC (Gratuitous Picture Of Yourself Wednesday na Nahagip ng Camera)
Dunkin’ Donuts, Krispy Kreme o Mister Donut? Pi-li-na-ka-yooo…! <*boses ala Shalani*>
GPOYBFW (Gratuitous Picture Of Your Blurred Face Wednesday)
Nagpakuha ako ng litrato sa kapatid ko na gagawin kong 2 x 2 picture. Kaso mukhang katatapos lang magtikol ni utol sabay hugas ng kamay kaya ayun, pasmado at nangatog ang kamay niya sa camera. Pero tingnan mo nga naman, blurred na ang larawan pero halata pa rin ‘yung eye bags at ilong kong sinlaki ng kamatis. Punyemas!
Nitong nakaraang buwan, sa wakas at nakakain na rin ako ng ice cream na usap-usapan ngayon (Usap-usapan pa rin ba? Parang hindi na yata) — ang Magnum. Ang reaksiyon ko: Ayun, okay naman siya. Masarap nga talaga, imported ang chocolate eh. At ang bigat niya literally. Malaki kasi. Kaso, medyo nakapanghihinayang kung uubusin mo kaagad. Kaya inunti-unti ko ang pagkain nito, siguro inabot din ako ng 30 minutes sa pagkain. Kaso pagkaubos ko, parang nanghihinayang pa rin ako sa ₱55.00 na nagastos ko para lang sa iisang ice cream. Mantakin mo, naglahong parang bula ‘yung ₱55.00 sa loob lang ng kalahating oras?! Kaya ang ginawa ko para mas masulit ko talaga ‘yung ₱55.00, kinain ko na rin pati ‘yung ice cream stick (makikita sa huling larawan).
Matagal-tagal na rin nang huli kong kuhanan ng litrato ang mga libro kong gawa ng mga Pilipinong manunulat (Nandito sa link na ito, with matching watermark pa dahil baka may magnakaw ng *~photography~* ko. Hanep na ‘yan). At sa paglipas ng panahon, marami-rami na din akong naipon at nabasang libro na gawang Pinoy, at makikita sila sa larawan sa itaas.
Aabutin tayo ng katapusan ng mundo kapag inisa-isa ko ang mga titulo at awtor ng libro. Makikita ninyo naman diyan ang mga libro (sa kaliwa) na gawa nina Lualhati Bautista, GM Coronel, Carlos Malvar, Eros Atalia at Bob Ong, at mga librong gawa nina Lourd de Veyra, Carljoe Javier, David Hontiveros, Louie Cano, Vlad Bautista Gonzales, Jessica Zafra, Ricky Lee, Kiko Ansing, Tado Jimenez, “Klitorika”, Arnel Aquitania, Vic Ejanda, Nicanor David Jr. at William Rodriguez naman sa kanan.
Sa ngayon, mas madalas akong magbasa ng banyagang libro, bagamat gusto kong ibalik ang interes ko sa mga lokal na babasahin. Minsan kasi, ang arte ko. Gusto ko, salit-salitan ang pagbabasa ko ng ingles at Tagalog. Siguro, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, susubukan kong magbasa ng mga sumusunod na libro:
at ilang librong medyo seryoso naman tulad ng:
Ang daming biniling pagkain ng kapatid ko. May Frutos, marshmallow, Cheese Ring, Walt Disney cotton candy (LOL) at kung anu-ano pang sweets na nakapagpapasakit ng ngipin. Ito talaga ang kaibahan namin ng utol ko. Kapag binigyan siya ng pera, sariling pagkain ang bibilhin niya (‘sariling pagkain’ dahil sa kanya lang ‘yon). Kapag ako naman ang binigyan ng pera, sa libro o CD ko ginagastos.
Ang sarap tapyasin ng ilong kong mukhang kamatis at idikit sa mga pahina ng librong ito para habambuhay kong maamoy ang halimuyak ng mga ito.
Done with:
Now reading:
Goodnight, kangaroos and elephants! LOL
GPOYW: Noon at Ngayon (Part 10)
Ang upper photo ay kuha noong late 90s. Ang lower photo naman ay kuha noong isang taon. Si Alden, si insan at si utol. Mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nakatingin sa camera si utol, sa akin pa rin nakadikit si insan, at si Alden? Ayan, pogi pa rin.
Click this link for more of my “Noon at Ngayon” photos. Bwahahaha