Eraserheads cassette tapes (inlay)
Ako si Alden, mula sa siyudad ng Valenzuela. Paborito ko ang mga bandang Eraserheads, Franco, Pupil, Sugarfree, Taken By Cars, Typecast, Urbandub, at mga libro na tulad ng Kikomachine Komix, Pugad Baboy, Beerkada, mga libro nina Bob Ong. Eros S. Atalia, Haruki Murakami, Paulo Coelho, Dan Brown, at marami pang iba. Mahilig ako sa cheeseburger, pizza, shawarma, chocolate at iced coffee.

Eraserheads cassette tapes (inlay)
Minsan, naglalakad ako ng dahan dahan sa 68 Dr Sixto Antonio Ave. Alam kong maraming andalusian dog dito pero sabi ko sa sarili ko, huwag kang matakot. Pupunta ako kina Toyang at aakyat ako ng ligaw. Ilang gabi na akong hindi makatulog sa lintik na insomya na ‘yan. Sabi tuloy ng honky toinks Granny ko, “Hey, Jay! Para ka na namang wating!” Kaya binigyan nya ako ng fruitcake kasi para daw akong baliw.
Pagdating ko sa kanto, siyempre nag-waiting for the bus ako. Buti na lang, dumating yung balikbayan box kaya meron akong nakuhang butterscotch. Sabi ng nanay ko sa akin, “Easy ka lang sa pagkuha niyan, anak. Para kang mang-haharana. Kahit ano naman, pwede mong ibigay sa nililigawan mo.
Haay. Parang kailan lang nang makita ko siya sa magasin. It was such a fine time and it’s so hard to believe na pumayag siyang ligawan ko kahit alam ko sa sarili ko na isa akong torpedo. Maling akala ko lang pala na walang nagbago sa kanya.
At ngayong kasal na kami, I want to fill her with my love and in everything they say about her, I just tell them ang ligaya na aking nadarama. Sa wakas, suntok sa buwan man ang ginawa ko, it always worth with a smile.
So mga pare ko, punta lang kayo sa tindahan ni Aling Nena at makibalita sa aking love story sa popmachine. Tama ka! Let’s head to the South Superhighway through the tollgate where the gatekeeper lives and get out of Manila. Bring your alkohol and we’ll get overdrive!

Scorpio Rising - Eraserheads
I’m old enough to know that my starts will come and go. At this day and age, I can see that the world was meant for me. Some people laugh at what you’re doing. They hold you in the sand. I’m having a hard time adjusting to these changes.
I can see that your lips are moving but I can’t hear what you’re saying. Is it yes or is it no? Is it stop or is it go? Is it suck or is it throw or is it me or am I just too slow?
I’m young enough to think that the world looks good in pink. But as far as I can see, that ain’t enough for me. Some people hear what you’re doing. They pull you by the strings. I‘m having trouble taking things day by day.
When I see you, I see red and green. You’re like the biggest tree I‘ve ever seen but it cuts you down. Oh, down to size. The apple of my eye is rotting on the ground.
I see the future burning in their eyes but I don’t care what it’s saying. Is it high or is it low? Is it hide or is it show? Is it shrink or is it grow? Is it the twister? A-hey-hey-hey-hey!
I wrote this song while I was eating beans. Now don’t you try and ask me what that means. It’s just like asking me to tell you my dreams. I would have told you long ago but now it seems you’re far away. Here come the loony bin, come to take me away.
You put a scar in my twisted face. In the yearbook, I look out of place. I see my letter burning in your hand. It took me 25 years just to understand. Blue is the color of my skin. Blue is the color of my skin. Blue is the color of my… Woooh!

Maalalahanin - Eraserheads
Saan na tayo papunta? Naliligaw na ba? Dumidilim. Paano nagsimula? Nasisilaw, minsa’y natulala. Nawawala. Nawawala ang panaginip. Nawawala. Nawawala at ayaw pang gumising.
Ilang ulit nang nadapa. ‘Di madala-dala. Nakikinig. Tila lumalamig. Nalunod sa hangin, tinitiis. Nawawala. Nawawala ang panaginip. Nawawala. Nawawala at ayaw pang gumising.
