Bob Ong books, Franz Kafka style
(background images from Google)
Ako si Alden, mula sa siyudad ng Valenzuela. Paborito ko ang mga bandang Eraserheads, Franco, Pupil, Sugarfree, Taken By Cars, Typecast, Urbandub, at mga libro na tulad ng Kikomachine Komix, Pugad Baboy, Beerkada, mga libro nina Bob Ong. Eros S. Atalia, Haruki Murakami, Paulo Coelho, Dan Brown, at marami pang iba. Mahilig ako sa cheeseburger, pizza, shawarma, chocolate at iced coffee.

Bob Ong books, Haruki Murakami (Vintage UK) style
Dan Brown books
Bob Ong books, Nicholas Sparks style
LOL. Wala akong magawa. Tapos natuwa pa ako sa dinownload kong fonts kaya tinesting ko. Hindi talaga s’ya halatang kahawig ng libro ni Nicholas Sparks tsaka walang koneksyon sa libro ‘yung background. Natuwa lang ako sa iba’t ibang kulay ng nature na nahagilap ko sa Google Images. Toinks!
Bookfession No. 657: “When I get home from the mall, I hide the books I just bought from my parents as if they were porn because my parents are convinced I don’t need more books.”
Random Fact: Tinatago ko sa kasuluk-sulukang bahagi ng aparador ko ‘yung mga librong binibili ko. Excited na akong basahin sila. Toinks. Tsaka ko na lang sila inilalagay sa bookshelf kapag natapos ko nang basahin. Wala, trip ko lang ‘yung ganoong sistema. Tsaka trip ko lang din ilagay ‘yung bookfession chuchu na ‘yan sa simula kasi parang ganyan ako. Hahaha! K
Makikita nga pala sa litrato ang ilang librong nakatago sa aparador ko. In-edit ko ‘yan dahil madilim ang pagkakakuha ko tsaka kaya ganyan ang pagkaka-edit para mysterious at artistic kuno. LOL
❝ Love and passion are well and good while they last, but in the end what matter is whether you like the person you are with. Friendship and companionship matter more. They are the things that last. And if in the end we learn to be friends, I will be content. ❞
Enrique (The Last Time I Saw Mother)
December 22, 2011. Sinipag akong mag-general cleaning ng aking kwarto. Huli ko itong nalinis noon pang August 2011. O ‘di ba ang tagal ng pagitan? So malamang ang susunod kong general cleaning nito eh mga bandang July pa. Hanep!
Isa sa pinakapaborito kong parte sa paglilinis ng kwarto ko ay ang pag-aayos ko ng aking bookshelf. Kung tutuusin, dito na din ako halos nagtatagal. Hindi dahil sa sobrang alikabok (araw-araw ko pa ngang pinupunasan ‘yung shelf ko) kundi dahil sa nauuwi ako lagi sa pagbabasa at pag-iiscan ng mga lumang libro. Pagbabalik-tanaw na din yatang maitatawag ‘yon. At kapag ginagawa ko ‘yon sa mga luma kong libro, pakiramdam ko, isa akong tatay na binibisita ang kanyang mga anak (naks OA). Tapos natutuwa din ako kapag nakikita ko ‘yung mga libro kong ganyan, sama-sama silang nakahilera at patung-patong.
Paalam, mga anak. Ibinalik ko na kayo ulit sa bookshelf n’yo. Hanggang sa muli nating pagkikita. (probably this July. LOL)
@_@
Sa wakas at naibalik na sa akin ‘yung ABNKKBSNPLAKo?! at Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan. Kumpleto na ulit silang siyam kaya picture-picture na! LOL
Haruki Murakami