February 2012
4 tags
Good evening! Wala nga pala akong balik-tanaw post ngayon dahil tinatamad akong magkwento. Ewan ko kung kailan ako ulit sisipagin. Sana sa susunod na Sabado, magbalik na ang dati kong kadaldalan sa blog kong ito. Hehehehe!
Tara, kain na lang tayo ng maruya at pizza.
2 tags
We haven’t seen each other for a while. We’re two ships passing in the night. The gulf between us seems a thousand miles wide. It took a long time since I’ve heard your voice. I’ve only had it in my dreams. To live like this could never be by choice, so why don’t we make this better? Loving you then, loving you now. Nothing has changed so let’s make a vow.
...
8 tags
21 tags
5 tags
8 tags
Hi! Hindi maganda ang takbo ng internet connection ko simula pa noong Lunes. Okay lang naman dahil medyo tinatamad akong mag-online ngayong mga araw na ito. Wala rin kasing magawa at nauubos lang ang oras ko sa kung anu-anong bagay na wala namang katuturan. Mabuti pa, magbabasa na lang ako ulit ng Blind Willow Sleeping Woman ni Haruki Murakami. Kahapon ko lang ‘to nasimulan pero...
6 tags
Nagluto din ba kayo noon ng iba't ibang putahe sa...
Masarap magluto. Mas masarap kumain. Pinakamasarap kung marunong kang magluto ng gusto mong kainin. May mga taong nasasarapan sa sarili n’yang luto. May mga taong kuntento nang pinagsisilbihan ang mga mahal n’ya sa buhay ng kanyang pinagpagurang putahe. May masarap kumain. May masarap kasabay habang kumakain. Meron ding nagluluto sa loob o labas ng bahay, sa garden, sa parke, sa mall, at...
5 tags
12 tags
6 tags
13 tags
9 tags
Si inay at si P-Noy.
(Nanonood si inay kani-kanina lang ng isang palabas sa PTV Channel 4 tungkol sa anniversary yata 'yun ng People Power.)
Pres. Noynoy Aquino: (nagtatalumpati at may sinasabi tungkol sa impeachment ni CJ Corona)
Inay: Hoy! Abnoy! Tungkol sa EDSA 'yan, hindi sa impeachment! Gagong 'to o, abnoy!
Ako: oo nga, 'no? Bakit tungkol kay Corona 'yang sinasabi n'ya?
Inay: Abnoy kasi eh! Abnoy!
Ako: Si Gibo ang binoto natin eh, 'no?
Inay: Oo. Gago kasi 'tong abnoy na 'to eh!
Ako: Tatakbo yata si Kris sa susunod na eleksyon eh?
Inay: Hindi ko s'ya iboboto! Kiki s'ya!
Pres. Noynoy Aquino: (nagsasalita pa rin tungkol kay CJ Corona)
Inay: Hoy tama na! Abnoy kang titi ka!
Ako: XD
16 tags
10 tags
8 tags
9 tags
10 tags
Naging parte ka ba noon ng malawakang halikan sa...
Huwag mong sabihing hindi mo naaalala ‘to dahil kailan lang ito nangyari. Matatanggap ko pa kung isa kang apat na taong gulang pa lamang na nilalang dahil hindi mo talaga maaabutan ‘to, o kung naabutan mo man eh marahil hindi pa hinog ang pag-iisip mo tungkol sa mga ganitong klase ng pagpapahayag ng nararamdaman.
Lovapalooza ang tawag dito. Isa itong pagdiriwang kung saan nagkakaroon ng...
5 tags
3 tags
Take me as I am. Put your hand in mine, now and forever. Here I stand before you now. Deep inside I always knew that it was you. You and me. Two hearts drawn together, bound by destiny. It was you and you for me. Every road leads to your door, every step I take forever more.
Take me as I am. Put your heart in mine. Stay with me forever because I am just a man who never understood. I never had a...
15 tags
10 tags
Iningatan mo ba ang iyong katawan noon habang...
(Sa totoo lang, nakagawa na ako ng kuwento tungkol dito noong taong 2010. Medyo bagu-bago pa lamang ako dito sa Tumblr noong mga panahong ‘yon. Kaso, isa o dalawang paragraph lang ‘yon, kaya ini-revise ko ngayon. Gagawin kong mas detalyado ang istorya, as always. Welcome to the world of blogging, Memorykill style. <*ngisi!*>)
Ang Palibhasa Lalake ay isang sikat na sitcom na ipinalabas...