Tuwing umuula’y bumabaha. Hindi na nagsasawa. Nakalimutan mo na ba? Maalalahanin.
Alaala…
Kay sarap sariwain ng malayang kahapon. Ang hirap isiping kay layo ng noon.
Tama ka nga. Walang saysay kung itutuloy pa. Hayaan na natin ang bukas. Ngunit sa gabing ito, hawakan ang aking kamay. Muling sundan ang mga unang yapak ng ating pagmamahalan.
Tama ka nga. Walang saysay kung ibabalik pa. Hayaan na natin ang bukas. Minsan nagtatanong kung saan, kailan, paano nasimulan ang katapusang mahirap takasan. Pero huwag na, ibato mo na lang sa ulan.
Kay sarap sariwain ng malayang kahapon. Ang hirap isiping kay layo ng noon.


ERASERHEADS
Ito ‘yung mga pinagkakaabalahan kong gawin nang una akong malulong sa Tumblr noong mga unang bahagi ng taong 2010 — ang paggawa ng typographies/wordarts/kung-ano-man-ang-tawag-sa-ganyan na panay lyrics lang naman ng kanta ng paborito kong banda. Uso kasi ito noon kaya nakiuso ang loko.
At naisipan kong i-post ulit ang ilan sa mga ginawa kong kalokohan (madami pa sana kaso sampu lang pala ang pwedeng i-upload sa photoset) dahil wala lang, gusto ko lang makita ‘yung mga kabulastugang pinaggagawa ko noon. Hehe!
Meron din akong ginawa noon na lyrics naman ng Sugarfree, Typecast at Urbandub. Ipopost ko din ‘yun as photoset balang araw. K
“Rock music is like a water that cleanses your petrified soul.”
—-Sinabi ko noong <*hindi ko na matandaan kung ilang taon ako nito*>
Huwag n’yo nang ipa-eksplika sa akin kung ano ang kahulugan ng ‘quote’ kuno na ‘yan dahil sa totoo lang eh hindi ko din alam. Nasabi ko lang ‘yan nang minsang mapagtripan namin noon ng mga kaibigan ko na gumawa ng mga sariling kasabihan at ito ang naisip ko. Parang binging pinaulit sa akin ‘yung sinabi kong ‘yan at pagkatapos ay sinulat pa nila sa papel ‘yang sinabi ko dahil amputaragis, manghang mangha sila kahit pare-pareho naming hindi alam ang ibig sabihin ng quote na ‘yan (dahil mga bata pa kami noong mga panahong ‘yon).
Isa sa pinakapopular na uri ng musika ay ang tinatawag na rock music na nagsimula noon pang dekada sisenta. At noon pa man ay marami nang sangay ang musikang ito tulad ng jazz, blues, folk, country music, reggae, at iba pa. Katulad ng ibang genre ay mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa larangan ng industriya ng musika. Mabenta ang rock music sa lahat ng uri ng tao at sa kahit anong panahon.
Noong sumapit ang dekada nobenta ay nauso at naglipana ang mga bandang talaga namang tumatak sa atin at tagos hanggang sa kaloob-looban ng ating mga buto ang mga pinasikat na awitin. Maaaring pamilyar kayo sa isa sa mga babanggitin kong banda o sa mga awitin nila. Maaari ding hindi mo na naabutan ang iba sa kanila at pamilyar ka na lang dahil sa mga kuwento ng nakatatanda sa ‘yo. Pero ayos lang ‘yan, pare ko. Kaya’t tara na at maki-soundtrip habang nagta-time space warp tayo kasama ng astig na mga banda noong dekada nobenta! (Intro count: 1… 2… 1, 2, 3, 4… Okay.)

Eraserheads
S’yempre kailangang unang una ang bandang ito at kapag dekada nobenta ang pag-uusapan ay hindi dapat mawala dahil sila ang pinakamatagumpay na banda noong dekadang ‘yan. Sila ang Eraserheads na orihinal na kinabibilangan nina Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro, at Raymund Marasigan. Sa loob ng mahigit labintatlong taon ay nakalikha sila ng pitong studio albums (“Ultraelectromagneticpop!”, “Circus”, “Cutterpillow”, “Fruitcake”, “Sticker Happy”, “Natin99”, “Carbon Stereoxide”) at ilan pang demos, compilations at live albums.
