Burlesk Bangus

Ito ang lugar kung saan ang lahat ng bagay na bumibisita sa aking kaisipan ay inilalapat sa pamamagitan ng pagsusulat.

Ako si Alden, mula sa siyudad ng Valenzuela. Paborito ko ang mga bandang Eraserheads, Franco, Pupil, Sugarfree, Taken By Cars, Typecast, Urbandub, at mga libro na tulad ng Kikomachine Komix, Pugad Baboy, Beerkada, mga libro nina Bob Ong. Eros S. Atalia, Haruki Murakami, Paulo Coelho, Dan Brown, at marami pang iba. Mahilig ako sa cheeseburger, pizza, shawarma, chocolate at iced coffee.

Ikinagagalak kitang makilala. Bisitahin mo ako dito:

HOME | FACEBOOK | TWITTER | GOODREADS | BLOGSPOT | TUMBLR ASK | SUBMIT

Magbasa. Matuto. Maglibang.

| balik tanaw | books | conversations | GPOYW | kawirduhan facts noong bata pa ako | random facts about me | random photos | random thoughts | relevant lines | soundtrip muna tayo | thinking aloud | typographies |

Read the Printed Word!

Free Hit Counter
Sa isang blog ko unang nalaman ang bagong libro ni Eros S. Atalia. Inaamin ko, sa cover pa lang ng Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay) eh naengganyo na akong basahin ito. Nobyembre pa lang (yata) ng nakaraang taon, inaabangan ko na sa website ng Visprint kung kailan ito ilalabas sa bookstores.
Una sa lahat, hindi ko talaga alam ang kahulugan ng “dagli”. Pero dahil na rin sa nabasa kong libro at pagsasaliksik sa internet (naks parang dalubhasa), ang “dagli” pala ay tumutukoy sa maikling paglalarawan ng tao, bagay, lugar o pangyayari na karaniwang ginagamitan ng talinghaga o satira (satire). Pagdating naman sa libro, nahahati ito sa sampung kabanata, at bawat isa ay may sampung maiikling kwento o dagli kaya tinawag itong “100 Dagli”. Sabi pa ng awtor, 365 dagli talaga ang inisyal niyang plano. Pero baka daw dumating na ang mga alien ngayong 2012 at hindi pa niya natatapos ang libro. Ito na daw kasi ang pinakamatagal na librong ginawa niya. Inabot ng isang taon. Madugo daw kasi ang pagsusulat nito.
Malaman at simple lang pero iba ang atake ng bawat kwento. Maaaring matawa, matakot, mainis, mapaisip o magtaka ka sa bawat isa nito. Akmang akma din ang titulo ng libro. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang kwentong pasaway, paaway at pamatay. May mga kwentong sobrang ikli, may hanggang apat na pangungusap lang pero matatawa ka. Pinakamahaba nang kwento ‘yung dalawang pahina na hindi pa punuan.
Halos karamihan sa kwento ay nakakatawa. Pero dahil sa sobrang ikli ng mga ito, maaaring makalimutan mo agad ang mga ito na para bang walang partikular na eksenang tatatak sa isip mo, ‘di tulad ng Peksman Mamatay Ka Man Nagsisinungaling Ako at Ligo Na U Lapit Na Me. Gayunpaman, kahit paano ay may isang kwentong nakapagpatawa sa akin. Ito ay ang <*spoiler alert!*> tungkol sa “Buwan ng Nutrisyon” kung saan gumawa ng mga slogan ang bida tungkol sa mga pagkain. Subalit nagalit ang guro dahil ilan sa mga slogan ay:

Kaunting ulam sa maraming kaninAng mahalaga, may kinakain.
Para sumarap ang lutuinDamihan lagi ng betsin.
Mantika, toyo at kalamansiIhalo sa kanin ang bistik kunwari.
Ang mani ni ma’am ay nakakatalinoLahat ng bumili, mataas ang grado.

