Burlesk Bangus

Ito ang lugar kung saan ang lahat ng bagay na bumibisita sa aking kaisipan ay inilalapat sa pamamagitan ng pagsusulat.

Ako si Alden, mula sa siyudad ng Valenzuela. Paborito ko ang mga bandang Eraserheads, Franco, Pupil, Sugarfree, Taken By Cars, Typecast, Urbandub, at mga libro na tulad ng Kikomachine Komix, Pugad Baboy, Beerkada, mga libro nina Bob Ong. Eros S. Atalia, Haruki Murakami, Paulo Coelho, Dan Brown, at marami pang iba. Mahilig ako sa cheeseburger, pizza, shawarma, chocolate at iced coffee.

Ikinagagalak kitang makilala. Bisitahin mo ako dito:

HOME | FACEBOOK | TWITTER | GOODREADS | BLOGSPOT | TUMBLR ASK | SUBMIT

Magbasa. Matuto. Maglibang.

| balik tanaw | books | conversations | GPOYW | kawirduhan facts noong bata pa ako | random facts about me | random photos | random thoughts | relevant lines | soundtrip muna tayo | thinking aloud | typographies |

Read the Printed Word!

Free Hit Counter

MBA Bloopers

Bill Velasco: Ira Panganiban is at the bench of the beleaguered Cagayan de Oro Nuggets. Ira, what's going on there?
Ira Panganiban: One word. And only one word: aggressive defense...
Bill Velasco: Thank you very much for making "aggressive defense" one word.

Pinoy Central TV (PCTV) Chatroom: 2001-2005

(Paunawa: Ang post na ito ay puno ng aking personal na “kajejehan”.)

Nitong mga nakaraang linggo, napag-usapan namin ni Rei sa Plurk ang tungkol sa PinoyCentral TV Chatroom (PCTV Chatroom). Ang PCTV ay isang cable channel na pag-aari ng ABS-CBN at tumagal sa ere magmula taong 2001 hanggang 2005. Isa itong paraan ng pagchachat na imbis na internet at computer ang kaharap mo ay cellphone (na may load syempre) at cable TV ang kakailanganin. Noon namin nalaman na pareho pala kaming PCTV chatter. Medyo hindi nga lang kami aware noon dahil siguro, mas nauna siyang magregister sa PCTV kesa sa akin at medyo hindi naman talaga kasi ako masyadong aktibo kung makipagchat dito.

Kung tutuusin, hindi sinasadya ang pagkakadiskubre ko sa PCTV. Taong 2003 ‘yon. Pag-uwi ko ng bahay galing sa eskwela, nanood ako ng cable. Palipat-lipat. Hanap ng magandang palabas. Hanggang sa mapadpad ako sa channel na above 50 na. Dito madalas ‘yung cable channel na puro programa na ng iba’t ibang nasyon ang mapapanood tulad ng Koreano (Arirang), Bumbay, Hapon (WOWOW! Ang bold ng mga Hapon!), at ilang local channels mula sa ating bansa. Aksidente kong napindot ang remote sa PCTV. Ang una ko talagang napansin dito ay ang kanilang music videos. Dahil bukod sa basketball ay MTV ang bukod tanging pinapanood ko noon, naengganyo akong tumutok sa PCTV.

Lumipas pa ang ilang linggo ng pagtutok bago ko napansin ang chatroom sa gilid ng music videos sa PCTV (makikita sa ikalawang larawan ang isang halimbawa ng typical PCTV screen). Natuwa rin akong magbasa ng mga mensahe ng chatters doon. May mga nagkakamustahan, may mga nakikipag-away, may mga nagpapaskil ng cellphone numbers at naghahanap ng textmates, may mga naglalandian, at kung anu-ano pa. Tipikal na chatroom, ika nga. Pero sa totoo lang, hindi pa ako aware na ‘yun pala ang chatroom. Medyo late ko nang nadiskubre ang Yahoo! Messenger at Chatroom nito. At sa madalas kong pagbabasa ng mga mensahe sa PCTV, naengganyo tuloy akong mag-register sa chatroom na ito. Tinipa ang CREG <space> <*chat nickname ko na nakalimutan ko na dahil isang araw ko lang ginamit*> at sinend sa pamosong 2366. At voila! Pwede na akong makipagchat gamit ang cellphone.

Ang punto ko siguro ng pagsali sa PCTV Chatroom noon bukod pa sa pagbabasa ng mga mensahe ay para makita ang text message ko sa TV screen. Bata pa lang ako noon at masaya na ako sa mga simpleng bagay na tulad nito. Medyo hindi pa nga ako masyadong naadik sa pagchachat noon sa PCTV. Minsan, ayos na sa akin ang magsend ng isa o dalawang text message sa isang araw (sayang din ang ₱2.50 ko!). Tapos halos wala akong ka-chat doon. May sariling mundo ako kumbaga. Kung mag-text man, simpleng “hello” at “bye” lang, makita ko lang ‘yung chatnick ko sa TV screen. Kaya patunay lang ito na noon pa man ay medyo may pagka-introvert na ako (ano daw?).