Sa lahat ng umusbong na banda nung 90s eh sila ang pinakasumikat. May ilan ngang nagsabi na sila ang nagpasimuno ng pagkabuwang ng mga Pinoy sa mga banda noong dekada nobenta. Halos lahat ng kanta nila eh tinangkilik ng masa. Sino nga bang tao ang hindi pamilyar sa bandang ito at sa mga awitin nila? May tao pa nga kayang hindi pamilyar sa Eraserheads? At tao pa nga ba sila? At bakit ang dami ko na namang katanungan?
Marahil hindi ko na iisa-isahin pa ‘yung mga kantang pinasikat nila dahil malamang hindi tayo matatapos sa dami. Pero alam n’yo ba kung ano ‘yung kanta nila na kauna-unahang tumatak sa isip ko? Ito ay ‘yung “Toyang” (“Bahay namin maliit lamang. Pero, pero, pero, pero, malinis ‘to pati sa kusina…”). May concert kasi noon ang The Levites sa eskwelahan namin (isang grupo o banda ng mga pari) at nanood kaming magkakaklase. Naalala ko, sa loob pa mismo ng simbahan naganap ‘yung concert na ‘yon. ‘Yung mga kaklase ko eh request nang request ng kanta na para bang close nila ‘yung mga pari. “Toyang naman, Toyang naman!”, paulit-ulit nilang sigaw. Pero hindi naman sila pinagbibigyan ng The Levites dahil malamang sa alamang eh hindi alam ng mga pari ‘yung “Toyang” na ‘yon at puro mga kantang bagay sa kanila ang kakantahin nila sa concert. At doon ko din nalaman na ‘yung “Toyang” pala eh kanta ng isang banda na tinatawag na Eraserheads. Nang una kong mapakinggan ang “Toyang” ay hindi ko kaagad nagustuhan, at ewan ko kung bakit.
Kalagitnaan naman ng dekada nobenta nang mapanood ko sa “Music Bureau”, isang musical show sa ABC 5 ang guesting ng Eraserheads. Inawit nila ang bago nilang single, ang “Ang Huling El Bimbo”. Kaso, hindi ko man lang naumpisahan ‘yung performance nila. Sayang, mukhang maganda pa naman ‘yung kanta, sabi ko sa sarili ko.
Pero dahil masuwerte akong bata, matapos ang performance nila sa Music Bureau ay halos araw-araw ko nang naririnig sa radyo (partikular na sa Kool 106) ang kantang ‘yon. Halos umusok na ang telepono ng Kool 106 dahil sa dami ng kanilang callers na nagre-request upang patugtugin ang “Ang Huling El Bimbo”. Kaya’t kumbaga sa chicks ay na-love at first sight ako sa napakagandang musikang ‘yan kaya’t simula noon ay naging avid fan na ako ng Eraserheads at lagi na akong nagpapabili ng cassette tapes nila. Yehey!
Naaalala ko pa noong habang nagpapatugtog ako sa bahay ng kanilang “Ultraelectromagneticpop!” na album at nakikisabay ako. Dumating sa kantang “Pare Ko” at sakto namang narinig ng nanay ko ‘yung mga pinagkakakanta ko (alam mo naman siguro ang lyrics ng “Pare Ko”, ‘di ba? Sangkatutak na ‘good words’ ang taglay nito). Ang resulta? Ka-boom! Pinagalitan ako. Mangiyak-ngiyak pa nga ako noon. Ewan ko pero simula noon, hindi na talaga ako nakikikanta sa kahit anong tugtugin kapag nasa harap ako ng mga magulang ko – kahit hanggang ngayon!
Kahit na matagal na silang nagdisband eh tuloy pa rin sa pagsuporta ang kanilang fans (s’yempre kabilang na ako). Hindi pa din maikakaila ang laki ng kontribusyon ng Eraserheads sa masang Pilipino noong dekada nobenta. Siguro, kung walang Eraserheads, hindi kumpleto ang dekada nobenta natin!