Kapag libro talaga ng paborito mong manunulat ang pag-uusapan, kahit gaano ka-boring at ka-walang kwenta ito para sa iba, pagdating sa iyo eh hindi mo pa rin ito kayang bitawan dahil nag-eenjoy ka kahit paano.
Nagtatalo sa pagitan ng tatlo hanggang apat na bituin (three to four stars) ang rating ko sa librong ito. Isang mabilisang basa lamang talaga ito. Para lang makaraos, ika nga. Kung tutuusin, kaya itong tapusin sa isang basahan lang. Pakiramdam ko tuloy, medyo kulang pa. Sana itinuloy na ni Eros S. Atalia ’yung plano niyang 365 dagli para mas mahaba-habang pagbabasa ito.
Rating: ★★★☆☆

Sa isang blog ko unang nalaman ang bagong libro ni Eros S. Atalia. Inaamin ko, sa cover pa lang ng Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay) eh naengganyo na akong basahin ito. Nobyembre pa lang (yata) ng nakaraang taon, inaabangan ko na sa website ng Visprint kung kailan ito ilalabas sa bookstores.

Una sa lahat, hindi ko talaga alam ang kahulugan ng “dagli”. Pero dahil na rin sa nabasa kong libro at pagsasaliksik sa internet (naks parang dalubhasa), ang “dagli” pala ay tumutukoy sa maikling paglalarawan ng tao, bagay, lugar o pangyayari na karaniwang ginagamitan ng talinghaga o satira (satire). Pagdating naman sa libro, nahahati ito sa sampung kabanata, at bawat isa ay may sampung maiikling kwento o dagli kaya tinawag itong “100 Dagli”. Sabi pa ng awtor, 365 dagli talaga ang inisyal niyang plano. Pero baka daw dumating na ang mga alien ngayong 2012 at hindi pa niya natatapos ang libro. Ito na daw kasi ang pinakamatagal na librong ginawa niya. Inabot ng isang taon. Madugo daw kasi ang pagsusulat nito.

Malaman at simple lang pero iba ang atake ng bawat kwento. Maaaring matawa, matakot, mainis, mapaisip o magtaka ka sa bawat isa nito. Akmang akma din ang titulo ng libro. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang kwentong pasaway, paaway at pamatay. May mga kwentong sobrang ikli, may hanggang apat na pangungusap lang pero matatawa ka. Pinakamahaba nang kwento ‘yung dalawang pahina na hindi pa punuan.

Halos karamihan sa kwento ay nakakatawa. Pero dahil sa sobrang ikli ng mga ito, maaaring makalimutan mo agad ang mga ito na para bang walang partikular na eksenang tatatak sa isip mo, ‘di tulad ng Peksman Mamatay Ka Man Nagsisinungaling Ako at Ligo Na U Lapit Na Me. Gayunpaman, kahit paano ay may isang kwentong nakapagpatawa sa akin. Ito ay ang <*spoiler alert!*> tungkol sa “Buwan ng Nutrisyon” kung saan gumawa ng mga slogan ang bida tungkol sa mga pagkain. Subalit nagalit ang guro dahil ilan sa mga slogan ay:

  • Kaunting ulam sa maraming kanin
    Ang mahalaga, may kinakain.
  • Para sumarap ang lutuin
    Damihan lagi ng betsin.
  • Mantika, toyo at kalamansi
    Ihalo sa kanin ang bistik kunwari.
  • Ang mani ni ma’am ay nakakatalino
    Lahat ng bumili, mataas ang grado.

Kapag libro talaga ng paborito mong manunulat ang pag-uusapan, kahit gaano ka-boring at ka-walang kwenta ito para sa iba, pagdating sa iyo eh hindi mo pa rin ito kayang bitawan dahil nag-eenjoy ka kahit paano.

Nagtatalo sa pagitan ng tatlo hanggang apat na bituin (three to four stars) ang rating ko sa librong ito. Isang mabilisang basa lamang talaga ito. Para lang makaraos, ika nga. Kung tutuusin, kaya itong tapusin sa isang basahan lang. Pakiramdam ko tuloy, medyo kulang pa. Sana itinuloy na ni Eros S. Atalia ’yung plano niyang 365 dagli para mas mahaba-habang pagbabasa ito.

