Burlesk Bangus

Ito ang lugar kung saan ang lahat ng bagay na bumibisita sa aking kaisipan ay inilalapat sa pamamagitan ng pagsusulat.

Ako si Alden, mula sa siyudad ng Valenzuela. Paborito ko ang mga bandang Eraserheads, Franco, Pupil, Sugarfree, Taken By Cars, Typecast, Urbandub, at mga libro na tulad ng Kikomachine Komix, Pugad Baboy, Beerkada, mga libro nina Bob Ong. Eros S. Atalia, Haruki Murakami, Paulo Coelho, Dan Brown, at marami pang iba. Mahilig ako sa cheeseburger, pizza, shawarma, chocolate at iced coffee.

Ikinagagalak kitang makilala. Bisitahin mo ako dito:

HOME | FACEBOOK | TWITTER | GOODREADS | BLOGSPOT | TUMBLR ASK | SUBMIT

Magbasa. Matuto. Maglibang.

| balik tanaw | books | conversations | GPOYW | kawirduhan facts noong bata pa ako | random facts about me | random photos | random thoughts | relevant lines | soundtrip muna tayo | thinking aloud | typographies |

Read the Printed Word!

Free Hit Counter

You are what you bookmark. LOL

MBA Bloopers

Bill Velasco: Ira Panganiban is at the bench of the beleaguered Cagayan de Oro Nuggets. Ira, what's going on there?
Ira Panganiban: One word. And only one word: aggressive defense...
Bill Velasco: Thank you very much for making "aggressive defense" one word.

Kwentong Buhok

Naaalala ko ‘yung mga panahong araw-araw akong naglalagay ng gel sa buhok ko. High School pa ako noon. Gusto ko kasing patayuin ‘yung buhok ko noon dahil sawa na ako sa Keempee de Leon hairstyle kaya kahit wala akong pasok sa eskwela eh laging nangingintab sa dami ng gel ang buhok ko tuwing pagkatapos kong maligo. Ayos naman ang resulta. Nai-spike ko ‘yung buhok ko noon hanggang pumasok ako sa kolehiyo. At matagal na panahon ding nanatiling tayu-tayo ang buhok ko. Dumating pa nga noon sa puntong hindi ko na mai-flat o mai-bagsak ‘yung buhok ko dahil nasanay na itong nakatayo.

Sa ngayon, may sinusunod akong pamantayan hinggil sa hairstyle ng aking buhok (Hairstyle na, buhok pa, saan ka pa?!): Kapag maikli ang buhok ko, tayu-tayo ang style na ginagawa ko. Kapag medyo may kahabaan na, bao look (nakababa ‘yung bangs) o Jose Rizal look (‘yung sa gilid ang hati). Kaso sa haba ng intervals ko sa pagpapagupit (dalawang buwan muna ako nagpapahaba ng buhok bago magpagupit) at dahil na rin mabilis humaba ang dyaskeng buhok na ito, madalas eh Jose Rizal na ngayon ang buhok ko, kahit na nagsasawa na ako sa style na ‘yon. Gusto ko kasi ngayon, kahit mahaba ang buhok ko eh tayu-tayo pa rin ito. Yun bang tipong kahit wala akong nilalagay na wax o gel (hindi ako nagke-clay dahil ewan, ‘di ko lang talaga trip) eh tatayo pa rin ang buhok ko.

Kaso, ewan ko ba sa buhok na ito. Nasanay na yata sa Jose Rizal look kaya kahit lagyan ko ng super duper strong na wax eh walang talab sa buhok ko — bumabagsak lagi. Kaya ngayon, maikli man o mahaba ang buhok ko, kailangan ko pang itali ito lalo na sa tuktok (gusto ko kasi ‘yung mala-aquatic na hairstyle. Yun bang parang hawig sa mohawk. LOL) para lang tumayo. At ewan ko kung epektibo ba ang pinaggagawa kong pagtali sa buhok ko. Parang hindi naman. Bumabagsak pa rin kasi siya. Ang sakit sa bangs!

(Ang mga litrato nga pala ay kinunan noong Marso pa, bago ako magpagupit.)