Hindi ko talaga alam kung bakit masasabi kong naadik ako noon sa PCTV. Siguro dahil sa music videos. Pwede rin dahil sa interface nito. O kaya’y mga side events tulad ng promos at games. O kaya’y pakikipag-sosyalan sa mga kapwa ko chatters. Pero ilan sa mga naaalala ko sa PCTV Chatroom ay ang mga sumusunod:

Sa kasamaang palad, naglaho nang parang bula sa cable TV ang PCTV Chatroom dito sa may Camanava area simula taong 2004. Pinalitan ito ng Camanava TV o CVA. Simpleng text chatroom lang ang CVA. May music videos sa kaliwa, may chat box sa kanan. Tatlo lang ang kulay ng chat message na pwede dito — red, blue at green. Pero ang maganda dito, merong animated emoticons na pagpipilian kaya cute kapag nagchat ka. Nang maglaho din ang CVA, kasabay nito ang pag-usbong naman ng Friendster.

Kasabayan ng PCTV noon ang iba pang text chatrooms tulad ng Cyber Myx, Link TV at Txtube ng GMA 7 (makikita sa ika-apat na larawan). Masasabi kong ang PCTV ang nagbukas ng mga pintuan para sa akin sa mga social networking oink-oink. Nang malaos kasi ang PCTV at CVA (mga mid-2004 ata ‘yon, hindi na rin ako nagchachat noon), nauso naman ang Friendster. Pagkatapos, nauso ang Facebook, Plurk, at kung anu-ano pa. At nito ngang mga huling buwan ng 2009, nadiskubre ko naman ang Tumblr. Kaya maaaring sabihing utang ko sa PCTV ang lahat ng pakikipagsosyalang alam ko gamit ang teknolohiya (kahit na may pagka-antisocial ako).

Lahat naman siguro tayo eh dumaan sa tinatawag na “Jejemon Stage” at maaaring hindi tayo aware noon. Hindi man ako ~*nA6t3+eXt n6 g4n1t0h fph0UxSz*~ noon at hindi man ako ganoong ka-aktibo sa text chatroom, sa pagsali ko pa lang sa PCTV ay masasabi kong minsan sa buhay ko ay nagpakajologs rin ako kahit paano.

(Naisip ko lang, meron kaya ditong PCTV chatter din? Sa palagay ko, wala dahil walang makakarelate sa kwento ko ngayon. Bwahaha.)

YM Emongoloid

Rmaee: Ba't pa ako iiyak? Sayang lang luha ko para sa mga taong di pinalagahan pagmamahal ko. May darating naman dyan. Sa tamang panahon at lugar.
Memorykill: Ngayon nakakangiti ako. Pero pustahan mamaya pagtulog ko, puta ayoko nang magkaroon ng mata LOL
Reiunwanted: I'm dying inside XD

Si inay at si P-Noy.

(Nanonood si inay kani-kanina lang ng isang palabas sa PTV Channel 4 tungkol sa anniversary yata 'yun ng People Power.)
Pres. Noynoy Aquino: (nagtatalumpati at may sinasabi tungkol sa impeachment ni CJ Corona)
Inay: Hoy! Abnoy! Tungkol sa EDSA 'yan, hindi sa impeachment! Gagong 'to o, abnoy!
Ako: oo nga, 'no? Bakit tungkol kay Corona 'yang sinasabi n'ya?
Inay: Abnoy kasi eh! Abnoy!
Ako: Si Gibo ang binoto natin eh, 'no?
Inay: Oo. Gago kasi 'tong abnoy na 'to eh!
Ako: Tatakbo yata si Kris sa susunod na eleksyon eh?
Inay: Hindi ko s'ya iboboto! Kiki s'ya!
Pres. Noynoy Aquino: (nagsasalita pa rin tungkol kay CJ Corona)
Inay: Hoy tama na! Abnoy kang titi ka!
Ako: XD

Random Fact: Mas naipapahayag ko ang gusto kong sabihin kapag sinusulat o tinatype ko ito.

Kaya kapag may nakakausap ako sa text o chat o kahit saan sa internet eh mapapansing ang haba kong magreply. Kahit naman kapag nagbo-blog ako, ang haba-haba kong magkuwento, kahit na ‘yung iba eh parang wala namang patutunguhan.

Kaso, baliktad naman ang sitwasyon ko sa tunay na buhay. Hindi ko masyadong maipahayag ang sarili ko kapag ganoon. Sa katunayan, hindi mo ako mapagsasalita hangga’t hindi mo ako kinakausap. Hindi kasi ako approachable. Kung sa internet world eh para akong memory card, sa tunay na buhay eh para lang akong posteng dinadaan-daanan. Hay nako. Kaya tuloy walang magkagusto sa akin eh. Natural, sino nga ba naman ang magkakagusto sa mabait na pangit at tatanga-tangang hindi approachable, ‘di ba? Emongoloid 2011.