Grin Department
Ang Grin Department ay isang banda na nabuo noong taong 1995 at kinabibilangan nina Bong Pascasio, Jumong B., at Ylmaz Plazon. Nagkaroon sila ng anim na studio albums – “Hahehihohu”, “Melts In Your Mouth (Nut In Your Head)”, “Fuego”, “2nah Ahgen”, “The Best Of…”, at “Iputok Mo Sa Labas”. Okay, ilan pa lang sa mga titulo ng kanilang albums ay halata nang wholesome sila. Maski sa pangalan ng kanilang grupo, malalaman mo agad na isa silang banda na may kakaibang ‘kiliti’.
At dito nga nakilala ang Grin Department – sa mga awiting may double meaning. Sige at sabihin mo nga kung ano ang unang maiisip mo kapag nakarinig ka ng mga kantang may lyrics na tulad nito:
Hindi man ako talagang fan ng bandang ‘to, masasabi kong meron naman akong nagustuhang kanta nila. Ito ay ‘yung “Miss U” (“Miss, miss, sa loob ng jeepney, sana naman ako ay bigyang pansin…”) at ‘yung “Iskin” (“Bakit kailangan pang mangyari ang isang katulad nito? ‘Di ba’t ang sabi mo, ako lang ang true love mo, ‘yun pala ay hindi totoo… Long, alalalala-long, alalalala-long-long-li-long-long-long story…”). Ito madalas ‘yung pinapatugtog ng mga kaklase ko habang nakatutok sila sa sirang electric fan ng eskwelahan na sumabog pa isang araw dahil nag-over heat yata (walang kinalaman ang bentilador sa istorya, naalala ko lang bigla).
Wala na akong balita sa Grin Department. Hindi ko din alam kung buo pa ba ang bandang ito o buwag na din tulad ng ibang banda na sumikat noong dekada nobenta. Lagi mang may bahid ng kabastusan ang kanilang mga awitin, nararapat pa din silang isama sa listahan ng mga bandang Pinoy noong 90s dahil sila ang naglakas-loob na magbigay ng kakaibang anghang, kulay at kiliti sa mapiling panlasa ng mga rakistang Pinoy.

Yano
Nabuo ang folk/punk rock band na Yano noong taong 1993 at kinabibilangan nina Dong Abay, Eric Gancio, at Onie Badiang. Ang pangalan ng kanilang banda ay hango sa salitang ‘yano’ ng mga taga-katagalugan sa Quezon na ang ibig sabihin ay ‘simple’. Meron silang apat na studio albums – “Yano”, “Bawal”, “Tara”, at “Best Of Yano”. Sila ang kauna-unahang banda na nakatanggap ng “Best New Artist Award” katabla ang bandang “The Youth” sa NU Rock Awards noong taong 1994 (nakaka-miss ang NU huhu).
Alam mo ba kung ano ang pinaka-memorable sa bandang ito? Sige isipin mo kung ano, bukod pa s’yempre sa kalbo nilang bokalista na si Dong Abay. Naaalala mo pa ba ‘yung kinakanta n’yo ng mga kumpare mong bata dati habang naglalaro kayo sa lansangan? ‘Yun bang kanta na sa una ay akala mo’y religious song pero may patama pala tungkol sa pagkukunwari na sinundan pa ng tawa ng isang mangkukulam na waring nangungutya?
“Banal na aso! Santong kabayo! Natatawa ako, hihihihi! Sa ‘yo!…”. “Banal Na Aso, Santong Kabayo” ang titulo ng kantang ‘yan. At sila lang naman ang nagpasikat ng kantang ‘yan na sa palagay ko eh naging universal song na din ng mga batang 90s. Kapag nagkaka-asaran na ang mga magkakalaro eh kakantahan ng isa ang kalaro n’ya ng “Natatawa ako hihihihi! Sa ‘yo!”