“Nakakabulaga naman! Female TV Host, nagpa-checkup dahil masakit daw ang lalamunan, puno pala ng sperm”
Gusto kong malaman kung sino ang tinutukoy dito dahil interesante ang isang ito. Hmm… Sino kaya itong nasa blind item ng Bulgar Tabloid na ‘di umano’y puno ng sperm o tamod ang lalamunan? Halina at mag-imbestiga tayo (katuwaan lang po).
“Nakakabulaga naman!”. Yan pa lang, matinding clue na. Nakakabulaga. Posibleng host siya ng Eat Bulaga dahil wala namang ibang programa ngayon na may salitang ‘bulaga’ sa titulo kundi ang Eat Bulaga lang.
Female TV Host. Isa pang matinding clue. Alisin na natin ang mga lalake at bakla sa programa. Sinu-sino ba ang mga babaeng host ng Eat Bulaga? Nandiyan sina Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Pauleen Luna, Daiana Menezes, Julia Clarete, Toni Rose Gayda, Isabelle Daza at ang EB Babes.
Female TV Host. Wala nang iba. Hindi sinabing “actress-TV host”, “singer-TV host”, “dancer-TV host” at iba pa. Sinu-sino nga ba ang mga actresses sa listahan? Ang alam ko, lumabas si Pauleen Luna sa teleserye ng GMA. Si Julia Clarete naman, umakting din ‘yan noong nasa ABS-CBN pa. Ito ring si Daiana Menezes eh nagkaroon ng sitcom with Vic Sotto na “My Darling Aswang” sa TV 5. Si Isabelle Daza naman, lumabas sa Futbolilits (ayon kay Wikipedia). Eh sinu-sino naman ang mga kumakanta sa listahan? Isama ulit natin si Julia Clarete dahil sa pagkakaalam ko, nagka-album ‘yan (ewan ko kung bumenta). Sinu-sino naman ang mga mananayaw sa listahan? Nariyan ang buong pulutong ng EB Babes. Pwede rin si Daiana Menezes.
Ang natitira sa listahan: Pia Guanio, Ruby Rodriguez at Toni Rose Gayda. Tatlo ang natirang suspek. One, two, three, go! Pili na kayo…!

(Sa mga fans ng Eat Bulaga at ng mga nabanggit na artista, huwag po kayong magagalit. Napagkatuwaan ko lamang po sila. Hindi naman kaila sa blog ko na isa rin akong fan ng nangungunang noontime show sa buong Pilipinas (http://memorykill.tumblr.com/tagged/eat%20bulaga). Napag-tripan ko lang talaga ‘yung dyaskeng diyaryong nakakalat dito sa aming bahay. Peace tayong lahat!)

“Nakakabulaga naman! Female TV Host, nagpa-checkup dahil masakit daw ang lalamunan, puno pala ng sperm”

Gusto kong malaman kung sino ang tinutukoy dito dahil interesante ang isang ito. Hmm… Sino kaya itong nasa blind item ng Bulgar Tabloid na ‘di umano’y puno ng sperm o tamod ang lalamunan? Halina at mag-imbestiga tayo (katuwaan lang po).

(Sa mga fans ng Eat Bulaga at ng mga nabanggit na artista, huwag po kayong magagalit. Napagkatuwaan ko lamang po sila. Hindi naman kaila sa blog ko na isa rin akong fan ng nangungunang noontime show sa buong Pilipinas (http://memorykill.tumblr.com/tagged/eat%20bulaga). Napag-tripan ko lang talaga ‘yung dyaskeng diyaryong nakakalat dito sa aming bahay. Peace tayong lahat!)

GPOYW: Noon at Ngayon Part 9 (Teddy Bear *~edition~*)
History: Ang Teddy Bear na ito ay regalo sa akin ni “Santa Claus” noong limang taong gulang pa lang ako. Sabi ng tatay ko, hindi ko daw maibigkas nang tama ang ‘bear’ noon kaya pinangalanan namin siyang Teddy Bo. And we live happily ever after. ‘De, joke lang.
Teddy Bo Noon: Syempre bago kaya maputi pa, tulad ng nasa larawan. Tipong bagong ligo ang datingan. Mukhang sagana pa sa extra rice dahil bilog na bilog. Astig pa ‘yan dahil tumutunog ‘yung kaliwang kamay niya kapag pinindot mo. Kahawig na tunog niya ‘yung tunog ng maiingay na sapatos ng mga sanggol. Pero ang naaalala ko, hindi ko talaga hiniling kay “Santa Claus” ang isang Teddy Bear. Basta na lang silang ibinigay sa akin, kasama ng tatlo pang teddy bear ko na puro pinaglumaan ng tita ko noon at ewan ko kung bakit tinanggap ko naman. Tapos mukhang enjoy pa ako dahil nakangiti ako sa putol na picture (oo ako ‘yan noong five years old).
Teddy Bo Ngayon: ** years later, nasa kanang litrato na ang itsura niya. Ang naaalala ko, halos hindi uso sa amin ang labhan ‘yan. Siguro nilabhan namin pero dalawa o tatlong beses lang, kaya ayan, nagmukha siyang magnet dahil sa dami ng duming nakakapit. At sa loob ng mahabang panahon, doon lang siya nanatili sa aming bodega. Medyo nakakaawa siya sa picture. Para talaga siyang tao at kumuba pa. Kung dati eh mukhang prinsipe si Teddy Bo, ngayon eh naging pulubi. Noong nakaraang buwan, habang naglilinis ay tinanong ko ang nanay ko kung kasama ba sa mga ipamimigay namin sa garage sale ng tita ko si Teddy Bo. Sabi niya, hindi dahil kawawa naman daw. Sayang dahil ang tagal-tagal na niya sa amin tapos ipamimigay lang. Okay, ako na ang walang puso. :(
Click this link for more of my “Noon at Ngayon” photos. Bwahaha

When you see it, you’ll shit bricks.
(Click here to watch the video)

When you see it, you’ll shit bricks.