Maski itong random fact na ito, parang walang patutunguhan. Pati ang nananahimik na memory card at poste eh dinamay ko. Putaragis. Ito siguro ‘yung epekto ng pagkaka-miss ko sa iyo.

Punyemas. Ang daldal ko na.

Random Fact: Kapag meron akong madalas na ka-text o ka-chat, madalas akong mahawa sa paraan ng pagte-text o pagcha-chat ng taong ‘yon.

Madalas akong ganyan. ‘Yun bang halimbawa mo, kapag ‘yung kausap ko sa text o sa chat eh madalas magsabi ng ‘hahahaha’, mag-emoticon ng ‘:p’, o kaya magbanggit ng ‘sorry’, eh napapa-‘hahahaha’, ‘:p’, at ‘sorry’ din ako kapag s’ya ‘yung ka-text o ka-chat ko.

Sigurado akong kayo din eh ganito minsan. Hehehe! Wala lang.

Nakakatuwang isipin na sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan namin noon eh nananatili pa rin kaming matalik na magkaibigan hanggang ngayon. Nagkakamustahan, nagkukuwentuhan, at nagpapayuhan kami sa isa&#8217;t isa na parang walang nangyari sa amin. Minahal namin ang isa&#8217;t isa noon, parehong nasaktan, at ngayon kami ay kapwa naka-move on na. Wow, ang landi. Hehehe.

Nakakatuwang isipin na sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan namin noon eh nananatili pa rin kaming matalik na magkaibigan hanggang ngayon. Nagkakamustahan, nagkukuwentuhan, at nagpapayuhan kami sa isa’t isa na parang walang nangyari sa amin. Minahal namin ang isa’t isa noon, parehong nasaktan, at ngayon kami ay kapwa naka-move on na. Wow, ang landi. Hehehe.

Kinilig ang tuhod ko.

Habang tinitingnan ko 'yung mga litrato sa photo album ni ****** ****** ******* sa kanyang Facebook...
Ako: (s'yempre, concentrated ako sa ginagawa kong pagtitig. Hehehe)
Inay: (Biglang lumabas galing sa kuwarto) Sino 'yan?
Ako: (Nagulat ako, napalipat ako sa ibang tab, speechless hehehe)
Inay: Sino 'yun? Patingin?
Ako: Ha? Sino? Eto? (ang ipinakita ko eh 'yung tab para sa Goodreads)
Inay: Hindi, 'yung isa (sabay turo sa tab ng Facebook)
Ako: (Pinakita ko pero hindi ako nagsasalita)
Inay: Ganda ah!
Ako: =D
Ako: O sige na, 'my pumasok ka na sa loob. Ehehehehe!
Inay: (Naka-smile kahit walang pustiso kaya cute. Hahaha)

Si Inay at si Andi Eigenmann

Habang commercial break sa pinapanood ni inay na "Babaeng Hampaslupa" sa TV 5, nilipat n'ya muna sandali ang TV sa "Minsan Lang Kita Iibigin" sa ABS CBN. May eksena doon si Coco Martin at si Andi Eigenmann.
Inay: Oh, si buntis.
Ako: Hahaha! Si Agua Bendita nabuntis. Sino ba ang ama n'yan?
Inay: Ewan ko. Ano kaya ang anak n'yan, babae o lalake?
Ako: (nag-isip ng kaunti) Ewan ko baka tubig lang ang laman ng tiyan n'ya.

Si inay at ang dalagang si Kris Aquino

Habang palipat-lipat sa TV kanina, nakita namin ni inay sa Studio 23 ang lumang pelikulang "Elsa Castillo Story, Ang Katotohanan". May dialogue sa isang eksena sa swimming pool si Kris Aquino at si Miguel Rodriguez.
Kris Aquino: (Lumapit ay Miguel Rodriguez) Ben... Kung susugal ka, itataya mo ba ang lahat?
Inay: Kike, hindi ka marunong umarte!
Kris Aquino: <*dialogues*>
Inay: (nakasimangot) Suuus... Kike. Ek-ek!

Si itay at ang Franco.

(Kanina habang nagpe-perform ang bandang Franco sa MYX Mo! 2010...)
Itay: Ano'ng pangalan ng bandang 'yan?
Ako: Franco.
Itay: Aba, maraming alam na banda itong si kuya, ah.
(Biglang pinakita 'yung balbasaradong vocalist na si Franco Reyes)
Itay: Ano ba 'yang mga 'yan, mga Arabyano?
Ako: (LOL) Mga Pinoy 'yan! XD
Page 1 of 8
Alternative Theme by maggie. Powered by Tumblr.