8 tags
7 tags
6 tags
11 tags
5 tags
7 tags
Nagkaroon ka rin ba ng ganitong ka-astig na Game...
Paminsan-minsan ay nasisiyahan ako kapag Physical Education (PE) namin lalo na noong nasa mga unang baitang ako sa elementarya. Hindi ito dahil gusto kong magpakapagod sa kakatakbo at magpatagaktak ng pawis sa paglalaro ng basketball at volleyball. Minsan kasi, pinagdadala ng butihing guro ang mga estudyante ng kanya-kanyang laruan. Marahil naranasan n’yo na rin ‘to noon. Ang saya lang, ‘di ba?...
4 tags
Sadya ba talagang ganyan? Palakad-lakad ka’t nakatungo? Saan patungo? Ngayong wala ka na, kailangang masanay na muling nag-iisa. Saan ka na kaya? Huwag mo akong sisihin kung minsan ika’y hanapin. Ito ang unang araw na wala ka na.
Nasanay lang sigurong nand’yan ka. Hindi ko inakalang puwede kang mawala. Ayan na nga. Nababato, nalulungkot. Luha’y napapawi ng singhot at...
6 tags
7 tags
6 tags
15 tags
Ano ang paborito mong laruan noon na gawa sa...
Nagpauto na tayo sa kusang pagpanhik-panaog ng Magic Spring. Naaliw na din tayo sa pakikinig sa mala-halimaw na ungol ng Groan Tube. Pinabilib din tayo ng kamangha-manghang pagbalanse ng Balancing Eagle Toy. Subalit katulad nga sa dialogue ng isang pelikula, ang mundo ay isang malaking kalat ng plastik, maraming pwedeng gawing laruan, at ang batang masipag, paglaki ay pagod (at kumokorni ding...
13 tags
8 tags
6 tags
9 tags
6 tags
5 tags
Yesterday, I would not have believed that tomorrow the sun would shine. Then one day you came into my life. I am alive again. All the empty yesterdays have disappeared now that you have filled my life with love. No one else could ever mean so much to me. Everyday, my high lasts longer as our love grows even stronger.
When you gave your love to me, you changed my life. Dreams that once seemed...
2 tags
8 tags
January 2012
11 tags
Dualist
Matatapos ang unang buwan ng taong 2012 nang wala akong binibiling libro, at matagal-tagal na panahon na rin nang huling mangyari ang ganito. Sana ngayong darating na Pebrero eh makabili ako ng kahit isang pirasong libro man lang mula sa aking “Books to Buy” list:
A Time To Kill - John Grisham
The Memory Keeper’s Daughter - Kim Edwards
The Wind-Up Bird Chronicle - Haruki...
7 tags
Meron ka bang Good Morning Towel, ang pambansang...
Kung noon pa mang taong 2010 ay masugid ka nang tagasubaybay ng aking munting blog, malamang ay nabasa mo dati sa dash ‘yung pinaskil ko sa Araw ng Kalayaan noong June 12 ng taong ‘yon na tungkol sa mga pambansang simbolo ng Pilipinas at ang ilan pang pwedeng idagdag na trip-trip lang para sa akin. Kung hindi mo nabasa ‘yun, pindutin lang ang link na ito. At naisip kong maaaring idagdag...
11 tags
14 tags
9 tags
11 tags
Ano ang paborito mong laruan noon na gawa sa...
Dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon ngayon, masasabing iilan na lang ang mga kompanyang gumagawa ng mga laruang gawa sa plastik na de kalidad talaga. Minsan pa nga (o madalas), nagmumula pa sa ibang bansa ang mga laruang plastik na binebenta dito sa atin, at ang masama pa eh may sangkap na kemikal ang mga ito na sadyang nakalalason kapag naisubo ng mga bata. Nakakamiss tuloy ang mga panahong...
11 tags
Random kwento tungkol sa mga old school music at...
Halos dalawang oras na akong nakatambay sa YouTube. Napagtripan ko kasing panoorin ‘yung mga lumang music videos na madalas na pinapalabas sa MTV noon. Para akong pumasok sa isang time space warp nang mapanood ko ulit ‘yung mga video na kung hindi ko man kinalakihan eh ‘yung mga madalas kong naaabutan kapag trip kong tumambay nang wantusawa sa MTV noon.
Kung gusto n’yo...
13 tags
4 tags
7 tags