Katulad ng Grin Department eh wala na din akong balita sa Yano o kay Dong Abay. Pero nakakabilib na dahil lang sa isang kanta ay namulat at naimpluwensiyahan ang mga kabataan sa kakaibang awitin ng bandang ito. Kung walang Yano, hindi mabubuhay ang banal na aso at santong kabayo. At kung walang banal na aso at santong kabayo sa mundo eh hindi kumpleto ang dekada nobenta ng mga rakistang Pinoy. Tunay nga namang mapapa-“hihihihi!” ka sa tumatak na awitin ng Yano!
(Anak ng baka, nakaka-tatlong banda pa lang ako pero sobrang haba na ng kuwento ko. Siguro eh hanggang dito na lang muna ‘to. Tsaka ko na lang ipagpapatuloy ‘yung iba at sobrang haba na, baka magalit na ‘yung 3,192,807,465 kong followers (s’yempre biro lang ‘yon). Abangan sa mga susunod na araw (baka bukas o kaya kung kailan ako sipagin) ang kuwento ko tungkol sa iba pang sumikat na banda noong 90s tulad ng Parokya Ni Edgar, Rivermaya at Teeth. Yehey!)
Kasalukuyan kong sinasagutan ang Eraserheads Ultimate Music Challenge na natagpuan ko sa blogspot ni No-Benta. Sinusubukan ko din ang aking sarili na hindi gumamit ng anumang kodigo sa pagsagot sa pagsubok na ito.
Kung nais mong sagutan din ang challenge na ito, i-download lang ang link na ito.

Fill Her - Eraserheads
You don’t need to live. It seems a bit naive. No need to disagree or seek my history. You’re staring at my soul. My sanity you stole. But then I knew all along that anything would go wrong. Though I can’t see you, I can feel you. I’m so glad you opened the door. And when I get near, all my fears disappear. And I won’t be alone anymore.
Sa tindahan ni Aling Nena:
“Hey, Jay”, wika ni Toyang.
“Flat tire mo?”, balik n’yang tanong.
Sagot naman niya, “no, actually, I am waiting for the bus, and waiting for Santa and Shirley, we’re having a trip to Jerusalem kasi”.
“But Santa ain’t comin’ no mo, ask pa naman sana kita for hitchin a ride with me, minsan na nga lang tayo magkita tapos suntok sa buwan na lang pala yung plano ko”, mabilis na sagot ni Jay.
“Yoko nga!”, biro ni Toyang.
“Ayan na ang kaliweteng si Shirley, nakita ko na yung shadow n’ya, dala n’ya ‘yung fruitcake at spoliarium wine.” habol nito.
“Hay… Sa wakas, nakarating din ako! Ang traffic kasi sa South Superhighway eh. Matitikman na natin itong mga dala ko!” paunang bigkas ni Shirley sa pag-uusap.
“Ahh… Ako pala’y may may maling akala, wari ko’y napaano ka na.” bigkas ni Toyang.
“Maligaya akong makitang walang nagbago sa ‘yo at nakita kitang muli pagkatapos ng mga light years, Jay. Kailan kaya tayo ulit magkikita?” ani ni Toyang, habang may patagong kilig na ngiti si Shirley.
“sana sa sembreak na para sa masayang kwetuhan pa natin!”, wika ni Jay.
“Sana nga! Ingat ka na lang, pare ko! ” paalam ni Toyang.
at naghiwalay silang dalawa, with a smile.
Isang araw, ako ay bumili sa tindahan ni Aling Nena ng fruitcake. Nang akin itong tikman, para akong nasa alapaap. Maya maya ay napadaan si Toyang na may suot na maskara at tinawag ako. “Hey, Jay! Sembreak na.” wika n’ya.
“Oo nga eh. Bibili ka ba sa pop machine sa may South Superhighway?” Tanong ko. “Oo, minsan lang naman ‘yun eh.” sagot naman n’ya.
“Napaka-bulakbol mo talaga.” sabi ko.
So ayun, while waiting for the bus, nagbabasa kami ng magasin at anong ligaya namin nang makita namin ang cover nito: Si Julie Tearjerky, nakatakip ang maselang bahaghari.
Habang nasa biyahe, s’ya ay may sinabi sa akin. “Pare ko, sana hindi pa ito ang huling el bimbo na tayo’y magkasama.”