Rating: ☆☆

  1. Kaunting ulam sa maraming kanin; Ang mahalaga, may kinakain.
  2. Para sumarap ang lutuin; Damihan lagi ng betsin.
  3. Ang estudyanteng walang almusal; Sa PE ay ‘di tumatagal.
  4. Mantika, toyo at kalamansi; Ihalo sa kanin ang bistik kunwari.
  5. Tuyo at noodles na mainit; Ang umangal, may kurot sa singit.
  6. Almusal, tanghalian, hapunan ay kanin; Meryenda at baon ay kanin pa rin.
  7. Ang kumakain nang may sabaw; Tumutulong sa panunaw.
  8. Palamang asukal sa pandesal; Sumasarap habang tumatagal.
  9. Kapeng matabang o kapeng matapang; Nagpapatahimik sa ingay ng tiyan.
  10. Mabuti pa ang kambing nakakakain ng gulay; Mabuti pa ang patay, may handa sa lamay.
  11. Ang tanim na gulay; Ninanakaw ng kapitbahay.
  12. Ang nag-aalaga ng manok sa bahay; Madalas pinababarangay.
  13. Ang mani ni ma’am ay nakakatalino; Lahat ng bumili mataas ang grado.

Currently reading: Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay) by Eros S. Atalia

&#8220;Magaang basahin, kung matinik ay malalim. Ang dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may iba-ibang anyo at pakay. Nagpapatawa, nanggugulat, nakasusugat, parang bato-bato sa langit, ang tamaa&#8217;y lihim na ginagalit. Kung lilingunin ang kasaysayan ng dagli bilang anyong pampanitikan, makikitang bago ang hipo ni Eros sa anyong noong namalasak sa mga diyaryo mga unang taon ng Siglo 20. Tunay na manlilikha ng Siglo 21 si Eros&#8212;malay siya sa ugali, galaw at gaslaw ng panahon at ang ganitong kamalayan ay siyang tiyak na aakit sa mga mambabasang kabataan.&#8221;
&#8220;Basahin si Eros at sakaling talaban ng kanyang mga dagli, namnamin ang lalim na magpapaalaala kung paano ang mabuhay sa ating matinik na panahon.&#8221;

Currently reading: Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay) by Eros S. Atalia

“Magaang basahin, kung matinik ay malalim. Ang dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may iba-ibang anyo at pakay. Nagpapatawa, nanggugulat, nakasusugat, parang bato-bato sa langit, ang tamaa’y lihim na ginagalit. Kung lilingunin ang kasaysayan ng dagli bilang anyong pampanitikan, makikitang bago ang hipo ni Eros sa anyong noong namalasak sa mga diyaryo mga unang taon ng Siglo 20. Tunay na manlilikha ng Siglo 21 si Eros—malay siya sa ugali, galaw at gaslaw ng panahon at ang ganitong kamalayan ay siyang tiyak na aakit sa mga mambabasang kabataan.”

“Basahin si Eros at sakaling talaban ng kanyang mga dagli, namnamin ang lalim na magpapaalaala kung paano ang mabuhay sa ating matinik na panahon.”

❝ Pero kung meron talagang may himala, gusto kong muling makita’t makausap si Jen. At kapag nangyari ‘yun, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Huhubarin ko na ang kahihiyan ko. Itatapon ang pag-aastig-astigan. Hindi na baleng iwan nya sa huli kapag nalaman nyang mahal ko sya, na nababaliw na ako sa kanya, na gusto kong maging officially kami na. Kung sakaling magbago sya ng isip, na hindi nya na iiwan ang lahat ng nagmamahal o nababaliw sa kanya, kung sakaling hindi na rin sya nag-astig-astigan o nagmanhid-manhidan, isusumpa ko sa ngalan ng mga lamang lupang hindi matahimik sa pagmumura ko sa gabi at mamatay man ang lasenggero naming kapitbahay… Pukang ama… Hindi ko na sya pakakawalan. ❞

Intoy (Ligo Na U, Lapit Na Me)

The Da Vinci Code by Dan Brown (★★★★★)
Ligo Na U, Lapit Na Me by Eros S. Atalia (★★★★★)
Norwegian Wood by Haruki Murakami (★★★★★)
Stainless Longganisa by Bob Ong (★★★★★)
Pacific Rims by Rafe Bartholomew (★★★★★)