(Click here to watch the video)

3=~7)|#\}’^{>;.$!*7<%)”[

Sa tinatagal-tagal ng panahong nabubuhay ako sa mundong ito, ngayon lang ulit ako nagising ng ganito kaaga. Teka, mali pala… Hindi naman kasi ako natulog ngayon. Dahil medyo hapon na rin ako nagising kanina (kahapon na ‘yon!), hindi ako dinalaw ng antok. Nagbasa-basa lang ako ng libro, ng kung kani-kaninong blogs, nanood ng kung anu-ano sa YouTube (s’yempre kasama na ang Porn), nakipagdaldalan sa Plurk at kung anu-ano pa. Sarap pumatay ng oras. Kaso lintik na PC ‘to, tatlong beses nag-automatic shut down! Hindi ko tuloy nagawa ‘yung book review ko tungkol sa Kafka on the Shore. Bukas ko na lang ipagpapatuloy ‘yon, o kung kailan ako sipagin magsulat.

At para naman magkaroon ako ng espirituwal na aura (naks ano daw?), naisip kong magsimba ng alas sais ng umaga. Sa totoo lang, ngayon lang ulit ako makakapagsimba ng ganito kaaga. Siguro eh high school pa ako nang huli akong magsimba ng alas singko o alas sais ng umaga. At sapilitan pa ‘yon dahil sakristan ako noong high school. So ‘yung huling beses ng boluntaryo kong pagsisimba ng ganito kaaga eh hindi ko na talaga maalala kung kailan. Sanggol pa siguro ako noon. Ewan ko. Minsan lang naman kasi ito at nasimulan ko nang hindi matulog kaya seize the moment na. LOL

Kaso, ilang beses na rin akong humihikab ngayon. Mabuti na lang at nalabanan ko ang antok ko. Dumating na ang antok ko kaso ngayong alas kwatro na, kung kailan malapit na akong maligo at magbihis para magsimba. Iinom sana ako ng kape pang-alis ng antok kaso bwisit! Ubos na pala ang kape namin! (Na ako din ang nakaubos. Hihi)

Sarap palang magliwaliw sa internet kapag ganitong oras. Tahimik at maaliwalas ang lahat ng nakikita mo sa screen.

Araw ngayon ng Palaspas. Kung gusto ninyong makatanggap ng magandang biyaya, start your day by hearing the Holy Mass. Tara, simba tayo! :D

Ang gulo pala ng kwento ko. Halatang inaantok na ako. Pag-uwing pag-uwi ko, matutulog agad ako.

Gusto kong malaman kung sino ang mga gising na o ang mga hindi pa natutulog sa ganitong oras. Online Check? :”> LULS

Currently watching “Oh! Tokyo” episodes on YouTube

Ewan ko kung may nakakaalam sa inyo ng travel show na ito. Isa itong programa sa cable noong early 2000 hosted by kung sinu-sinong mga Pilipinang may dugong Hapon o ‘Japinay’, pero isa lang ‘yung naaalala kong host at ‘yon ay ang kengkoy at may pagka-slapstick na si Eleanor Nishiumi. Sa programang ito mapapanood ang pamamasyal ng host sa iba’t ibang attractions at favorite places sa siyudad ng Tokyo, Japan. Sadyang ginawa ang Oh! Tokyo para sa mga kababayan nating Pilipino dahil Tagalog ang lengguwahe ng hosts nito (liban na lang kung makikipag-usap sila sa mga Hapones. Alangan namang mag-Bisaya sila).

Lagi ko itong pinapanood sa cable dati. Naaalala ko, channel 50 pa nga ‘yung programang ito—WINS—isang channel na puro tungkol sa Japan ang mapapanood hosted by Filipinos. At speaking of Eleanor Nishiumi, nai-feature pala ang kanyang talambuhay noon sa MMK portrayed by Toni Gonzaga. Sabagay, sa unang tingin eh may kaunting resemblance nga naman si Eleanor at si Toni (mas malaki lang ang mata ni Eleanor).

Kung trip mo ding manood ng ilang episodes, bisitahin ang links sa ibaba (kung trip mo lang naman):

Page 1 of 37
Alternative Theme by maggie. Powered by Tumblr.