Alden. Filipino blogger. Book lover. PBA freak. Murakami fan. Cheeseburger and chocolate junkie. Rock music enthusiast.

Popular tags:

basketball | bob ong | books | coldplay | edgar calabia samar | eraserheads | eros atalia | foods | franco | kikomachine komix | haruki murakami | nostalgia | one liners | pba | pinoy | pugad baboy | pupil | random facts | random music | random photos | random things i fancy | random thoughts | relevant lines | song typos | taken by cars | typecast | urbandub

Read the Printed Word!

Free Hit Counter
Wednesday, 2 May 2012

Kwentong Buhok

Naaalala ko ‘yung mga panahong araw-araw akong naglalagay ng gel sa buhok ko. High School pa ako noon. Gusto ko kasing patayuin ‘yung buhok ko noon dahil sawa na ako sa Keempee de Leon hairstyle kaya kahit wala akong pasok sa eskwela eh laging nangingintab sa dami ng gel ang buhok ko tuwing pagkatapos kong maligo. Ayos naman ang resulta. Nai-spike ko ‘yung buhok ko noon hanggang pumasok ako sa kolehiyo. At matagal na panahon ding nanatiling tayu-tayo ang buhok ko. Dumating pa nga noon sa puntong hindi ko na mai-flat o mai-bagsak ‘yung buhok ko dahil nasanay na itong nakatayo.

Sa ngayon, may sinusunod akong pamantayan hinggil sa hairstyle ng aking buhok (Hairstyle na, buhok pa, saan ka pa?!): Kapag maikli ang buhok ko, tayu-tayo ang style na ginagawa ko. Kapag medyo may kahabaan na, bao look (nakababa ‘yung bangs) o Jose Rizal look (‘yung sa gilid ang hati). Kaso sa haba ng intervals ko sa pagpapagupit (dalawang buwan muna ako nagpapahaba ng buhok bago magpagupit) at dahil na rin mabilis humaba ang dyaskeng buhok na ito, madalas eh Jose Rizal na ngayon ang buhok ko, kahit na nagsasawa na ako sa style na ‘yon. Gusto ko kasi ngayon, kahit mahaba ang buhok ko eh tayu-tayo pa rin ito. Yun bang tipong kahit wala akong nilalagay na wax o gel (hindi ako nagke-clay dahil ewan, ‘di ko lang talaga trip) eh tatayo pa rin ang buhok ko.

Kaso, ewan ko ba sa buhok na ito. Nasanay na yata sa Jose Rizal look kaya kahit lagyan ko ng super duper strong na wax eh walang talab sa buhok ko — bumabagsak lagi. Kaya ngayon, maikli man o mahaba ang buhok ko, kailangan ko pang itali ito lalo na sa tuktok (gusto ko kasi ‘yung mala-aquatic na hairstyle. Yun bang parang hawig sa mohawk. LOL) para lang tumayo. At ewan ko kung epektibo ba ang pinaggagawa kong pagtali sa buhok ko. Parang hindi naman. Bumabagsak pa rin kasi siya. Ang sakit sa bangs!

(Ang mga litrato nga pala ay kinunan noong Marso pa, bago ako magpagupit.)

Wednesday, 18 April 2012
Ang kapal talaga ng buhok ko sa braso. Lalo na sa binti. Mukha akong unggoy. Balbon. Ehehehe! GPOYW.

Ang kapal talaga ng buhok ko sa braso. Lalo na sa binti. Mukha akong unggoy. Balbon. Ehehehe! GPOYW.

Wednesday, 4 January 2012
Ganito ang itsura ng top view ng nangangating buhok ng isang taong dalawang araw na hindi naligo. O ‘di ba, kitang kita pa ‘yung puting buhok ko. (Photo taken last November 2011. Hehehe)

Ganito ang itsura ng top view ng nangangating buhok ng isang taong dalawang araw na hindi naligo. O ‘di ba, kitang kita pa ‘yung puting buhok ko. (Photo taken last November 2011. Hehehe)

Sunday, 23 October 2011
Hello. Matapos ang halos tatlong buwan, ngayon lang ulit ako nakapagpagupit ng buhok. Yehey! Medyo hindi nga lang halata sa larawan dahil tinatamad akong humanap ng anggulo. Hehe! Hindi ko nga pala pinapabawasan ‘yung patilya ko kapag nagpapagupit, pinapaayos ko lang. Wala, trip-trip lang.
Gagong Chufit!