❝ Kaya nga sa fairy tale, lagi na lang sinasabing ‘and they live happily ever after’ kasi hindi maikwento ano talaga ang naging ending. Nung magpakasal ang prinsesang maganda sa isinumpang prinsipe na naging palaka na bumalik uli sa pagiging gwapo ng prinsipe (matapos mahalikan), hindi pa naman ending yun. Kalagitnaan pa lang ng buhay nila yun. Ilan ang anak nila? Nanganak kaya ang prinsesa ng butete? Ano ang nangyari sa kanila nung tumanda sila? Sino ang unang namatay? kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure. ❞

Intoy (Ligo Na U, Lapit Na Me)

Akala ko, pare-parehas lang ang keps. Tama siguro ang prof kong feminista. Ang keps ay hindi usapin ng luwang at lalim kundi kung kanino nakakabit at sino ang pwede lang tumakip o magpinid. Ay pukang ama, bakit ba nagiging makata ang taong dyeta sa romansa?

Ang pagmamahal daw ay umuusbong kung saan ka pinakamalakas hindi kung saan ka pinakamahina. Dahil doon nanggagaling ang iyong lakas, mapapansin mo na lang na lalo kang lumalakas kapag naroon ito at unti-unti kang mapanghihinaan kapag ito’y nawala. Kaya pala hindi mapaghiwalay ni Popeye si Olive Oyl sa kanyang spinach, Andres Bonifacio kay Gregoria De Jesus at sa kanyang init ng ulo, sa pagka-gigolo ni Jose Rizal kay Josephine Bracken, sa star complex ni Superman at kay Louise Lane, sa ‘world peace’ ni John Lennon at kay Yoko Ono at sa marami pang ibang na-infect ng ‘I love you virus.’

Iniihian daw ng aso ang isang lugar bilang tanda na ito’y kanyang teritoryo. Iniihian din ng tao ang isang lugar, bilang tanda na mabuti pa ang aso, may teritoryo.

Masarap tumawa. Masaklap pagtawanan. Pero pinakamasarap pagtawanan ang sarili. At pinakamasaklap na naunahan ka ng taong gusto mong pagtawanan dahil napagtawanan na niya ang kanyang sarili.

Koleksiyon ng mga librong walang drawing!
Masarap palang magbasa ng ganitong klase ng mga libro, &#8216;yung walang drawing o illustration. Mas napapagana ang imahinasyon at utak. At sa totoo lang, mas hindi ko pinanghihinayangan bumili ng mga libro kesa bumili ng mga damit at pagkain.
Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako - Eros S. Atalia (kasalukuyan kong binabasa)
Ligo Na U, Lapit Na Me - Eros S. Atalia
Isang Napakalaking Kaastigan - Vlad Bautista Gonzales
A-Side/B-Side - Vlad Bautista Gonzales
Masculadoll - Louie Cano (kabibili ko lang ngayon!)
Angels And Jejemons - Arnel Aquitania (kabibili ko lang ngayon!)
Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan - Bob Ong
Kapitan Sino - Bob Ong
MacArthur - Bob Ong
Stainless Longganisa - Bob Ong
Alamat Ng Gubat - Bob Ong
Ang Paboritong Libro Ni Hudas - Bob Ong
Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? - Bob Ong
ABNKKBSNPLAKo?! - Bob Ong

Koleksiyon ng mga librong walang drawing!

Masarap palang magbasa ng ganitong klase ng mga libro, ‘yung walang drawing o illustration. Mas napapagana ang imahinasyon at utak. At sa totoo lang, mas hindi ko pinanghihinayangan bumili ng mga libro kesa bumili ng mga damit at pagkain.

Mga bago kong pagkakaabalahan: Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako at Ligo Na U, Lapit Na Me ni Eros S. Atalia, at Isang Napakalaking Kaastigan at A-Side/B-Side ni Vlad Bautista Gonzales. Ito &#8216;yung librong tinutukoy ko sa kwento ko kagabi.

Mga bago kong pagkakaabalahan: Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako at Ligo Na U, Lapit Na Me ni Eros S. Atalia, at Isang Napakalaking Kaastigan at A-Side/B-Side ni Vlad Bautista Gonzales. Ito ‘yung librong tinutukoy ko sa kwento ko kagabi.

Page 1 of 2
Alternative Theme by maggie. Powered by Tumblr.